17/02/2026
“𝗙𝗢𝗥 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥𝗦 (𝗗𝗨’Ā𝗦)”
𝗠𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 (𝗗𝘂’ā) 𝗻𝗮 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗥𝗮𝗺𝗮ḍā𝗻 (𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗮𝗿𝗮𝘄-𝗮𝗿𝗮𝘄)
“𝗙𝗢𝗥 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥𝗦 (𝗗𝗨’Ā𝗦)”
𝗠𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 (𝗗𝘂’ā) 𝗻𝗮 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗥𝗮𝗺𝗮ḍā𝗻 (𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗮𝗿𝗮𝘄-𝗮𝗿𝗮𝘄)
🤲 DU’Ā SA PAG-IFṬĀR
ذَهَبَ الظَّمَأُ وَابْتَلَّتِ الْعُرُوقُ وَثَبَتَ الأَجْرُ إِنْ شَاءَ اللَّهُ
“DHAHABA AL-ẒAMA`U, WABTALLAT AL-’URŪQU, WA THABATA AL-AJRU IN SHĀ`A ALLĀH.”
“Napawi ang uhaw, at nabasa ang mga ugat, at nakamit ang gantimpala, In Shā`a Allāh.”
🤲 DU’Ā NA PANGKALAHATAN (SA KAHIT ANONG ORAS)
اللَّهُمَّ أَعِنِّي عَلَى ذِكْرِكَ وَشُكْرِكَ وَحُسْنِ عِبَادَتِكَ
“ALLĀHUMMA A’INNĪ ‘ALĀ DHIKRIKA WA SHUKRIKA WA ḤUSNI ‘IBĀDATIKA.”
“O Allāh, tulongan Mo ako sa pag-alaala (paggunita) sa Iyo, sa pagsasalamat sa Iyo, at sa mabuting pagsamba sa Iyo.”
اللَّهُمَّ وَفِّقْ وُلَاةَ أُمُوْرِنَا لِمَا تُحِبُّ وَتَرْضَى
“ALLĀHUMMA WAFFIQ WULĀTA UMŪRINĀ LIMĀ TUḤIBBU WA TARḌĀ.”
“O Allāh, patnubayan Mo ang aming mga lider (mga pinuno) sa mga bagay na Iyong nagugustuhan at nahahabagan.”
اللَّهُمَّ يَا مُقَلِّبَ القُلُوْبِ ثَبِّتْ قَلبِي عَلَى دِيْنِكَ، وَيَا مُصَرِّفَ القُلُوْبِ صَرِّفْ قَلْبِي عَلَى طَاعَتِكَ
“ALLĀHUMMA YĀ MUQALLIBA AL-QULŪBA THABBIT QALBĪ ‘ALĀ DĪNIKA, WA YĀ MUṢARRIFA AL-QULŪBA ṢARRIF QALBĪ ‘ALĀ ṬĀ’ATIK.”
“O Allāh, na Siyang nagbabali-baliktad ng mga puso, patatagin Mo ang aking puso sa Iyong Relihiyon (Islam), O Allāh, na Siyang nagpapalit-palit sa mga puso, panatilihin Mo ang aking puso sa pagsunod sa Iyo.”
اللَّهُمَّ اجْعَلْ خَيْرَ عُمْري آخِرَهُ، وَخَيْرَ عَمَلِي خَوَاتِمَهُ، وَخَيْرَ أَيَّامِيْ يَوْمَ أَلْقَاكَ فِيْهِ
“ALLĀHUMMA IJ’AL KHAYRA ‘UMRĪ ĀKHIRAHU, WA KHAYRA ‘AMALĪ KHAWĀTIMAHU, WA KHAYRA AYYĀMĪ YAWMA ALQĀKA FĪHI.”
“O Allāh, gawin Mo na ang pinakahuling sandali ng aking buhay (edad) ang siyang pinakamaganda, at ang (resulta ng) pinakahuli kong gawain ang siyang pinakamaganda, at gawin Mo na ang (araw na) makita o makaharap Ka ang pinakamagandang araw sa aking buong-buhay.”
اللَّهُمَّ إِنِّي أَعُوْذُ بِكَ مِنْ الهَمِّ وَالْحَزَنِ وَالْعَجَزِ وَالْكَسَلِ وَالبُخْلِ وَالْجُبْنِ وَضَلَعِ الدَّيْنِ وَغَلَبَةِ الرِّجالِ
“ALLĀHUMMA INNĪ A’ŪDHU BIKA MINAL-HAMMI WAL-ḤAZANI WAL-‘AJAZI WAL-KASALI WAL-BUKHLI WAL-JUBNI WA ḌALA’ID-DAYN WA GHALABATIR-RIJĀl.”
