01/05/2025
Ang Simula ng Alay Kapwa
Taong 1978, sa Sitio Budyong Brgy. Ligpit Bantayan Guinayangan, Quezon, ang ALAY KAPWA ay itinatag mula sa isang pangarap ng labintatlong nagkakaisang myembro:
1. Dardo Pagara
2. Nando Flores
3. Santos Pagara
4. Mating Pagara
5. Casiano Del Mundo
6. Nicolas De Ocampo
7. Ceverino Del Mundo
8. Teodoro Gonzales
9. Mariano Del Mundo
10. Tornie De Ocampo
11. Tuding De Ocampo
12. Goring Del Mundo at
13. Loleng Catapang
Nagsimula ang lahat sa isang simpleng pangangaroling ng apat na magkakapamilya at barkadahan nina: Dardo, Beri, Mating at Santos
na may layunin lamang na makabili ng inuming Gin. Dahil sa katuwaang ito, nakalikom sila ng sapat na halaga at nagkaron ng sobrang pondo kaya inatasan sila ng Nanay Ceria Pagara na gamitin ang natirang pondo sa pagbili ng imahe ng santo na si San Isidro Labrador at gitara na magagamit sa kanilang munting kasiyahan sa palagiang pagtitipon. Sila ay nagtulungan upang makapagtayo ng maliit na kubo at noon nga pormal na itinatag ang samahan ng Alay Kapwa.
Simula noon, sa pamumuno ni G. Dardo Pagara, naging patuloy ang pagkakaisa, pagtutulungan at pagdiriwang na sama-sama ng bawat pamilya.
Sa paglipas ng mga taon, naging malaking bahagi rin ang tulong mula kay Gng. Mia Pagara at Gng. Emen Espenida sa kanyang masigasig na pamumuno sa pagdarasal kung kaya’t hanggang sa ngayon ay buhay na buhay ang diwa ng selebrasyon ng ating Alay Kapwa.
Ang mga sumusunod na pamilya ay ilan lamang sa mga naging matibay na pundasyon ng ating samahan:
1. Pamilya Pagara: Turing, Talino, Marcing, Aton, Rita, Tony, Mely at Dardo
2. Pamilya Del Mundo: Mecio, Nida Gonzales, Severino, Pining Araño, Goring Nario, Casi, Fidela Dela Vega, Amalia De Torres, Mila Layola, at Aling Colar
3. Pamilya De Ocampo: Igna, Ever, Celing, Meling, Colas, Tornie, at Tuding
4. Pamilya Mendoza: Casing Aquino, Durit, Puring Urzua, Narcing, at Pitong Lerona
5. Pamilya Bautista: Ben, Unyong, Omeng, Irene, at Manuel Andal
6. Pamilya Casilihan: Susing at Pos
7. Pamilya Paller: Rudy
8. Pamilya Hernandez: Baldo
9. Pamilya Idea: Felix
10. Pamilya Catapang: Toyang/Unyong
At marami pang iba mula sa mga pamilya: Pruna, Estupido, Villanueva, at Cuartuano na patuloy na nagbibigay buhay at halaga sa diwa ng Alay Kapwa.
Mula sa simpleng katuwaan ng pangangaroling hanggang sa pagtatayo ng isang matatag na samahan, ang ALAY KAPWA ay patunay ng pagkakaisa, pagtutulungan, pagmamahalan at pananampalataya. Isang mahalagang pamana na patuloy na ipagdiriwang, pananatilihing buhay at matatag sa mga susunod pang panahon at henerasyon.
Isang malaking pasasalamat sa mga mahahalagang indibiduwal at pamilya na patuloy na nagbibigay ng tulong (ayon sa iba’t-ibang aspeto) mula noon hanggang sa kasalukuyan para sa samahan ng Alay Kapwa.
Mabuhay tayong lahat!