Iglesia ng Banal na Espiritu ng Dios Inc.

Iglesia ng Banal na Espiritu ng Dios Inc. CENTRO NARAUIS HINIGARAN
KAWANGGAWA PAG-IBIG AT PANANAMPALATAYA

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Bernie Tagumaya, Venmar Cordova, Kerby Ferranco
20/08/2025

Misyon Amontay, BinalbaganDecember 22,2023
01/04/2024

Misyon Amontay, Binalbagan
December 22,2023

ALAMIN NATIN:MARCOS 16:15-18At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evang...
01/04/2024

ALAMIN NATIN:

MARCOS 16:15-18
At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.
Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan. 17At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika; 18Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.

PALIWANAG:

Sa MARCOS16:15, iniutos ng Panginoong Jesus sa kaniyang mga alagad na ipangaral ang "evangelio" sa buong sanlibutan, sapagkat napakahalaga ng evangelio, ito ang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya.

ROMA 1:16 Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.

Sa pakikinig ng evangelio, dito nagsisimula ang pananampalataya, at tayo'y tatanggap ng tatak ng Espiritu Santo na ipinangako. Ito ang patotoo ng ating pagkatubos.

EFESO 1:13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, 14Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.

Sa MARCOS 16:16, Sinasabi dito na ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, kung gayon, ang pagsampalataya at bautismo ay susi sa ating kaligtasan.

MAHALAGA NA TAYO'Y SUMAMPALATAYA UPANG HUWAG MAPAHAMAK AT MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.
JUAN 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y SUMAMPALATAYA ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

GAANO NAMAN KAHALAGA ANG BAUTISMO SA ATING KALIGTASAN?

JUAN 3:5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
ANG IBIG SABIHIN NG "IPINANGANAK NG TUBIG AT NG ESPIRITU," AY BAUTISMO NG TUBIG AT BAUTISMO NG ESPIRITU SANTO.
KAYA'T KUNG WALA TAYONG BAUTISMO NG TUBIG AT NG ESPIRITU, HINDI TAYO MAKAPAPASOK SA KAHARIAN NG DIOS, IBIG SABIHIN, WALA TAYONG KALIGTASAN.
ANG KAHULUGAN NG BAUTISMO NG TUBIG AY "PAGSISISI."

MATEO 3:11 Sa katotohanan ay BINABAUTISMUHAN ko kayo sa TUBIG sa PAGSISISI, datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y MAGBABAUTISMO SA ESPIRITU SANTO AT APOY.

KAILAN NATIN MATATANGGAP ANG KALOOB NG ESPIRITU SANTO NA IPINANGAKO?
MGA GAWA 2:38
At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
KAPAG NAGSISI TAYO AT NAGPABAUTISMO, DOON NATIN TATANGGAPIN ANG KALOOB NG ESPIRITU SANTO.

ANO ANG TATANGGAPIN NATIN KAPAG DUMATING SA ATIN ANG ESPIRITU SANTO?

GAWA 1:8 Datapuwa't tatanggapin ninyo ang KAPANGYARIHAN, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

KAPANGYARIHAN ANG TATANGGAPIN NATIN KAPAG DUMATING SA ATIN ANG ESPIRITU SANTO, ITO ANG KALOOB NG ESPIRITU SANTO. ANG KAPANGYARIHAN NA ITO ANG ATING GAGAMITIN UPANG MATUPAD NATIN ANG UTOS NG PANGINOON.

ANO ANG UTOS NG PANGINOON SA MGA SUMASAMPALATAYA?
JUAN 14:12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama.

UTOS NG PANGINOON SA MGA MAGSISISAMPALATAYA SA KANIYA, NA GAWIN DIN NILA ANG KANIYANG MGA GINAWA. HINDI NATIN MAGAGAWA ANG MGA GINAWA NG PANGINOON KUNG WALA TAYONG TAGLAY NA KAPANGYARIHAN.
KAYA'T KAPAG TAYO'Y NABAUTISMUHAN, TATANGGAPIN NATIN ANG KALOOB NG ESPIRITU SANTO, NA SIYANG KAPANGYARIHAN.

KAYA'T SA MARCOS 16:17-18, LALAKIP ANG MGA TANDANG ITO SA MAGSISISAMPALATAYA.

