Saint Cajetan Parish - Tulay na Lupa

Saint Cajetan Parish - Tulay na Lupa The Official page of the Parish of Saint Cajetan, Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte

๐Œ๐ˆ๐˜๐„๐‘๐Š๐”๐‹๐„๐’ ๐๐† ๐ˆ๐Š๐€-๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”UNANG PAGBASA1 Pedro 1, 18-25Pagbasa mula sa unang sulat ni A...
27/05/2026

๐Œ๐ˆ๐˜๐„๐‘๐Š๐”๐‹๐„๐’ ๐๐† ๐ˆ๐Š๐€-๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐
๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

UNANG PAGBASA
1 Pedro 1, 18-25

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, alam ninyo kung ano ang itinubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Ang itinubos sa inyoโ€™y di mga bagay na nasisira o nauubos, paris ng ginto o pilak, kundi ang buhay ni Kristong inihain sa krus. Siya ang Korderong walang batik at kapintasan. Itinalaga na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at alang-alang sa inyo, ipinahayag siya bago sumapit ang katapusan ng mga panahon. Dahil sa kanya, nanalig kayo sa Diyos na sa kanyaโ€™y muling bumuhay at nagparangal, anupat ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos.

Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, anupat naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawaโ€™y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan. Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng tao kundi sa bisa ng buhay at walang kamatayang salita ng Diyos. Ayon sa Kasulatan,

โ€œAng lahat ng tao ay gaya ng damo,
Gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan.
Ang damo ay natutuyo, at nalalanta ang bulaklak,
Ngunit ang salita ng Panginoon ay mamamalagi kailanman.โ€
At ito ang Mabuting Balitang ipinangaral sa inyo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon,
purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion.
Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,
ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo,
bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo.
Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad,
dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Kay Jacob nโ€™ya ibinibigay ang balita at pabilin,
ang tuntuniโ€™t mga aral, ibinigay sa Israel.
Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon!

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

ALELUYA
Marcos 10, 45

Aleluya! Aleluya!
Anak ng Taoโ€™y dumating
upang sariliโ€™y ihain
Lingkod, manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 32-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nasa daan ang mga alagad patungong Jerusalem. Nauuna sa kanila si Hesus; nangangamba ang mga alagad at natatakot naman ang mga taong sumusunod sa kanya. Ibinukod ni Hesus ang Labindalawa at sinabi ang mangyayari sa kanya. Wika niya, โ€œNgayoโ€™y paahon tayo sa Jerusalem. Ang Anak ng Taoโ€™y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba. Kanilang hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil. Siyaโ€™y tutuyain nila, luluran, hahagupitin, at papatayin. Ngunit muli siyang mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw.โ€

Lumapit kay Hesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedro, at ang sabi, โ€œGuro, may hihilingin po sana kami sa inyo.โ€ โ€œAno yon?โ€ tanong ni Hesus. Sumagot sila, โ€œSanaโ€™y makaupo kami katabi ninyo sa inyong kaharian โ€“ isa sa kanan at isa sa kaliwa.โ€ โ€œHindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,โ€ sabi ni Hesus sa kanila. โ€œMababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko? Pabibinyag ba kayo sa sa binyag na daranasin ko?โ€ โ€œOpo,โ€ tugon nila. Sinabi ni Hesus, โ€œAng hirap na babatahin koโ€™y babatahin nga ninyo, at kayoโ€™y bibinyagan sa binyag na daranasin ko. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyoโ€™y para sa mga pinaghandaan.โ€

Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kayaโ€™t pinalapit sila ni Hesus at sinabi, โ€œAlam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil ay siyang pinapanginoon, at ang mga dinadakila ay siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo ang ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

27/05/2026

Mayo 27, 2026 Miyerkules sa Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (Mk. 10:32-45) Reb. Padre Boyet I. Asesor, MF

