Ang Rosaryo ni Lorenzo - Parokya ng San Lorenzo Ruiz

Ang Rosaryo ni Lorenzo - Parokya ng San Lorenzo Ruiz The official page of Ministry sa Panlipunang Komunikasyon / MPK of Parokya ng San Lorenzo Ruiz - Dasmariñas Cavite
(1)

POV: Millennial SocCoMM vs Gen Z SocCoMM | Parish Outing EditionDifferent generation, same purpose — serving the Lord.Wo...
10/05/2026

POV: Millennial SocCoMM vs Gen Z SocCoMM | Parish Outing Edition

Different generation, same purpose — serving the Lord.

Wow, Peace! 🫰🏻✌🏻

𝐏𝐑𝐄𝐏𝐀𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐘𝐎 • 𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝟏𝟗IN PHOTOS | MPK Photoshoot with the Hermanas: 2026 Preparations for the upcomin...
20/04/2026

𝐏𝐑𝐄𝐏𝐀𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐘𝐎 • 𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝟏𝟗

IN PHOTOS | MPK Photoshoot with the Hermanas: 2026 Preparations for the upcoming Flores de Mayo of our Parish

𝐌𝐏𝐊 𝐋𝐎𝐑𝐄𝐍𝐙𝐎 𝐕𝐈𝐀 𝐋𝐔𝐂𝐈𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝟏𝟒MASDAN | Ang kuhang  larawan sa naganap na VIA LUCIS 2026 ng Ministri sa Panlipunan...
15/04/2026

𝐌𝐏𝐊 𝐋𝐎𝐑𝐄𝐍𝐙𝐎 𝐕𝐈𝐀 𝐋𝐔𝐂𝐈𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝟏𝟒

MASDAN | Ang kuhang larawan sa naganap na VIA LUCIS 2026 ng Ministri sa Panlipunang Komunikasyon ng ating parokya sa ilang parokya sa ating Diyosesis.

⛪ St. Jude Parish - Trece
⛪ Diocesan Shrine of Saint Augustine - Tanza
⛪ Diocesan Shrine of Our Lady of Holy Rosary (Reina del Caracol) - Rosario
⛪ Mary Help Christian Parish - Tajero, Gen. Trias
⛪ Annunciation Parish - Pascam, Gen. Trias
⛪ San Gabriel Archangel Parish - San Francisco, Gen. Trias

Si Kristo ay nabuhay na mag-uli! Tunay na Siya ay nabuhay!




𝐌𝐏𝐊 𝐋𝐎𝐑𝐄𝐍𝐙𝐎 𝐕𝐈𝐀 𝐋𝐔𝐂𝐈𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝟏𝟒 Matagumpay na naisinagawa ang Via Lucis o ang tinatawag na "Daan ng Liwanag" ng Mi...
15/04/2026

𝐌𝐏𝐊 𝐋𝐎𝐑𝐄𝐍𝐙𝐎 𝐕𝐈𝐀 𝐋𝐔𝐂𝐈𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝟏𝟒

Matagumpay na naisinagawa ang Via Lucis o ang tinatawag na "Daan ng Liwanag" ng Ministry ng Panlipunang Komunikasyon ng ating parokya

Ang Via Lucis ay isang espesyal na debosyon na nagpapaalala sa atin ng tagumpay ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo. Ang Via Lucis ay pagdiriwang ng liwanag, kagalakan, at bagong buhay na dulot ng Kanyang muling pagkabuhay. Ito ay matibay na patunay na pagkatapos ng anumang kadiliman, pagsubok, at lungkot, may laging liwanag at pagbangon na naghihintay para sa mga nananalig.

Bilang bahagi ng aming paglilingkod na ipalaganap ang Salita ng Diyos at magandang balita ng pananampalataya — hindi lamang sa pamamagitan ng social media, kundi pati na rin sa sama-samang pananalangin at paglilingkod — naglakbay kami at nagsama-sama para magnilay kasama ang mga miyembro ng ministri.

