07/06/2024
must read‼️
ANG HIMAGSIKAN
Part 3 | by : Cenon Tumala
Tanyag kitang natagpuan,
naglilingkod ng may karangalan at kapangyarihan,
minsang tiningala bilang kahanga-hangang taga-panguna,
magiting na taga-akay ng kaluluwa.
Ubod ng lakas ang iyong sigaw,
mga pader ng kaaway ay magbabagsakan sa iyong hiyaw,
walang sinasayang na minuto sa pagbabahagi ng mga salita,
walang tigil sa pagsasa-ayos
ng templo at paghahanda.
Kinikilala ng karamihan,
kristyanong may isang paninindigan
na kahit madapa ma'y muling tatayo upang lumaban.
Ngunit nakakalungkot ng muli ka'ng madatnan, pagod kana pala sa laban, at wala nang balak pang lumaban.
Sinong makalalaban sa mismong tagapanguna ng simbahan?
Pastol na inaasahang tagapangalaga ng tupa ay tila'y naging dahilan ng galos at pag-iinda.
Minsang hinubog ng panahon sa mga laban, dinisiplina, at naturuan ngunit sa isang iglap ay tila gumawa lamang ng isang halimaw mula sa simbahan.
Hindi na nagpaalam ng lumisan,
nawala, nagtago, at lumayo ng tuluyan
hindi makayanan ang sakit na dinaramdam,
walang ibang nakakaalam,
ngunit kwento ng kasinungalingan ang napapakinggan.
Sino itong sinasabing mga kristyano na pana'y paninira at mahilhilig gumawa ng kwento?
kwento na tanging ang nakaranas lamang ang may kaalaman ng buong katotohanan,
katotohanang hindi maaring isalaysay sa karamihan.
Sapagkat sinong maniniwala sa inyo?
mas nanaisin nalamang nilang lumisan at magtago sa kahihiyang mismong dulot nito. Kampong itinuring ay tila'y lungga ng mga tagapag-hasik ng dilim,
at ang sabi ng Diyos,
“Wala nang pag-asa itong mga lumilisan,
kinumpulan na sila ng mga demonyo at binulag ng pagmamataas at karangyaan sa buhay, mga tinawag ko'ng minsan ngunit hindi nakarating sa tunay na patutunguhan,
minsang pinili ngunit hindi nakahakbang sa tunay na pagwawagi.”
Naisip kong napakapalad ko,
matapos pahiyain sa harap ng kapulungang kristyano at sabihing si Judas ang nasa loob ko. Pinagbintangan ring baliw at propeta ng demonyo hanggang sa wala nang mukhang maihaharap sa pulpito.
Umalis rin ako, ngunit hindi huminto.
nasaktan rin ako ngunit nagpatuloy ng may banal na paghihiganti sa'king puso.
hindi ako tumigil dahil ang magmumuka lamang akong huwad sa kanilang harapan. Ang tumatakbo sa laban ay hindi tunay na sundalo at ang hindi nagpapaalam sa paglisan ay isang krimen sa mata ng tao.
Maka ilang ulit akong hinamak ng mga nasa pamunuang kristyano.
kaya't maka ilang ulit din akong babalik upang ipakitang ako'y tunay at totoo.
Iniwan akong tila baliw at balisa ng kanilang mga salita ngunit ang hindi nila alam ay manunulat ang kanilang hinamak at kinutya.
Narito ako't pinasisiklab ang rebolusyon upang maging boses ng mga kabataang sinisiil ng kasinungalingan mula sa loob ng simbahan. Mula sa mga simbahang inakalang tunay na liwanag ang patutunguhan ngunit mga ahas kung magkumpulan.
Nalalapit na kaming lumabas sa kwebang inyong pinagtapunan upang pumatay, wasakin, at muling ayusin ang templo ng Diyos na makapangyarihan.
Hindi na magtatagal at masisilayan ang oposisyon at magsisi-bunyagan itong mga tunay na huwad, G**o, Pastor at Propeta.
Nalalapit na ang paglilinis sa buong Iglesya at paghahatol sa mga huwad na mapanghusga.
mapapahiya itong mga naka-taas noo kung mangaral, ngunit hindi sinasabuhay ang mga salita.
maging ang mga nag-aakalang itinalaga sa napakataas na pagka-tawag at nagpakasasa sa pangalan na ngayo'y ipinagyayabang.
at sinabi nitong tunay na Apostol,
"NALALAPIT NA ANG PAGHATOL NG DIYOS!"
( June 2023 )