06/06/2026
Dakilang Kapistahan ng Banal-Banalang Katawan at Dugo ng Panginoon | Hunyo 7
Ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilanga Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng ating Panginoong Hesukristo o “Corpus Christi”. Tunay ngang sumasaatin siya sa Sakramento ng bago at walang hanggang Tipan, ang buhay na alaala ng kanyang pagliligtas at pag-aalay ng sarili. Siya ang buhay na tinapay mula sa langit na nagbibigay-buhay sa sangkatauhan. Inialay niya sa Krus ang kanyang Katawan at Dugo para sa ikaliligtas ng Sanlibutan.