⛪ St. Jude Parish - Trece
⛪ Diocesan Shrine of Saint Augustine - Tanza
⛪ Diocesan Shrine of Our Lady of Holy Rosary (Reina del Caracol) - Rosario
⛪ Mary Help Christian Parish - Tajero, Gen. Trias
⛪ Annunciation Parish - Pascam, Gen. Trias
⛪ San Gabriel Archangel Parish - San Francisco, Gen. Trias

Bawat estasyon na aming dinaanan, bawat panalangin na aming inialay, at bawat sandali ng pagsasama-sama ay naging espesyal na pagkakataon upang palalimin ang ating ugnayan sa Diyos at madama ang Kanyang presensya na gumagabay sa bawat isa sa atin.

Higit pa sa isang gawain, ang Via Lucis ay isang paalala na si Kristo ang ating tunay na Liwanag. Siya ang gumagabay sa ating mga hakbang, nagbibigay lakas sa oras ng panghihina, at nagdadala ng pag-asa sa oras ng kaguluhan. Nawa’y dalhin natin ang liwanag na natanggap natin sa bawat araw ng ating buhay, at iparamdam ito sa ating kapwa.

Si Kristo ay nabuhay na mag-uli! Tunay na Siya ay nabuhay!




𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐀𝐁𝐑𝐈𝐋 𝟏𝟐Ang muling pagkabuhay ni Hesukristo ay nagbibigay sa atin ng pag-asa, pananampa...
12/04/2026

𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐀𝐁𝐑𝐈𝐋 𝟏𝟐

Ang muling pagkabuhay ni Hesukristo ay nagbibigay sa atin ng pag-asa, pananampalataya, at paanyaya na makibahagi sa Kanyang pagmamahal. Sa kabila ng pagdududa at pagsubok, ang Diyos ay laging nagtatagumpay at nananatiling kasama natin.

𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲:

Panginoong Diyos, sa pagdiriwang namin ng Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay, nagpapasalamat kami sa iyong walang hanggang pagmamahal at awa. Sa pamamagitan ng iyong Anak na si Hesus, binigyan mo kami ng pag-asa at bagong buhay.

Tulad ngv iyong Apostol na si Tomas, kami rin ay minsan nag-aalinlangan at nangangailangan ng patunay. Ngunit sa iyong kabutihan, binubuksan mo ang aming mga mata at puso upang makita ang iyong presensya sa aming buhay.

Panginoon, gabayan mo kami na maging tulad ng mga mapapalad na naniniwala kahit hindi nakakakita. Tulungan mo kaming magkaroon ng matibay na pananampalataya sa iyong mga pangako, sa iyong patnubay, at sa iyong pagmamahal. Nawa'y ang aming pananampalataya ay hindi lamang nakabatay sa aming nakikita, kundi sa aming nararamdaman sa aming puso at sa aming pagkilala sa iyong kabutihan.

Bigyan mo kami ng lakas na ipangaral ang iyong Mabuting Balita, hindi lamang sa salita kundi maging sa aming mga gawa. Nawa'y ang aming buhay ay maging patunay ng iyong pagkabuhay na nagbibigay inspirasyon sa iba.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.

Amen.



𝐁𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐅 𝐌𝐏𝐊 𝐋𝐎𝐑𝐄𝐍𝐙𝐎!The Social Communications Ministry of Parokya ng San Lorenzo Ruiz is now open for Recruitment! We...
15/01/2026

𝐁𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐅 𝐌𝐏𝐊 𝐋𝐎𝐑𝐄𝐍𝐙𝐎!

The Social Communications Ministry of Parokya ng San Lorenzo Ruiz is now open for Recruitment!

We are looking for people who are passionate individuals and committed to serve and share their knowledge and skills in the media.

𝑺𝒐 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒂𝒓𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒘𝒂𝒊𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒇𝒐𝒓? 𝑱𝒐𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝒃𝒆 𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒎𝒊𝒏𝒊𝒔𝒕𝒓𝒚.

You can visit the Parish Office or message the Parokya ng San Lorenzo Ruiz - Ministry on Social Communication page.


24/12/2025

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐊𝐎 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓!

