27/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐
โFiat Voluntas Deiโ โข Godโs will be done.
Sa bawat simbolong nakapaloob sa aming Coat of Arms ay makikita ang diwa ng pananampalataya at tapat na paglilingkod sa Diyos. Ang Krus ng mga Dominikano, Monstrance, Banal na Eukaristiya, at Monogram ni Maria ay sumasalamin sa aming misyong maging mabubuting lingkod ng Simbahan at ehemplo ng banal na pamumuhay.
Bilang mga altar server ng Saint Vincent Ferrer Parish, dala namin hindi lamang ang kasuotan ng paglilingkod kundi pati ang responsibilidad na maging ilaw at saksi ng pananampalataya sa aming komunidad.
Sa bawat paglingkod sa dambana ay iniaalay namin ang aming kababaang-loob, disiplina, at pagmamahal sa Diyos para sa Kanyang higit na kaluwalhatian.