ANU-ANO ANG MGA TANDANG ITO?

*MAGPAPALABAS SILA NG MGA DEMONIO SA AKING PANGALAN.
Ang pagpapalabas ng demonio, ay unang ginawa ng Panginoon Jesus.

MARCOS 1:25 At sinaway siya ni Jesus, na nagsasabi, Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya. 26At ang karumaldumal na espiritu, nang mapangatal niya siya at makapagsisigaw ng malakas na tinig, ay lumabas sa kaniya.

AT INIUTOS NIYA SA KANIYANG MGA ALAGAD ANG PAGPAPALAYAS NG MGA DEMONIO.
MATEO 10:8 Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.

*MANGAGSASALITA SILA NG MGA BAGONG WIKA.
1 CORINTO 14:2 Sapagka't ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita, kundi sa Dios; sapagka't walang nakauunawa sa kaniya; kundi sa espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga.

*SILA'Y MAGSISIHAWAK NG MGA AHAS
Sa bibliya, ang AHAS ay kumakatawan kay SATANAS.
APOCALIPSIS 12:9
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang AHAS, ang tinatawag na Diablo at SATANAS, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
MAGAGAWA NG ISANG SUMASAMPALATAYA NA HAWAKAN O PASUKUIN ANG AHAS O SI SATANAS, KASAMA NG KANYANG MGA KAMPON NA DEMONIO.

LUCAS 10:17 At nagsipagbalik ang pitongpu na may kagalakan, na nangagsasabi, Panginoon, pati ang mga demonio ay nagsisisuko sa amin sa iyong pangalan. 18At sinabi niya sa kanila, Nakita ko si SATANAS, na nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit. 19Narito, binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga AHAS at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano. 20Gayon ma'y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na NANGASUSULAT ANG INYONG MGA PANGALAN SA LANGIT.

*AT KUNG MAGSIINOM SILA NG BAGAY NA MAKAMAMATAY, SA ANOMANG PARAAN AY HINDI MAKASASAMA SA KANILA.

Ito ay may literal at espiritual na kahulugan.
Sa literal na kahulugan, ang isang mananampalataya na makainom ng lason ng hindi niya nalalaman na ito ay may lason, sa anumang paraan ay walang mangyayaring masama sa kanya, ngunit kung sasadyain niyang uminom ng lason upang subukin ang kapangyarihan ng Dios, kamatayan o kapahamakan ang kahahantungan niya.

Sa espiritual naman na kahulugan nito, ito ay tumutukoy sa "panganib" o "kapahamakan." Iingatan ng Panginoon ang kanyang mga lingkod sa gitna ng panganib o anumang kapahamakan, bagaman sila'y nasa bingit ng kamatayan at kapahamakan, sa anumang paraan ay walang mangyayaring masama sa kanila, sapagkat ililigtas sila ng Panginoon.

MGA AWIT 23:4
Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.

JUAN 17:12 Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan.

*IPAPATONG NILA ANG KANILANG MGA KAMAY SA MGA MAY SAKIT AT SILA'Y MAGSISIGALING.
Ang pagpapagaling ng may sakit ay ginawa ng Panginoon, at iniutos niya ito sa kaniyang mga alagad na gawin din ang mga ito ( MATEO 10:7-8 ). Iniutos din naman ng Panginoong Jesus sa mga magsisisampalataya na gawin din ang kaniyang mga ginawa at kasama sa kaniyang mga ginawa ang pagpapagaling ng maysakit, na dapat din gawin ng mga sumasampalataya ( JUAN 14:12 ).
Ang pagpapagaling ng mga may sakit, ay isa sa kaloob ng Espiritu santo.

1 CORINTO 12:9 Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.

KAYA'T PAKANASAIN NATIN NA TAGLAYIN ANG MGA TANDANG ITO, UPANG TAYO'Y MAGING TUNAY NA SUMASAMPALATAYA, SAPAGKAT KUNG TAYO'Y HINDI TUNAY NA SUMASAMPALATAYA, KAPARUSAHAN ANG PATUTUNGUHAN NATIN.

Address

Centro Narauis Hinigaran
Hinigaran
6106

Telephone

+639060576760

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Iglesia ng Banal na Espiritu ng Dios Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share