29/09/2025
"ANG TUNAY NA ARAL SA DIYOS NASA BIBLIYA"
Wala mawawala kung susunod tayo sa tunay na aral ng Diyos dahil ang Diyos ay hindi nagpapagawa ng mga rebulto sa halip mahigpit niyang inutos na huwag tayong gagawa nito, hindi niyo po ba napapansin ang ilan satin imbis na sa Diyos Ama lang tayo dapat Mananalangin at sa Panginoon Jesus dumadaan pa ang ilan satin sa iba't-ibang rebulto para manalangin, ang iba ay lumuluhod, humahalik pero hindi ito ang kalooban ng Diyos ayon sa Bibliya pakatandaan po natin na ayaw ni satanas na sumamba tayo o makilala natin ang tunay na aral ng Diyos kaya gagawa siya ng paraan para tayo ay malinlang at isa na dito ang pagsamba sa mga rebulto, laki po akong katoliko at nais ko lang po ibahagi at mamulat tayo sa tunay na aral ng Diyos hindi sa aral ng tao.
Exodu 20:3-5
[3]Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.[4]Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:[5]Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
Deuteronomio‬ â€5:8â€-‬10‬
[8]Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:[9]Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;[10]At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
Sambahin natin ang Diyos sa Espiritu ang Espiritu ay di nahahawakan o nakikita hindi siya katulad ng mga bagay na ginawa lamang ng tao
â€
Juan‬ â€4:23â€-‬24‬ â€
[23]Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.[24]Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
â€Levitico 26:1
[1]Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
â€1 Juan‬ â€5:21‬ â€
[21] Mga anak, lumayo kayo sa mga dios-diosan.
â€1 Corinto‬ â€10:7‬ â€
[7] Huwag kayong sumamba sa mga dios-diosan, tulad ng ginawa ng iba sa kanila. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Nagpista ang mga tao, nag-inuman at nagsayawan sa pagsamba nila sa mga dios-diosan.”
â€Gawa‬ â€17:29â€-‬30‬ â€
[29]Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.
[30]Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa't ngayo'y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako:
â€Roma‬ â€1:21â€-‬23‬ â€
[21]Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.[22]Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang,[23At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.
â€Roma‬ â€1:24â€-‬25‬ â€
[24] Dahil dito'y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Dios sa kahalayan, upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili:[25]Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Amen!