29/04/2026
Pagdiriwang ng Pista ni Santa Catalina ng Siena sa Brgy. Maligaya
Ipinagdiwang ng Brgy. Maligaya ang pista ng kanilang patron, si Santa Catalina ng Siena, kasunod ng isang banal na misa. Bagama't walang larawang naibahagi mula sa misa, nairaos nang maayos ang prusisyon bilang pagpupugay sa kanilang patrona.
Si Santa Catalina (Catherine) ay isang natatanging pigura sa kasaysayan ng Simbahang Katolika. Ipinanganak siya sa Siena, Italya noong 1347 mula sa isang mahirap na pamilya. Maaga pa lamang ay ipinakita na niya ang kanyang matinding debosyon sa Diyos. Bagama't nais siyang ipakasal ng kanyang mga magulang sa isang lalaking mayaman, mariin itong tinanggihan ni Catalina. Ginawa niya ang isang panata o boto na hindi mag-aasawa, inilaan ang kanyang pagkabirhen para sa Panginoong Diyos, at itinuring si Kristo bilang kanyang tanging esposo.
Kinalaunan, sumapi si Catalina sa Orden Tersyaryo ni Santo Domingo, at naging isang relihiyosa Dominicana. Sa kanyang buhay, dumanas siya ng maraming tukso laban sa kalinisan at pananampalataya, ngunit matagumpay niya itong nalabanan sa pamamagitan ng matinding debosyon sa Mahal na Birhen at sa malimit na pagtanggap ng komunyon.
Hindi lamang sa kanyang kabanalan naging bantog si Santa Catalina. Kilala rin siya sa kanyang mga sulat at aklat na naging inspirasyon at gabay sa marami. Matapang niyang tinawagan ng pansin ang mga Papa, obispo, at pari upang ipagtanggol ang tunay na aral ng Panginoon. Nagsikap din siya na pairalin sa Santa Iglesia ang mga simulain ng Kristiyanismo, lalo na sa panahong nagkaroon ng kaguluhan sa pamahalaan at sa mismong Simbahan.
MALIGAYANG FIESTA, BRGY. MALIGAYA! VIVA SANTA CATALINA!
Nawa'y ang pagdiriwang na ito ay magdulot ng patuloy na biyaya at inspirasyon sa komunidad ng Brgy. Maligaya.