“O Allāh, ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa pag-aalala (sa hinaharap) at pagkalungkot (sa nakalipas), mula sa pagiging mahina at pagiging tamad, mula sa pagiging madamot (makasarili) at pagiging duwag, mula sa pagkalugmok sa utang at mula sa pagkontrol (pag-aalipusta) ng mga (makapangyarihang) tao.”
اللَّهُمَّ إنِّي أَسْأَلُكَ الْهُدَى وَالتُّقَى وَالْعَفَافَ وَالْغِنَى
“ALLĀHUMMA INNĪ AS’ALUKAL-HUDĀ WAT-TUQĀ WAL`AFĀFA WAL-GHINĀ.”
“O Allāh, ako ay humhiling sa Iyo ng gabay, ng pagkatakot (sa Iyo), ng kalusugan (katiwasayan), at pagkakontento.”
اللَّهُمَّ إنِّي أَسْأَلُكَ عِلْمًا نَافِعًا، وَرِزْقًا طَيِّبًا، وَعَمَلًا مُتَقَبَّلًا
“ALLĀHUMMA INNĪ AS’ALUKA ‘ILMAN NĀFI’Ā, WA RIZQAN ṬAYYIBĀ WA ‘AMALAN MUTAQABBALĀ.”
“O Allāh, ako ay humhiling sa Iyo ng kaalaman na nakakabuti, ng biyaya na dalisay (halal), ng gawain na katanggap-tanggap.”
اللَّهُمَّ إنِّي أَعُوذُ بكَ مِن زَوَالِ نِعْمَتِكَ، وَتَحَوُّلِ عَافِيَتِكَ، وَفُجَاءَةِ نِقْمَتِكَ، وَجَمِيعِ سَخَطِكَ
“ALLĀHUMMA INNĪ A’ŪDHU BIKA MIN ZAWĀLI NI’MATIKA, WA TAḤAWWULI ‘ĀFIYATIKA, WA FUJĀ`ATI NIQMATIKA, WA JAMĪ’I SAKHATIKA.”
“O Allāh, ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa pagkawala ng Iyong biyaya, mula sa pagkawala ng kalusugan, mula sa biglaan Mong paghiganti, at mula sa lahat ng Iyong galit.”
اللَّهُمَّ اغْفِرْ لِي مَا قَدَّمْتُ وَمَا أَخَّرْتُ، وَمَا أَعْلَنْتُ وَمَا أَسْرَرْتُ، وَمَا أَنْتَ أَعْلَمُ بِهِ مِنِّي، أَنْتَ المُقَدِّمُ وَأَنْتَ المُؤَخِّرُ لا إِلَهَ إِلاَّ أَنْـتَ
“ALLĀHUMMA IGHFIRLĪ MĀ QADDAMTU WA MĀ AKHKHARTU, WA MĀ A’LANTU WA MĀ ASRARTU, WA MĀ ANTA A’LAMU BIHI MINNĪ, ANTAL-MUQADDIMU WA ANTAL-MU`AKHKHIR, LĀ ILĀHA ILLĀ ANTA.”
“O Allāh, patawarin Mo ako sa (mga kasalanan o kamalian na) aking nagawa at magagawa, at sa (mga kasalanan o kamalian na) aking naisapubliko o naisekreto, at sa mga bagay na Ikaw ang mas nakakaalam kaysa sa akin. Katotohanan na Ikaw ang Nauuna (Nang-uuna) at Nahuhuli (Nang-huhuli), at walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo. ”
رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ حَسَنَةً وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ
“RABBANĀ ĀTINĀ FID-DUNYĀ ḤASANAH, WA FIL-ĀKHIRATI ḤASANAH, WA QINĀ ‘ADHĀBAN-NĀR.”
“O aming Panginoon, bigyan Mo kami sa mundong ito ng mabuti, at sa Kabilang-Buhay ng mabuti, at protektahan Mo kami mula sa kaparusahan ng Apoy (ng Impyerno).”
