12/02/2024
Ang pagpapahuli ng Salah mula sa tama nitong oras at pagpapabaya sa pagsasagawa nito ay isang karumal-dumal na gawain at paano na lamang kaya yaong hindi nagsasagawa nito?
📕: naiulat mula sa ibang salaf,
na dumating ang isang lalaki sa kanyang kapatid na babae na namatay, at nalalag ang isang bag na naglalaman ng kayamanan sa libingan nito at walang sinumang nakapansin nito hanggang sa lisanin niya ang libingan ng kanyang kapatid na babae,
pagkatapos nang maalala niya ito ay agaran siyang bumalik tungo sa libingan ng kanyang kapatid at ito ay kanyang sekretong hinukay nang mapansin niya na lumisan na ang mga taong dumalo sa libing nito,
at habang hinuhukay niya ito ay kanyang natagpuan at nasulyapan na ang libingan nito ay nagliliyab at kanyang ibinalik ang lupa na kanyang nahukay at siya ay bumalik sa kanilang tahanan at agarang tinanong ang kanyang ina habang umiiyak at malungkot
Kanyang sinabi: O ina, ipaalam mo sakin ang mga bagay patungkol sa aking kapatid at ano ang kanyang ginagawa nung siya ay nabubuhay pa?
Sinabi ng Ina: at ano ang katanungan mo patungkol sa kanya?
Sinabi niya: O ina, nakita ko ang kanyang libingan na nagliliyab.
At umiyak ang kanyang Ina at nasabi nito: O anak, Ang iyong nakakatandang kapatid na babae ay madalas niyang pinapabayaan ang kanyang Salah nung siya ay nabubuhay pa at kanyang ipanapahuli ang pagsasagawa nito mula sa tama nitong oras.
At yan ang kalagayan ng mga taong pinapahuli nila ang kanilang Salah mula sa oras nito, kaya't paano na lamang yaong hindi nagsa-Salah?
Kaya't ating hilingin kay Allâh na sana ay tulungan niya tayong maisagawa ng palagian ang ating Salah sa tama nitong oras, إنه جواد كريم.🤲
و الله أعلم
📕: كتاب الكبائر ص١٩
✍️: مصطفى سافانو