Pagnilayan natin ang kahilingan nina Santiago at Juan kay Hesus sa ebanghelyo. โ€œSinabi ni Jesus sa kanila: Ano ang ibig ninyong gawin ko para sa inyo? Sinabi nila sa kaniya: Ipagkaloob mo sa amin na makaยฌupo kami sa tabi mo sa iyong kaluwalhatian, ang isa ay sa kanan at ang isa ay sa kaliwa. Sinabi sa kanila ni Jesus: Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Kaya ba ninyong inuman ang sarong aking iinuman? Kaya ba ninyong magpabawtismo ng bawtismong ibinawtismo sa akin? Sinabi nila kay Jesus: โ€œKaya namin.โ€ Ang pangyayari sa ebanghelyo ay may kahalintulad na naganap sa isang bahagi ng ating pamahalaan kahapon. Humihiling ang mayora ng senado na amendiyahan ang kanilang house rules at payagan ang mga mambabatas na makibahagi sa gawain, kabilang na ang pagboto sa mga panukalang batas sa pamamagitan ng โ€œonline participationโ€. Isang delikadong kapangyarihan ang hinihiling nila. Sapagkat may himig na pansariling kapakanan. Kung ito ay papayagan, ang mga nagtatago at magtatagong kaanib na mambabatas ay magiging sandata pa nila ito, upang hindi maipatupad ang batas. Matuto nawa tayo sa halimbawa ng Panjginoon na naglingkod at hindi naging makasarili ang adhikain. Idalangin natin na ang ating mga inihalal na pinuno ng bansa ay huwag nilang abusuhin ang kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanila ng taong-bayan!

Send a message to learn more

SCP Closing of Summer Catechism, Brgy. Benit, Labo Camarines Norte (May 24, 2026).
26/05/2026

SCP Closing of Summer Catechism, Brgy. Benit, Labo Camarines Norte (May 24, 2026).

SCP Closing of Summer Catechism, Brgy. Lugui, Labo Camarines Norte (May 26, 2026).
26/05/2026

SCP Closing of Summer Catechism, Brgy. Lugui, Labo Camarines Norte (May 26, 2026).

26/05/2026

Mayo 26, 2026 Martes sa Ika-8 Linggo ng Karaniwang Panahon (Mc. 10:32-45) - Reb. Padre Boyet I. Asesor, MF

Isang napakaganda kasabihan โ€œhindi natin malalagpasan ang kagandahang loob ng Diyosโ€. Sapagkat sa likas na karunungan at kapangyarihan ng Diyos, batid niya kung paano pangangalagaan ang kanyang mga lingkod. Ako po ay naordinahan bilag relihiyosong-pari (religious priest) noong Disyembre 29, 2004. Sa aking ibat-ibang assignment lalo na ang pagiging ekonomus ng probinsiya ng Pilipinas sa Missionaries of Faith, damang-dama ko kung paano ang pagkalinga ng Diyos sa aming mga pangangailan bilang misyonero. Hanggang sa ngayon sa aking kasalukuyang assignment sa Parokya ng San Cajetano ay pinatotohanan ko ang pagpapala ng Maykapal. Tunay nga sinasaad sa Banal na Kasulatan na โ€œmay nagtiwala ba sa Panginoon na kanyang pinabayaan?โ€

Send a message to learn more

๐— ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—˜๐——๐—˜๐—•๐—ข๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—–๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ง๐—”๐—ก๐—ข | Mayo 26, 2026๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐˜พ๐™–๐™ฎ๐™š๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™คO mapagmahal na Ama...
26/05/2026

๐— ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—˜๐——๐—˜๐—•๐—ข๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—–๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ง๐—”๐—ก๐—ข | Mayo 26, 2026

๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐˜พ๐™–๐™ฎ๐™š๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ค

O mapagmahal na Ama, sinasamba, pinupuri, at pinasasalamatan ka namin. Taos puso ang aming pasasalamat sa napakaraming biyaya na ibinigay mo sa amin. Sa pamamagitan ni San Cayetano, nagsusumamo at pakumbabang inilalapit namin nang may buong pananalig ang aming mga panalangin.