يَا حَيُّ يَا قَيُّوْمُ بِرَحْمَتِكَ أَسْتَغِيْثُ أَصْلِحْ لِي شَأْنِي كُلَّهُ وَلَا تَكِلْنِيْ إِلَى نَفْسِي طَرْفَةَ عَيْنِ
“YĀ ḤAYYU YĀ QAYYŪM, BIRAḤMATIKA ASTAGHĪTH, AṢLIH LĪ SA’NĪ KULLAH, WA LĀ TAKILNĪ ILĀ NAFSĪ ṬARFATA ‘AYN.”
“O Allāh na Siyang Palaging Buhay, na Siyang Nagsusustento, ako ay humihingi ng saklolo sa Iyong Habag (mercy), ayusin (pagandahin) Mo lahat ng aking mga sitwasyon sa buhay, at huwag Mo akong ipaubaya sa aking sarili kahit katumbas ng kisap-matang sandali.”
اللَّهُمَّ احْفَظْ إِخْوَانَنَا الْمُسْلِمِيْنَ فِي فِلَسْطِيْن فِي غَزَة، اللَّهُمَّ احْفَظْ إِخْوَانَنَا الْمُسْلِمِيْنَ فِي كَلِّ مَكَانٍ، اللَّهُمَّ إِنَّهُمْ جِيَاعٌ فَأَطْعِمْهُمْ، إِنَّهُمْ عُرَاةٌ فَأَلْبِسْهُمْ، اللَّهُمَّ أَنْزِلْهُمْ خَيْرَ الْمَنْزِلَةِ فَأَنْتَ خَيْرُ الْمُنْزِلِيْنَ
“ALLĀHUMMA IḤFAẒ IKHWĀNANAL-MUSLIMĪN FĪ FILASṬĪN FĪ GAZA, ALLĀHUMMA IḤFAẒ IKHWĀNANAL-MUSLIMĪN FĪ KULLI MAKĀN, ALLĀHUMMA INNAHUM JIYĀ’UN FA AṬ’IM`HUM, INNAHUM ‘URĀTUN FA ALBIS`HUM, ALLĀHUMMA ANZILHUM KHAYRAL-MANZILATI FA ANTA KHAYRUL-MUNZILĪN.”
“O Allāh, protektahan (alagaan) Mo ang mga kapatid naming mga Muslim sa Palestine, sa Gaza, O Allāh protektahan Mo ang mga kapatid naming mga Muslim saan mang lugar, katotohanang sila ay nagugutom kaya pakainin Mo sila, katototohanag sila ay hubo’t-hubad (walang maayos na kasuotan) kaya damitan Mo sila, O Allāh, bigyan Mo sila ng maayos at mabuting tahanan, dahil Ikaw ang pinakamabuti sa lahat ng mga nagbibigay ng tahanan.”
اللَّهُمَّ إِنَّي أَسْأَلُكَ مِنْ الْخَيْرِ كُلِّهِ عَاجِلِهِ وَآجِلِهِ مَا عَلِمْتُ مِنْهُ وَمَا لَمْ أَعْلَمْ، وَأَعُوْذُ بِكَ مِنْ الشَّرِّ كُلِّهِ عَاجِلِهِ وَآجِلِهِ مَا عَلِمْتُ مِنْهُ وَمَا لَمْ أَعْلَمْ
“ALLĀHUMMA INNĪ AS`ALUKA MINAL-KHAYRI KULLIH ‘ĀJILIHI WA `ĀJILIH MĀ ‘ALIMTU MINHU WA MĀ LAM A’LAM, WA A’ŪDHU BIKA MINAS-SHARRI KULLIHI ‘ĀJILIHI WA `ĀJILIH MĀ ‘ALIMTU MINHU WA MĀ LAM A’LAM.”
“O Allāh, hinihiling ko sa Iyo ang lahat ng mabubuti, yaong (mga mabubuting bagay na agad-agad o) agarang darating at yaong saka pa lamang darating, yaong (mga mabubuting bagay na) alam ko at yaong hindi ko alam. O Allāh, ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa lahat ng masasama, yaong agarang darating at yaong saka pa lamang darating, yaong alam ko at yaong hindi ko alam.”
