Church Of Christ Alapan 1-A Imus Cavite

Church Of Christ Alapan 1-A Imus Cavite Acm Church of Christ Christian Fellowship

30/04/2026

Filipos 1:27-28

Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay nang nararapat ayon sa Magandang Balita ni Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong piling o hindi, makakatiyak pa rin akong kayo'y naninindigan sa iisang diwa at sama-samang ipinaglalaban ang pananampalataya sa Magandang Balita. Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway. Magpakatatag kayo sapagkat ito mismo ang palatandaan na sila ay mapapahamak at kayo'y ililigtas ng Diyos.
☝️🙏❤️

27/04/2026

1 Mga Taga-Corinto 15:58: "Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagod."

Colosas 2:7 "Magpakatatag kayo at isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos."

☝️🙏❤️

25/04/2026

"Tagapagligtas Mula sa Masama"

Mateo 6:13
At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!’

Tanging sa presensiya lamang ng Diyos natin mararanasan ang tunay na kalayaan sa pagawa ng masama at tanging sa presensya niya lamang natin matatagpuan ang tunay na kaligtasan.

Always ask God's wisdom kung papaano tayo magtatagumpay sa ating mga kahinaan at mga tuksong hinahain sa atin ng kalaban. Wala nang ibang makakatulong sa atin kung hindi ang Diyos lamang.

Dalangin ko O Diyos ang pag iingat at pagabay mo sa akin sa araw araw, Iadya mo kami sa lahat ng masama. sa ngalan ni Hesus Amen!

☝🙏❤

23/04/2026

Awit 30 : 5

Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.Maaaring sa gabi ay may pagluha,pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.
☝️🙏❤️

☝️🙏❤️
23/04/2026

☝️🙏❤️

23/04/2026

Gagawa ka ba ng desisyon sa araw na ito? Hanapin mo ang tamang direksyon sa Salita ng Diyos. Mamahinga ka sa kapayapaan na tanging Siya lamang ang makakapagbigay (Filipos 4:7). “Humingi ka sa Kanya ng karunungan, magtiwala ka sa Kanyang mga pangako, at gagabayan Niya ang iyong landas. Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas” (Kawikaan 3:5-6; tingnan din ang Isaias 58:11; Juan 8:12).
Juan 8:12
[12]Muling nagsalita si Jesus sa mga Pariseo. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.”

Ang paggawa ng tamang desisyon ay nagsisimula sa pagtuklas sa kalooban ng Diyos. Nagagalak ang Diyos sa pagpapaalam ng Kanyang kalooban sa mga taong masugid na sumusunod sa Kanyang mga utos (Awit 33:18; 35:27; 147:11). Ang ating saloobin sa paggawa ng desisyon ay dapat na katulad ng ginawa ni Hesus na nagsabi, “Hindi ang kalooban Ko, kundi ang kalooban Mo ang masunod” (Lukas 22:42; Mateo 6:10).

Muli ang pangunahing susi sa tamang pagdedesisyon ay ang pagalam sa kalooban ng Diyos at ang hindi pagsunod sa mga nais ng ating puso: “May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan” (Kawikaan 14:12; cf. Kawikaan 12:15; 21:2). Habang inilalagak natin ang ating pagtitiwala sa Diyos sa halip na sa ating sarili, matutuklasan natin na ang ating mga desisyon ay nakalulugod sa Kanya.
☝️🙏❤️

Prayer GatheringWed, April 22, 2026
22/04/2026

Prayer Gathering
Wed, April 22, 2026

21/04/2026

Isaias 12:2 : "Narito, ang Dios ay aking kaligtasan; ako'y magtitiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't ang Panginoong Dios ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan".
Binibigyang-diin nito ang tiwala sa Diyos bilang lakas at kaligtasan, na nag-aalis ng takot
☝️🙏❤️

17/04/2026

8 Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. 9 Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya. 10 Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, ginagawa nating sinungaling ang Dios, at wala sa atin ang kanyang salita.
1 Juan 1:8-10
☝️🙏❤️

17/04/2026

Paalala para sa ating lahat ☺️

1 Juan 2:3-6
Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos. Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya. Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo.

☝️🙏❤️

Prayer GatheringApril 15.2026
15/04/2026

Prayer Gathering
April 15.2026

14/04/2026

"Sumasaatin si Cristo"

1 Pedro 4:16
Ngunit kung kayo'y magdusa dahil sa pagiging Cristiano, huwag ninyong ikahiya ito; sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo.

Ang pagiging isang Cristiano ay isang pribilhehiyo sapagkat ito ay isang oportunidad na mapabilang sa hinirang ng Diyos. Marami ang tinawag ngunit kakaunti lamang ang pinili at mapalad tayo sapagkat pinili tayo ng Panginoon para sa kanyang dakilang misyon dito sa lupa.

Kung tayo man ay gawan ng masama o ipersecute dahil sa Panginoon ay magalak tayo sapagkat sumasaatin ang Panginoon at nakikiisa tayo sa kanyang paghihirap kahit sa sandaling panahon. Kung tayo kasama sa paghihirap ni Cristo ay siguradong kasama din tayo sa darating kaluwalhatian. Huwag tayong panghinaan ng loob sapagkat temporal lamang ang nasa mundong ito at hindi kayang ikumpara sa walang hanggang paparating.

Maraming salamat po O Diyos sa oportunidad na makabahagi sa iyong mga paghihirap at sa parating na kaluwalhatian. Tulungan mo akong mapagtagumpayan ang mga parating pang mga pagsubok. sa ngalan ni Hesus Amen!
☝🙏❤

Address

Block F Lot 31 Phase 5 Makiling Street ACM Subdivision Alapan 1-A Imus Cavite
Imus
4103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Church Of Christ Alapan 1-A Imus Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Church Of Christ Alapan 1-A Imus Cavite:

Share