16/08/2026
โ๏ธ๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ค๐ฒ๐ ๐ง๐ข ๐๐ญ. ๐๐ก๐๐ซ๐๐๐ฅ ๐๐๐ค๐ก๐ฅ๐จ๐ฎ๐ โ๏ธ
Isang napakagandang biyaya at natatanging pagkakataon para sa ating Parokya ng San Juan Bautista ang pagdalaw ng banal na relikya ni San Sharbel Makhlouf, isang banal na monghe at lingkod ng Diyos na naging huwaran ng malalim na pananampalataya, katahimikan, panalangin, at pagtatalaga ng buhay sa Panginoon.
Sa banal na pagdalaw na ito, inaanyayahan ang bawat isa na samantalahin ang pagkakataong manalangin, magnilay, at higit na mapalalim ang ating ugnayan sa Diyos. Nawaโy ang presensya ng banal na relikya ni San Sharbel ay maging paalala sa atin na sa gitna ng mga pagsubok, pangamba, at hamon ng buhay, ang Diyos ay laging kasama natin at hindi kailanman nagpapabaya.
Nawaโy sa pamamagitan ng kanyang halimbawa ay matuto rin tayong mamuhay nang may kababaang-loob, pagtitiyaga, pagmamahal, at buong pagtitiwala sa kalooban ng Diyos. Dalhin natin sa panalangin ang ating mga pamilya, mga mahal sa buhay, mga maysakit, mga nangangailangan, at ang lahat ng ating mga kahilingan.
San Sharbel Makhlouf, huwaran ng kabanalan at pananalangin, ipanalangin mo kami.
San Juan Bautista, ipanalangin mo kami. ๐๐๏ธ
Halinaโt makiisa sa banal na pagdalaw na ito at sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya. โค๏ธ