O Panginoong Jesukristo, bugtong na anak ng Diyos na nagturo kay San Cayetano sa pag-aalay ng buhay, hinihiling namin na itanim sa amin ang diwa ng pagsasakripisyo upang matutunan naming mahalin ang Diyos nang marubdob at higit sa lahat ng bagay katulad ng ginawa Mo.

Sa tulong ng liwanag at inspirasyon ng Espiritu Santo, matutunan nawa naming mag-ayuno at magpenitensya para sa aming mga kasalanan katulad ng ginawa ni San Cayetano.

Nawa'y ang mga biyayang hinihiling namin sa tulong ng aming mahal na Patron ay lalong maging daan sa pagbubuo ng Iyong Kaharian at ng pagpapalaganap ng Iyong kabanalan. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.
Amen.

San Cayetano, ipanalangin mo kami.

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐…๐„๐‹๐ˆ๐๐„ ๐๐„๐‘๐ˆ, ๐๐€๐‘๐ˆ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”UNANG PAGBASA1 Pedro 1, 10-16Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San ...
26/05/2026

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐…๐„๐‹๐ˆ๐๐„ ๐๐„๐‘๐ˆ, ๐๐€๐‘๐ˆ
๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

UNANG PAGBASA
1 Pedro 1, 10-16

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, tungkol sa kaligtasang ito, masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propetang humula sa kaloob na itong nakalaan sa inyo. Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Kristo na sumasakanila nang paunang ipahayag sa kanila ang hirap na titiisin ni Kristo at ang parangal na tatamuhin niya. Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nilaโ€™y sa kapakinabangan ninyo โ€“ at hindi sa kanila. Ang mga katotohanang itoโ€™y narinig ninyo ngayon sa mga tagapangaral ng Mabuting Balita ng Diyos. Nagsalita sila sa inyo sa kapangyarihan ng Espiritu Santong sinugo sa kanila buhat sa langit. Ang mga katotohanang itoโ€™y pinanabikang maunawaan ng mga anghel sa langit.

Kaya nga ihanda ninyo ang inyong mga isipan. Magpakatatag kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Hesukristo. Bilang mga anak, sundin ninyo ang Diyos at huwag ang masasamang hilig tulad ng ginagawa ninyo noong kayoโ€™y wala pang tunay na pagkaunawa. Yamang ang Diyos na humirang sa inyo ay banal, dapat kayong magpakabanal anuman ang inyong ginagawa, ayon sa nasusulat: โ€œMagpakabanal kayo, sapagkat akoโ€™y banal.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Ang Dโ€™yos na rin ang naghayag
ng handog nโ€™yang pagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa P**n ay ialay,
pagkat yaong ginawa nโ€™ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Ang Dโ€™yos na rin ang naghayag
ng handog nโ€™yang pagliligtas.

Ang tagumpay niyang itoโ€™y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansaโ€™y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Ang Dโ€™yos na rin ang naghayag
ng handog nโ€™yang pagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
Ang P**n ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Ang Dโ€™yos na rin ang naghayag
ng handog nโ€™yang pagliligtas.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag nโ€™ya
Hari sโ€™ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 28-31

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagsalita si Pedro kay Hesus, โ€œTingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kamiโ€™y sumunod sa inyo.โ€ Sinabi ni Hesus, โ€œTandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito โ€“ mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa โ€“ ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na magiging una.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

25/05/2026

Mayo 25, 2026 Maria, Ina ng Simbahan _ Reb. Padre Boyet I. Asesor, MF

Sa araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Mahal na Birhen bilang Ina ng Simbahan. Ito ay isa sa mga titulo ng Mahal na Birhen. Si Maria ay hindi lamang Ina ng Panginoong Hesukristo kundi ng sangkatauhan, ng mananampalataya at ng Katawang Mistiko ni Kristo! Tinatayang nagsimula pa ng ika-4 na daang taon ayon sa sulat ni San Ambrosio. Ipinahayag ito nang opisyal noong Nobyembre 21, 1964, ni Santo Papa Pablo VI. Samantalang ang yumaong Santo Papa Fransisco bilang paggunita (memorial). Ito ay ipagdiriwang tuwing Lunes matapos ang Kapistahan ng Pentekostes.

