21/05/2026
Elder Glennz-Fort Tuazon from Medicion Ward shared his powerful testimony on how FSY helped him on preparing a mission.
Bago po ako mag-share ng testimony sa inyo, nais ko lamang po i-share na ako po ay magse-serve ng mission sa Philippines Cebu Mission, at masaya po ako at natanggap ko po ang calling ko na ito.
Sobrang thankful ko talaga na naka-attend ako ng FSY, dati kasi feel ko pag sumama ako, parang wala akong makikilala o makakausap na mga youth, pero may sinabi sa Matthew 28:20 ..."and, lo, i am with you always even unto the end of the world." Sinasabi sa verse na ito na kahit ano'ng mangyari ay andiyan palagi si Jesus Christ sa ating tabi, kaya if you feel alone, just pray and ponder.
Napakasaya talagang magkaroon ng desire na mag-serve ng mission dahil dito mo talaga malalaman kung gaano tayo kamahal at kahalaga sa diyos. Sa MTC pa lang, sobrang saya na, pero iba pa rin talaga ang mararamdaman natin sa field kasi need ulit mag-adjust sa culture at bagong companion.
Masaya po ako na nakapag-share ako ng testimony sa inyo, brothers and sisters. Alam ko po na lahat ng sinabi ko ay totoo at si President Dallin H. Oaks ang buhay nating propeta, at iniiwan ko po ito in the sacred name of Jesus Christ, Amen.
Elder Tuazon
Philippines Cebu Mission 🇵🇭
May 2025 - May 2027