24/02/2025
Praise God, from Whom all blessings flow!
Ordinance 150-2025!! An ordinance declaring the 2nd Thursday of January of every year as BAPTIST DAY in the Province of Cavite.
Isang pagpapala at pabor ang binigay ng Dios sa Probinysya ng Cavite sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga Baptist Pastors ng buong Cavite at sa tulong ng ating Board Member, Morit Sison (Maurito C. Sison) at sa supporta na ibinigay ni Hon. Fulguencio Dela Questa at ang mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan.
Isang Hakbang Para sa Pagkilala!
Ipinakilala ng inyong lingkod, Board Member Maurito C. Sison ang Ordinance No. 150-2025, na naglalayong ideklara ang ikalawang Huwebes ng Enero bilang Baptist Day sa buong Lalawigan ng Cavite. Isang pagkilala sa mahalagang ambag ng Baptist community sa pagpapatatag ng pananampalataya, paglilingkod sa komunidad, at pagsuporta sa mga adhikain para sa kabutihan ng lahat. ๐
Sa suporta ni Hon. Fulgencio Dela Cuesta Jr. at lahat ng kasapi ng Sangguniang Panlalawigan, inaasahang magbibigay ito ng inspirasyon upang ipagdiwang at kilalanin ang di matatawarang dedikasyon ng Baptist community sa ating lalawigan. ๐ Isang hakbang patungo sa mas nagkakaisang Cavite!