04/07/2026
🤲🏻 𝐃𝐔'𝐀̄ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐈𝐁𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀𝐖𝐀
Ang mag-asawa ay nararapat na panatilihin ang pagmamahalan, paggalang, pagtitimpi, at pagkakaunawaan sa kanilang pagsasama upang lalo itong tumibay sa pahintulot ng Allah.
Mahalaga rin na palagi silang dumuʿā' sa Allah, sapagkat kabilang sa pangunahing layunin ni Shayṭān ang paghasik ng alitan at paghihiwalay ng mag-asawa, at ang pagpapalaganap ng fitnah sa pagitan nila.
Narito ang ilang magagandang duʿā':
اللَّهُمَّ اجْعَلْ بَيْنَنَا مَوَدَّةً وَرَحْمَةً دَائِمَتَيْنِ. 🤲🏻
Allahumma-j‘al baynana mawaddatan wa raḥmatan dā’imatayn.
"O Allah, gawin Mong palagian ang pagmamahalan at awa sa pagitan namin."
رَبَّنَا هَبْ لَنَا مِنْ أَزْوَاجِنَا وَذُرِّيَّاتِنَا قُرَّةَ أَعْيُنٍ وَاجْعَلْنَا لِلْمُتَّقِينَ إِمَامًا. 🤲🏻
Rabbanā hab lanā min azwājinā wa dhurriyyātinā qurrata a'yunin waj‘alnā lil-muttaqīna imāmā.
"O aming Panginoon! Ipagkaloob Mo sa amin mula sa aming mga asawa at mga supling ang magiging kaligayahan ng aming mga mata, at gawin Mo kaming huwaran para sa mga may takot sa Iyo." (Surah Al-Furqan 25:74)
اللَّهُمَّ أَلِّفْ بَيْنَ قُلُوبِنَا، وَأَصْلِحْ ذَاتَ بَيْنِنَا. 🤲🏻
Allahumma allif bayna qulūbinā wa aṣliḥ dhāta bayninā.
"O Allah, pag-isahin Mo ang aming mga puso at ayusin Mo ang aming ugnayan."
اللَّهُمَّ أَذْهِبِ الْبَغْضَاءَ وَالْغِلَّ وَالْحَسَدَ مِنْ قُلُوبِنَا. 🤲🏻
Allahumma adhhibil baghḍā'a wal-ghilla wal-ḥasada min qulūbinā.
"O Allah, alisin Mo ang galit, hinanakit, at inggit sa aming mga puso."
Pagpalain nawa ng Allah ang bawat mag-asawa. Nawa'y lalo Niyang patibayin ang kanilang pagmamahalan, pagkakaisa, at pagsasama sa kabutihan.
اللَّهُمَّ آمِينَ يَا رَبَّ الْعَالَمِينَ 🤲🏻