Isang mabiyaya at puno ng pag-asang pasko sa ating lahat. Mula po sa Ministry ng Panlipunang Komukasyon ng ating parokya kaisa ng ating Kura Paroko na si Fr. Herald at kasamang pari na si Fr. Jeson, na bumabati ng isang Maligayng Pasko!

Nawa ngayong pasko ay mapuno tayo ng pag-asa wika nga "GOD IS WITH US" kasama nating and Diyos.


23/12/2025

𝐇𝐀𝐋𝐈𝐍𝐀‘𝐓 𝐒𝐀 𝐁𝐄𝐋𝐄𝐍 𝐌𝐀𝐆𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎!

Ang bawat araw ng simbang gabi ay isang yugto ng pagtitiyaga at paglapit sa Kanya — siyam na gabi ng pagsimba na puno ng pangako at pasasalamat. Habang patuloy tayong nagtitiyaga na bumangon bago ang liwanag, damang-dama natin ang presensya ng kapaskuhan at pag usbong ng bagong pag-asa na unti-unting dumarating. Isang malalim na pasasalamat sa lahat na kasama sa paglalakbay na ito ng pananampalataya. Patuloy tayong magdasal at magtiyaga hanggang sa araw ng Pasko!

Sama-sama nating damhin ang 𝑷𝒂𝒔𝒌𝒐 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈-𝒂𝒔𝒂 sa PSLR!

𝐖𝐄𝐃𝐍𝐄𝐒𝐃𝐀𝐘 𝐃𝐄𝐕𝐎𝐓𝐈𝐎𝐍 | 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟐𝑃𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝐼𝑛𝑎 𝑛𝑔 𝐿𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑆𝑎𝑘𝑙𝑜𝑙𝑜:Mahal na Ina ng Laging Saklolo,buhat sa krus ibiniga...
11/11/2025

𝐖𝐄𝐃𝐍𝐄𝐒𝐃𝐀𝐘 𝐃𝐄𝐕𝐎𝐓𝐈𝐎𝐍 | 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟐

𝑃𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝐼𝑛𝑎 𝑛𝑔 𝐿𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑆𝑎𝑘𝑙𝑜𝑙𝑜:
Mahal na Ina ng Laging Saklolo,
buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga ina.

Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak
na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalung-lalo na ang biyayang ito

(sa katahimikan, banggitin ang mga kahilingan).

Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't-isa. Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan.

Amen.

Masintahing Ina, tulungan mo po kami!
Ina ng Laging Saklolo, Ipanalangin mo kami.


𝐎𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨 𝐈𝐦𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐔𝐰𝐚𝐧 | 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟎𝟗Ngayong nanalasa ang bagyo sa ating bayan, ipanalangin natin ang kali...
09/11/2025

𝐎𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨 𝐈𝐦𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐔𝐰𝐚𝐧 | 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟎𝟗

Ngayong nanalasa ang bagyo sa ating bayan, ipanalangin natin ang kaligtasan ng bawat isa.

𝑃𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛:
Mahal na Birheng Soledad, Reina de Cavite,
Sa panahon ng bagyong Uwan, lumalapit kami sa iyo na may pusong puno ng pag-asa. Ika'y aming ina at tagapamagitan, dinggin mo ang aming mga daing.

Iyong ipinaranas ang iyong pag-iisa sa Kalbaryo, kaya't nauunawaan mo ang aming paghihirap at takot. Tunghayan mo ang aming bayan at ang aming mga tahanan na nanganganib dahil sa hagupit ng bagyo.

Hilingin mo po sa iyong Anak, si Hesus, na kanyang patahimikin ang mga elemento at ilayo sa amin ang panganib. Gabayan mo ang aming mga lider at volunteer's upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta.

Patatagin mo ang aming pananampalataya at bigyan mo kami ng lakas ng loob upang harapin ang anumang pagsubok. Birhen Soledad, ipanalangin mo kami.

Amen.




Photo Courtesy : PC Creatives

Address

Summerwind IV, PRAGUE Street
Dasmariñas
4144

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Rosaryo ni Lorenzo - Parokya ng San Lorenzo Ruiz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share