26/05/2026
Ang buong GGC Family ay nakikidalamhati sa pagpanaw ng isa sa aming magiting, masipag, matiyaga, at mapagmahal na lider.
Sister Sonia, ang iyong buhay ay naging buhay na patotoo na walang kalagayan ang makakapigil upang gamitin ng Diyos. Sa kabila ng iyong karamdaman, pinili mo pa ring paglingkuran ang iyong cell group at maglingkod sa pamamagitan ng pag-awit.
Hindi namin makakalimutan ang legacy ng pananampalataya, pagmamahal, at paglilingkod na iyong iniwan. Patuloy naming ipinapanalangin ang iyong pamilya na naiwan — na sa tulong at biyaya ng Diyos ay manatili silang matatag, may kapanatagan, at patuloy na naglilingkod sa Kanya.
Maraming salamat sa iyong buhay, Sis Sonia. Hanggang sa muling pagkikita.