اللَّهُمَّ أَصْلِحْ لِي دِيْنِي الَّذِي هُوَ عِصْمَةُ أَمْرِي، وَأَصْلِحْ لِي دُنْيَايَ الَتِي فِيْهَا مَعَاشِي، وَأَصْلِحْ لِي آخِرَتِي الَّتِيْ فِيْهَا مَعَادِيْ، وَاجْعَلْ الْحَيَاةَ زِيَادَةً لِيْ فِي كُلِّ خَيْر، وَاجْعَلْ الْمَوْتَ رَاحَةً لِي مِنْ كُلِّ شَرٍّ
“ALLĀHUMMA AṢLIḤ LĪ DĪNILLADHĪ HUWA ‘IṢMATU AMRĪ, WA AṢLIḤ LĪ DUNYĀYALLATĪ FĪHĀ MA’ĀSHĪ, WA AṢLIḤ LĪ ĀKHIRATĪL-LATĪ FĪHĀ MA’ĀDĪ, WAJ’ALIL-ḤAYĀTA ZIYĀDATAN LĪ FĪ KULLI KHAYR, WAJ’ALIL-MAWTA RĀḤATAN LĪ MIN KULLI SHARR.”
“O Allāh, gawin Mong mabuti ang aking Relihiyon na siyang nagpoprotekta sa aking (mga sitwasyon sa) buhay, at gawin Mong mabuti ang aking mundo na siyang aking pinagkakabuhayan, at gawin Mong mabuti ang (aking buhay sa) Huling-Araw na siyang aking patutungohan, at gawin Mong ang (buhay o) pamumuhay ko sa mundong ito ay pagmulan ng lahat ng kabutihan, at gawin Mong ang (aking) kamatayan ay maging pahinga (komportable) mula sa lahat ng kasamaan.”
“اللَّهُمَّ اجْعَلْ لِي فِي قَلْبِي نُوْرًا، وَفِي لِسَانِي نُورًا، وَفِي سَمْعِي نُورًا، وَفِي بَصَرِي نُوْرًا، وَمِنْ فَوْقِي نُورًا، وَمِنْ تَحْتِي نورًا، وَعَنْ يَمِيْنِي نُورًا، وَعَنْ شِمَالِي نُورًا، وَمِنْ بَيْنِ يَدَيّ نُوْرًا، وَمِن خَلْفِي نُوْرًا، وَاجْعَلْ فِي نَفْسِي نُورًا، وَأَعْظِمْ لِي نُوْرًا."
“ALLĀHUMMA IJ’AL LĪ FĪ QALBĪ NŪRAN, WA FĪ LISAĀNĪ NŪRAN, WA FĪ BAṢARĪ NŪRAN, WA MIN FAWQĪ NŪRAN, WA MIN TAḤTĪ NŪRAN, WA ‘AN YAMĪNĪ NŪRAN, WA ‘AN SHIMĀLĪ NŪRAN, WA MIN BAYNI YADAYYA NŪRAN, WA MIN KHALFĪ NŪRAN, WAJ’AL FĪ NAFSĪ NŪRAN, WA A’ẒIM LĪ NŪRAN.”
“O Allāh, punuin Mo ng liwanag ang aking puso, punuin Mo ng liwanag ang aking pananalita, punuin Mo ng liwanag ang aking pandinig, punuin Mo ng liwanag ang aking paningin, punuin Mo ng liwanag ang sa aking itaas, punuin Mo ng liwanag ang sa aking ibaba, punuin Mo ng liwanag ang sa aking kanan, punuin Mo ng liwanag ang sa aking kaliwa, punuin Mo ng liwanag ang sa aking harapan, punuin Mo ng liwanag ang sa aking likuran, punuin Mo ng liwanag ang aking sarili, at gawin Mo akong punong-puno ng liwanag.”
🤲 DU’Ā NA HINDI DAPAT NATIN NAKAKALIMUTANG IPAG-DUĀ GABI-GABI
اللَّهُمَّ إِنَّكَ عَفُوٌ كَرِيْمٌ تُحِبُّ الْعَفُوَ فَاعْفُ عَنَّا
“ALLĀHUMMA INNAKA ‘AFUWWUN KARĪMUN TUḤIBBUL ‘AFWA FA’FUWANNĀ (3X).”
“O Allāh, Tunay na Ikaw ay Mapagpatawad at Mapagbigay, gusto Mo ang Pagpapatawad, kaya, patawarin Mo kami.”
اللَّهُمَّ اجْعَلْنَا مِنْ عُتَقَائِكَ مِنْ النَّارِ
“ALLĀHUMMA IJ’ALNĀ MIN ‘UTAQĀ`IKA MINAN-NĀR (3X).”
“O Allāh, ibilang Mo kami sa mga papalayain Mo sa (Apoy ng) Impyerno.”
