29/09/2025
Para sa lahat ng dumaraan sa mabibigat na PAGSUBOK.🌼
Ang tulang ito ay aming isinulat hindi lamang upang maging tula📜, kundi paalala na sa bawat pagsubok—hindi tayo nag-iisa☝🏻. At sa bawat problema ay kasama natin siya, hindi niya tayo pababayaan❤️🩹. Sa kaniyang kanlungan, may pag-asa, kaginhawahan, at tunay na kapayapaan. 🤍✨
✨𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐧𝐥𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧✨
𝘐𝘴𝘪𝘯𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘪𝘯𝘢 𝘙𝘢𝘤𝘩𝘦𝘭𝘭𝘦 𝘈𝘯𝘯𝘦 𝘙𝘪𝘰𝘮𝘢𝘭𝘰𝘴 𝘢𝘵 𝘕𝘺𝘴𝘴𝘢 𝘔𝘢𝘶𝘳𝘪𝘤𝘦 𝘙𝘪𝘰𝘮𝘢𝘭𝘰𝘴
❗Errors Ahead❗
Kumusta ka, kaibigan?
Ano ang iyong nararamdaman?
Kasiyahan pa ba iyan?
O baka naman ay puro na lang kalungkutan?
Ikaw ba’y pagod na?
Puso ba ay durog na?
Ikaw ba’y puno na ng pangangamba?
O baka naman ay lugmok na lugmok na dahil sa bigat ng problemang iyong dala-dala?
Maaaring ngayon ikaw ay naguguluhan,
At problema’y gusto mo nang takasan.
Siguro ngayo’y puno ng pagkayamot ang puso mong sugatan.
Marahil ay sarili mong halaga’y kinukwestyon mo na
at ang isip ay puno na ng katanungan.
Pero alalahanin mo, kaibigan,
lahat ng problema ay may katapusan.
At ang paghihirap mo ay may hangganan.
Maaaring hindi ko alam ang tunay mong nararamdaman,
Ngunit sapat na, kaibigan, sapagkat ang pag-asa’y iyong makakamtan.
Oo, may pag-asa pa para sa iyo, aking kaibigan—
Pag-asang hindi sa tao matatagpuan o ni kanino man,
Pag-asang sa Diyos mo lang makakamtan.
Tahan na, kaibigan, ika’y Kaniyang naririnig at nararamdaman.
Alam Niya na ika’y nasasaktan at nahihirapan;
Mga pusong sugatan ay maghihilom mula sa Kaniyang pag-ibig na walang hanggan.
Mga pagsubok at problema mo’y Kaniyang wawakasan.
Oo! Hindi ka nag-iisa, oh kaibigan.
Kasama mo Siya magpakailanman.
Kaya’t bumalik ka na sa Kaniyang kanlungan;
Siya’y naghihintay lamang na iyong balikan.
Siya lamang ang ilaw sa daan nating madilim,
Ang nagsisilbing liwanag sa buhay na makulimlim,
Ang humihila’t yumayakap sa atin mula sa pagkakalunod sa dilim,
Tumanggap at yumayakap sa atin mula sa karumihan nang may galak at lugod.
Mula sa Kaniyang bisig ay maaatim ang kasiyahan,
Mula sa Kaniyang mga kamay — mga dagok sa buhay ay mawawakasan,
Mula sa Kaniyang kinaroroonan — tayo’y may kapayapaan,
At mula sa Kaniyang pagmamahal — tayo’y may kaligtasan.
Kaya’t halika na, kaibigan,
Bumalik ka na sa Kaniyang kanlungan.
Sapagkat sa Kaniya lamang matatagpuan ang tunay na kaligtasan.
Halina’t ating yakapin ang Kaniyang pagmamahal magpakailanman
At mamuhay sa Kaniyang presensya na puno ng kasiyahan.
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”🤍✨
- Mateo 11:28