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€, ๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐‡๐€๐๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”UNANG PAGBASAGenesis 3, 9-15. 20Pagbasa mula sa aklat n...
25/05/2026

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€, ๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€๐‡๐€๐
๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

UNANG PAGBASA
Genesis 3, 9-15. 20

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Pagkakain ni Adan sa bunga ng puno, tinawag siya ng Panginoon at tinanong,
โ€œSaan ka naroon?โ€
โ€œNatakot po ako nang marinig ko kayong nasa hardin; nagtago po ako sapagkat akoโ€™y hubad,โ€ tugon ng lalaki.
โ€œSinong may sabi sa iyong hubad ka?โ€ tanong ng Diyos. โ€œBakit kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?โ€
โ€œKasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,โ€ tugon ng lalaki.
โ€œBakit mo naman ginawa iyon?โ€ tanong ng Diyos sa babae.
โ€œMangyari poโ€™y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,โ€ tugon naman niya.
At sinabi ng Panginoon sa ahas:
โ€œSa iyong ginawaโ€™y may parusang dapat,
na tanging ikaw lang yaong magdaranas;
ikaw ay gagapang, ang hatol kong gawad,
at alikabok ang pagkaing dapat.
Kayo ng babaeโ€™y laging mag-aaway, binhi moโ€™t binhi niyaโ€™y laging maglalaban.
Ito ang dudurog ng ulo mong iyan, at ang sakong niyaโ€™y ikaw ang tutuklaw.โ€
Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat ito ang ina ng sangkatauhan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 87, 1-2. 3. at 5, 6-7.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Sa Bundok ng Sion,
itinayo ng Diyos ang banal na lungsod,
ang lungsod na itoโ€™y higit niyang mahal
sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Kayaโ€™t iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay,
O lungsod ng Diyos.
At tungkol sa Sion, yaong sasabihinโ€™y,
โ€œAng lahat ng bansa ay masasakupan,
siyaโ€™y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.โ€

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Ang P**n ay gagawa,
ng isang talaan ng lahat ng taong dooโ€™y mamamayan,
ang lahat ng ito ay magsisiawit at pawang sasayaw.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

ALELUYA

Aleluya, Aleluya!
Birheng Mariang mapalad,
dapat magpuri ang lahat
sa iyo at sa โ€˜yong Anak.
Aleluya, Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 19, 25-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, โ€œGinang, narito ang iyong anak!โ€ At sinabi sa alagad, โ€œNarito ang iyong ina!โ€ Mula noon, siyaโ€™y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, โ€œNauuhaw ako!โ€ May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, โ€œNaganap na!โ€ Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Nooโ€™y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila raw ang araw ng Pamamahingang ito. Kayaโ€™t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

24/05/2026

Pamparokyang Katekesis sa Dakilang Kapistahan ng Pentekostes

๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐„๐๐“๐„๐Š๐Ž๐’๐“๐„๐’๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”UNANG PAGBASAMga Gawa 2, 1-11Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga ApostolNang sumapit ang a...
23/05/2026

๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐„๐๐“๐„๐Š๐Ž๐’๐“๐„๐’
๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 2, 1-11

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animoโ€™y hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang wariโ€™y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng ibaโ€™t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.

