13/05/2026
12. ANG KASAYSAYAN NG IGLESIA
Ang tunay na Iglesia ay itinatag ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo at nagsimula sa Jerusalem bilang munting kawan ng mga mananampalataya. Sa pamamagitan ng pangangaral ng mga apostol, mabilis itong lumago at umabot maging sa mga Gentil. Ang Iglesia ng Diyos ay dumanas ng matinding pag-uusig mula sa mga kaaway ng pananampalataya. Si Saulo, bago naging Apostol Pablo, ay naging isa sa mga umusig dito. Ngunit sa kabila ng pag-uusig, nagpatuloy ang Iglesia sa pangangaral ng Evangelio. Ayon sa hula ng Biblia, may mangyayaring pagtalikod sa pananampalataya at pagpasok ng maling mga aral sa loob ng Iglesia. Ang mga bulaang propeta ay magmumula rin sa loob at magdadala ng mga aral ng demonyo. Sa paglipas ng kasaysayan, maraming aral at tradisyon ng tao ang pumasok sa pananampalatayang Cristiano, na naging dahilan ng paglayo ng marami sa orihinal na aral ni Cristo at ng mga apostol. Ang tunay na mga lingkod ng Diyos ay dapat manatiling tapat sa Kaniyang salita at hindi sa tradisyon ng tao. Ang magtitiis hanggang wakas ay siyang maliligtas.
(Mateo 16:18, Lucas 12:32, Mga Gawa 6:7, Roma 16:4, Mga Gawa 8:1-4, Galacia 1:13, Mateo 24:4-5,11, Mga Gawa 20:29-30, 1 Timoteo 4:1-3, 2 Tesalonica 2:3, Mateo 15:9, Mateo 24:13, Mateo 10:22).
FUNDAMENTAL STATEMENT NO. 12