28/04/2024
PAANYAYA: Halina mga deboto at makiisa sa Alay Lakad para sa Kapayapaan mula Abril 27 hanggang Mayo 01. Sabayan natin ang Mahal na Birheng Maria ng Antipolo sa kanyang taunang pagdalaw sa Dambana ng kanyang Kamahalmahalang Anak na si Jesus Nazareno.
Pagkalooban nawa ng Diyos ang ating buhay ng kapanatagan at kapayapaan.
Birheng Maria, Reyna ng Kapayapaan, ipanalangin mo kami!
Panginoong Jesus, Prinsipe ng Kapayapaan, kaawaan mo kami!