06/09/2024
PARAMIHIN ANG SALAWĀT SA NABI ﷺ SA GABI AT ARAW NG JUMU'AH [BIYERNES], AT ITO'Y SUNNAH
Dahil sinabi ng Propeta ﷺ:
"أَكْثِرُوا الصَّلَاةَ عَلَيَّ يَوْمَ الْجُمُعَةِ وَلَيْلَةَ الْجُمُعَةِ؛ فَمَنْ صَلَّى عَلَيَّ صَلَاةً صَلَّى الله عَلَيْهِ عَشْرًا."
"Paramihin ninyo ang SALAWAT sa akin sa Araw ng Jumu'ah at gabi ng Jumu'ah; sapagkat sinuman ang nag-salawat sa akin ng isang beses ay mag-salawat ang Allah sa kanya ng sampung beses." ~Inulat ni Bayhaqi sa kanyang SUNAN, hasan ang hadith na ito ayon kay Shaykh Albani.
Ang Salawàt ay isang uri ng du'a at pagpupuri ng isang muslim para kay Nabi ﷺ na naitala sa Qur'ān at Sunnah At Sunnah po na ito'y paramihin lalong-lalo na sa gabi at araw ng Jumu'ah ayon sa mga hadith sahih. At mismo ang Allah at ang Kanyang mga anghel ay nagsalawat kay Nabi ﷺ. ANO ANG SALAWĀT NG ALLAH KAY NABI ﷺ? Ang salawat ng Allah kay Nabi ﷺ ay ang Kanyang pagpuri sa kanya doon sa Kanyang mga anghel, ayon sa sinabi ni Abul-'Àliyah (رحمه الله). At ayon naman kay Ibnu 'Abbas (رضي الله عنهما) ang salawat ng mga anghel kay Nabi ﷺ ay ang pagdudu'à nila ng barakah para sa kanya ﷺ. Ang dalawang pananaw na ito mula kay Abul-'Àliyah (رحمه الله) at Ibnu Abbas (رضي الله عنهما) ay kapwa tinakhrij o inulat ni Imam Bukhari sa kanyang Sahih معلقا. At ganito din ito inutos ng Allah (ang salawat) sa mga muslim, upang matipon ang mga salawat ng mga nasa kalangitan na mga anghel at ang nasa ibaba pa ng lahat ng kalangitan - ang Allah - at ang salawat ng mga nasa kalupaan para kay Nabi ﷺ. Ganito ipinakita ng Allah ang antas ng Kanyang Propeta Muhammad ﷺ at ganundin ang Kanyang pagpaparangal sa kanya ﷺ, ayon kay Ibnu Kathir at iba pang mga Mufassir (رحمهم الله).
Sinabi ng Allah:
إِنَّ ٱللَّهَ وَمَلَٰٓئِكَتَهُۥ يُصَلُّونَ عَلَى ٱلنَّبِيِّۚ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ صَلُّواْ عَلَيۡهِ وَسَلِّمُواْ تَسۡلِيمًا
Katiyakan, ang Allah ay pinarangalan Niya ang Kanyang Propeta sa Kanyang mga malalapit na mga anghel, at ganoon din ang Kanyang mga anghel ay pinupuri nila ang Propeta at nananalangin sila para sa kanya. O kayong mga naniwala sa Allâh at sa Kanyang Sugo, at sumunod sa Kanyang Batas, pumuri rin kayo at manalangin para sa Sugo ng Allâh, at magsagawa ng tunay na pagbati ng Salâm (kapayapaan) bilang pagbati at pagdakila sa kanya.Ang pamamaraan ng ganitong pagpupuri, pananalangin para sa Propeta ay naitala sa Sunnah sa iba't ibang kalagayan at kaparaanan at kabilang rito; ALLĀHUMMA 'SALLI 'ALĀ MUHAMMAD WA 'ALĀ ĀLI MUHAMMAD KAMĀ 'SALLAYTA 'ALĀ IBRĀHIM WA 'ALĀ ĀLI IBRĀHIM INNAKA HAMIYDUM MAJIYDALLĀHUMMA BĀRIK 'ALĀ MUHAMMAD WA 'ALĀ ĀLI MUHAMMAD KAMĀ BARĀKTA 'ALĀ IBRĀHIM WA 'ALĀ ĀLI IBRĀHIM INNAKA HAMIYDUM MAJIYDAng pagkakasalin ng kahulugan: O Allah! Padalhan mo ng Salât (mga biyaya, mga karangalan at mga kagandahang-loob) si Muhammad at ang mga pamilya ni Muhammad, na tulad ng pagpadala Mo ng Salât kay Ibrâhim at sa mga pamilya ni Ibrâhim sapagkat Ikaw ay Hameedum Majeed: Hameed – Karapat-dapat sa lahat ng papuri na Ganap na Pinupuri sa Kanyang mga katangian at mga gawa sa lahat ng pagkakataon, na Majeed – Karapat-dapat sa lahat ng papuri na Ganap na Pinupuri sa Kanyang Kataas-Taasan at Karangalan sa lahat ng pagkakataon. O Allah! Padalhan mo ng mga biyaya si Muhammad at ang mga pamilya ni Muhammad, na tulad ng pagpapadala Mo kay Ibrâhim at sa mga pamilya ni Ibrâhim, sapagkat Ikaw ay Hameedum Majeed. (Surah Al-Ahzab: 56). [ICDO].
Ang ibig sabihin ng SALAWAT ng Allah sa kanya ay na siya ay kahabagan at pagpalain ng Allah (nang sampu), o di kaya'y siya ay pupurihin ng Allah sa kanyang mga anghel.
Ayon kay Imam at-Tabari - رحمه الله - :
وصلوات الله" على عباده، غُفرانه لعباده، كالذي روي عن النبي ﷺ أنه قال: "اللهم صَلِّ على آل أبي أوْفى".
"At ang SALAWAT ng Allah sa kanyang mga alipin (lingkod) ay ang Kanyang kapatawaran sa Kanyang mga lingkod, katulad ng naisalaysay mula kay Propeta ﷺ na kanyang sinabi: "O Allah, patawarin Niyo po (at pagpalain) ang pamilya ni Abu Awfa." [Jāmiʿul-bayān ʿan taʾwīl āyil-Qurʾān].
Ayon naman kay Imam Al-Qurtubi - رحمه الله - :
"وَصَلَاةُ اللَّهِ عَلَى عَبْدِهِ: عَفْوُهُ وَرَحْمَتُهُ وَبَرَكَتُهُ وَتَشْرِيفُهُ إِيَّاهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ."
"Ang pag-salawat ng Allah sa kanyang lingkod: ay ang Kanyang kapatawaran, habag, pagpapala at pagpaparangal sa kanya sa daigdig at sa KABILANG-BUHAY." [Al-Jami' li-Ahkamil-Qur'an].
Tawfiqan nawa tayo ng Allah at biyayaan ng IKHLAS at tamang pagsunod sa ISLAM at SUNNAH.