08/09/2026
Asslamo alaicom w.w.
🌟AWRD CEREMONY- الحفلة التكريمية
🌟September 06/2026
Mensahe_____🌟
Mensahe para sa mga Estudyanteng May Parangal
Ang medalyang or ang sertipikasyong hawak ninyo ay hindi lamang tanda ng inyong galing, kundi isang malaking responsibilidad. Ibinigay ng Allah (SWT) ang biyayang ito upang maging liwanag kayo sa iba. Huwag hayaang ang papuri ng tao ang maging hangganan ng inyong tagumpay. Ang totoong parangal ay ang pananatiling mapagkumbaba at ang pagpapatuloy na isabuhay ang bawat talata ng Qur’an sa inyong pang-araw-araw na buhay.
Pananatiling Mapagkumbaba:
وَلَا تُصَعِّرْ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمْشِ فِي الْأَرْضِ مَرَحًا ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخْتَالٍ فَخُورٍ
"At huwag mong ilihis ang iyong mukha sa mga tao nang may pagmamataas... Katotohanan, ang Allah ay hindi nagmamahal sa sinumang mapagmalaki at maysambog."
— Surah Luqman (31:18)
Dalisay na Intensyon (Ikhlas):
إِنَّمَا الأَعْمَالُ بِالنِّيَّاتِ، وَإِنَّمَا لِكُلِّ امْرِئٍ مَا نَوَى
Sinabi ng Propeta (ﷺ): "Katotohanan, ang mga gawa ay nakabatay sa mga intensyon..."
— Sahih al-Bukhari (1)
Mensahe para sa mga Estudyanteng Walang Parangal
Sa mata ng mundo, maaaring wala kayong hawak na Certificate ngayong araw, ngunit sa mata ng Lumikha, walang pagod o pagsisikap na nasasayang. Bawat nauutal na pagbigkas, bawat puyat sa pag-uulit ng talata, at bawat patak ng pawis habang nagmememorya ay nakatala at may dakilang gantingpala . Ang tunay na panalo sa pag-aaral ng Qur'an ay hindi ang pagiging una sa entablado, kundi ang pagiging malapit sa puso ng Allah.
Dobling Gantimpala sa Nahihirapan:
الَّذِي يَقْرَأُ القُرْآنَ وَهُوَ مَاهِرٌ بِهِ مَعَ السَّفَرَةِ الكِرَامِ البَرَرَةِ، وَالَّذِي يَقْرَأُ القُرْآنَ وَيَتَتَعْتَعُ فِيهِ وَهُوَ عَلَيْهِ شَاقٌّ لَهُ أَجْرَانِ
Sinabi ng Propeta (ﷺ): "Ang tao na nagbabasa ng Qur'an nang may pag-aatubili (nauutal) at ito ay mahirap para sa kanya, siya ay makakatanggap ng dobling gantimpala."
— Sahih al-Bukhari (4937)
Walang Nasasayang na Pagsisikap:
فَمَن يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ خَيْرًا يَرَهُ
"At ang sinumang gumawa ng kabutihan na kapantay ng timbang ng isang maliit na langgam ay makikita ito."
— Surah Az-Zalzalah (99:7)
Mensahe para sa mga Ustadz at Tagapagturo
Kayo ang mga tahimik na bayani na humuhubog sa kinabukasan ng ating Ummah. Ang inyong sakripisyo, habag, at walang sawang pag-unawa sa iba't ibang ugali at kakayahan ng mga bata ay isang gawaing ang tunay na kabayaran ay hindi matatagpuan sa mundong ito. Huwag kayong mapagod na yakapin ang mas nangangailangan ng gabay. Ang bawat titik na natutunan ng inyong mga estudyante ay magiging patuloy na liwanag at biyaya sa inyo.
Kadakilaan ng Pagtuturo:
خَيْرُكُمْ مَنْ تَعَلَّمَ الْقُرْآنَ وَعَلَّمَهُ
Sinabi ng Propeta (ﷺ): "Ang pinakamainam sa inyo ay ang siyang nag-aaral ng Qur'an at nagtuturo nito."
— Sahih al-Bukhari (5027)
Gantimpalang Patuloy (Sadaqah Jariyah):
إِذَا مَاتَ الْإِنْسَانُ انْقَطَعَ عَنْهُ عَمَلُهُ إِلَّا مِنْ ثَلَاثَةٍ... أَوْ عِلْمٍ يُنْتَفَعُ بِهِ
Sinabi ng Propeta (ﷺ): "Kapag ang tao ay namatay, natitigil ang kanyang gawa maliban sa tatlo... [isa rito ang] kaalaman na kapaki-pakinabang."
— Sahih Muslim (1631)
Markadz Al-Ulom Qur'an And Sunnah Memorization Centre / مركز العلوم لتحفيظ
📝Abu Muffleha Wa Maslaha