29/04/2026
Sinumang hindi makapagtiis ng kahit isang oras man lang sa pag-aaral ng kanyang Relihiyong Islam, mananatiling mangmang hanggang sa kanyang pagtanda at kamatayan.
Kahit ang Propeta ﷺ na hindi marunong bumasa at sumulat ay inutosang magbasa batay sa pinakaunang bumaba sa kanya na talata ng Qur'ān:
ٱقۡرَأۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلَّذِي خَلَقَ
"Basahin [o bigkasin] mo! Sa Ngalan ng iyong Panginoon na lumikha."
Nangangahulugan na dapat tayong mag-aral, mag-aral, mag-aral ng ating Relihiyon, ayon sa tamang proseso nang pag-aaral, hindi yong tatalon ka sa antas na hindi mo pa level! Matutong magpakumbaba at makinig sa mga Ulama, sapagka’t sinumang magpakumbaba alang-alang sa Allah ay itataas ng Allah. At sinumang magmataas at magmalaki ay ibabagsak at ibababa ng Allah, at hindi makakapasok ng Jannah at bubuhayin sa Araw ng Pagbangon na sinlaki ng mga langgam na aapak-apakan ng mga tao doon!
Shaykh Muhammad Granaderos