08/09/2013
Tinipon sa iyo ang lahat ng gracia
Siyang gantimpala ng Diyos na Ama
Ika’y itinalaga, upang maging Ina,
Ni Jesus na Diyos, sasakop sa sala
Yaong unang Eva duon sa paraiso
Siyang naakait, sa ahas natukso
Ikaw nga ang siyang ikalawang pumarito
Upang yuurak, dumurog sa ulo
Ang araw at buwan at mga bituin
Nasangkap sa iyo lahat ng luningning
Sa iyong dilag, katamisang angkin
Di matingkala, di kayang sukatin
MALIGAYANG KAARAWAN MARIA, AMING INA