May mga Judiong buhat sa ibaโ€™t-ibang bansa, na naninirahan noon sa Jerusalem, mga taong palasamba sa Diyos. Nang marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila. Sa kanilang pagtataka ay kanilang nasabi, โ€œHindi ba Galileo silang lahat? Bakit ang atin-ating katutubong wika ang naririnig natin sa kanila? Tayoโ€™y mga taga-Partia, mga taga-Media, mga taga-Elam; mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at sa Capadocia sa Ponto, at sa Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa mga saklaw ng Libia na sakop ng Cirene, at mga nakikipanirahan mula sa Roma, maging mga Judio at mga naakit sa Judaismo. May mga taga-Creta at Arabia pa rito. Paano sila nakapagsasalita sa ating-ating wika tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34

Espiritu moโ€™y suguin,
P**n, tanaโ€™y โ€˜yong baguhin.

o kaya: Aleluya!

Pinupuri ka P**ng Diyos nitong aking kaluluwa,
O Panginoong Diyos, kay dakila mong talaga!
Sa daigdig ikaw roon, kay rami ng iyong likha.
Sa daming nilikha moโ€™y nalaganapan ang lupa.

Espiritu moโ€™y suguin,
P**n, tanaโ€™y โ€˜yong baguhin.

Natatakot mangamataโ€™y kung kitlin mo ang hininga;
Mauuwi sa alabok, pagkat doon mula sila.
Taglay mo ang Espiritu upang buhay ay ibalik,
bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.

Espiritu moโ€™y suguin,
P**n, tanaโ€™y โ€˜yong baguhin.

Sana ang โ€˜yong karangalaโ€™y manatili kailanman,
sa lahat ng iyong likha ang madamaโ€™y kagalakan.
Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,
habang aking inaawit ang papuri sa Maykapal.

Espiritu moโ€™y suguin,
P**n, tanaโ€™y โ€˜yong baguhin.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 12, 3b-7. 12-13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:
Hindi masasabi ninuman, โ€œPanginoon si Hesus,โ€ kung hindi siya pinapatnubayan ng Espiritu Santo.

Ibaโ€™t iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Ibaโ€™t iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Ibaโ€™t iba ang mga gawain ngunit iisa lamang ang Diyos na sumasalahat ng taong gumagawa ng mga iyon. Ang bawat isaโ€™y binigyan ng kaloob na naghahayag na sumasakanya ang Espiritu, para sa ikabubuti ng lahat.

Sapagkat si Kristoโ€™y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat binubuo ng ibaโ€™t ibang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA

Halina, Espiritu,
sa sinag buhat sa โ€˜yo
kamiโ€™y liwanagan mo.

Ama ng maralita,
dulot moโ€™y pagpapala
upang kamiโ€™y magkusa.

Kaibigaโ€™t patnubay,
sa amin mananahan
ang tamis ng โ€˜yong buhay.

Ginhawang ninanais,
lilim namin sa init,
kapiling bawat saglit.

Lubhang banal na ilaw,
kamiโ€™y iyong silayan
ngayon at araw-araw.

Kapag di ka nanahan
ay walang kaganapan
ang buhay namiโ€™t dangal.

Marumiโ€™y palinisin,
lantaโ€™y panariwain,
sakit namiโ€™y gamutin.

Kamiโ€™y gawing matapat,
sa pag-ibig mag-alab,
lagi sa tamang landas.

Tugunin aming luhog,
kamiโ€™y bigyang malugod
ng โ€˜yong pitong kaloob.

Gantimpalaโ€™y ibigay,
sa hantungan ng buhay
ligayang walang hanggan.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Espiritung aming Tanglaw,
kamiโ€™y iyong liwanagan
sa ningas ng pagmamahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20, 19-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. โ€œSumainyo ang kapayapaan!โ€ sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, โ€œSumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.โ€ Pagkatapos, silaโ€™y hiningahan niya at sinabi, โ€œTanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Tulay Na Lupa
Labo
4604

Opening Hours

Tuesday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Thursday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Friday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Saturday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Sunday 8am - 11:30am
2pm - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Cajetan Parish - Tulay na Lupa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share