08/04/2026
๐ ๐ ๐ ๐ ๐ ๐ ๐ ๐ ๐ ๐ ๐ ๐ ๐ ๐
๐ ๐ ๐ฟ ๐ ๐พ ๐
+ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ +
Sa darating na ika-19 ng Abril 2026, Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ay muli nating gaganapin ang Traslacion ng La Virgen Divina Pastora
Ang Traslacion ay ginaganap bilang pag-alala, paggunitรข, at pagsasabuhay sa sinasabing naganap noong araw na pagkakita at pagdala ng mapaghimalang imahen ng La Virgen Divina Pastora mula sa Barangay Callos, kung saan siya ay natagpuan ng mga nagpapastol sa ilalim ng isang punong callos, at pagkatapos ay dinala ng may-ari ng Hacienda patungo sa Parokya ng Tatlong Hari, na sa kasalukuyan ay tinaguriang Pambansang Dambana ng La Virgen Divina Pastora.
Narito po sa ating talatakdaan ng mga araw at oras ng mga gawain sa buong pagdiriwang. Lubos po naming inaanyayahan ang lahat ng mga deboto ng ating Mahal na Inang Divina Pastora, at mga mananampalataya ng ating Basilika at Parokya na dumalo at makiisa sa mga gawaing ito.
Mabuhay ang Makalangit na Pintakasi ng Diyosesis ng Cabanatuan, Ang Prinsibinรฎ ng Lalawigan ng Nueva Ecija, at Reyna ng Gitnang Kapatagan!
๐ ๐ ๐ฟ ๐ ๐พ ๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐ ๐ ๐ฟ ๐ ๐พ ๐