19/03/2026
"Hakbang Pabalik sa Ama" A Lenten Youth Penitential Walk and Prayer.
Ang mataimtim na paglalakad ng kabataan ay isang paraan ng pagpapakumbaba at pagtitiis, na sumisimbolo sa paglalakbay ni Jesus patungo sa Golgota. Ito ay isang mahalagang bahagi ng kultura at pananampalataya ng mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan.
Inaanyayahan ang lahat lalo na ang Kabataan ng Bikaryato ng Inmaculada Concepcion na makiisa sa aktibidad na ito. Sa pamamagitan nito, sasariwain natin ang sakripisyo at pagmamahal ng Diyos sa atin.
Petsa at Oras: Marso 21, 2026 | 4:30 am
Ruta: St. Paul, the Apostle Parish patungong Our Lady of Miraculous Medal Parish