SAYYID AL-ISTIGHFĀR (ANG PINUNO NG PAGHINGI NG KAPATAWARAN)
اللَّهُمَّ أَنْتَ رَبِّي لَا إِلَهَ إِلَّا أَنْتَ، خَلَقْتَنِي وَأَنَا عَبْدُكَ، وَأَنَا عَلَى عَهْدِكَ وَوَعْدِكَ مَا اسْتَطَعْتُ، أَعُوذُ بِكَ مِنْ شَرِّ مَا صَنَعْتُ، أَبُوءُ لَكَ بِنِعْمَتِكَ عَلَيَّ، وَأَبُوءُ لَكَ بِذَنْبِي فَاغْفِرْ لِي، إِنَّهُ لَا يَغْفِرُ الذُّنُوبَ إِلَّا أَنْتَ
“ALLĀHUMMA ANTA RABBĪ LĀ ILĀHA ILLĀ ANTA, KHALAQTANĪ, WA ANĀ ‘ABDUKA, WA ANĀ ‘ALĀ ‘AHDIKA WA WA’DIKA MĀSTAṬA’TU, A’ŪDHU BIKA MIN SHARRI MĀ ṢANA’TU, ABŪ`U LAKA BINI’MATIKA ‘ALAYYA, WA ABŪ`U LAKA BIDHANBĪ FAGHFIRLĪ, INNAHŪ LĀ YAGHFIRUD-DHUNŪBA ILLĀ ANTA.”
“O Allāh, Ikaw ang aking Diyos, walang panginoon na karapat-dapat na sambahin maliban sa Iyo, nilikha Mo ako at ako ay Iyong alipin, ako ay tumatalima (sumusunod) sa Iyong Kontrata at sa Iyong pangako sa abot ng aking makakaya, ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaan na aking ginawa, ako ay kumikilala sa mga mabubuting bagay (biyaya) na Iyong ibinigay, at ako ay kumikilala (umaamin) sa mga nagawa ko sa Iyong mga kasalanan, kaya patawarin Mo ako, dahil katotohanan na walang nagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Iyo.”
🤲 DU’Ā SA QŪNŪT AL-WITR
(Ang mga nabanggit na Du’ā sa itaas ay pwede ring basahin sa pag- Qūnūt)
اللهُمَّ اهْدِنَا فِيمَنْ هَدَيْتَ، وَعَافِنَا فِيمَنْ عَافَيْتَ، وَتَوَلَّنَا فِيمَنْ تَوَلَّيْتَ، وَبَارِكْ لَنَا فِيمَا أَعْطَيْتَ، وَقِنَا شَرَّ مَا قَضَيْتَ، فَإِنَّكَ تَقْضِي وَلا يُقْضَى عَلَيْكَ، إِنَّهُ لَا يَذِلُّ مَنْ وَالَيْتَ وَلَا يَعِزُّ مَنْ عَادَيْتَ، تَبَارَكْتَ رَبَّنَا وَتَعَالَيْتَ
“ALLĀHUMMA IHDINĀ FĪMAN HADAYT, WA ‘ĀFINĀ FĪMAN ‘ĀFAYT, WA TAWALLANĀ FĪMAN TAWALLAYT, WA BĀRIK LANĀ FĪMAN A’ṬAYT, WA QINĀ SHARRA MĀ QAḌAYT, FA INNAKA TAQḌĪ WA LĀ YUQḌĀ ‘ALAYK, INNAHU LĀ YADHILLU MAN WĀLAYT, WA LĀ YA’IZZU MAN ‘ĀDAYT, TABĀRAKTA RABBANĀ WA TA’ĀLAYT.”
“O Allāh, gabayan Mo kami kasama sa silang mga ginabayan Mo, at palakasin Mo kami kasama sa silang mga pinalakas Mo, at alagaan Mo kami kasama sa silang mga inalagaan Mo, at gawin Mong mabiyaya sa amin ang mga bagay na ibinigay Mo, at protektahan Mo kami mula sa kasamaan na nakatadhana, dahil katotohanan na Ikaw ang nagtatakda (nag-dedesisyon) at walang ibang nagtatakda sa Iyo, katotohanan na walang napapahiya (naibaba) sa sinomang Iyong inalagaan, at walang nananalo (nakakaranas ng kagitingan) sa sinomang Iyong kinalaban. Luwalhati sa Iyo, O aming Panginoon, at Karangalan sa Iyo.”
اللَّهُمَّ إِنِّي عَبْدُكَ وَابْنُ عَبْدِكَ وَابْنُ أَمَتِكَ، نَاصِيَتِي بِيَدِكَ، مَاضٍ فِيَّ حُكْمُكَ، عَدْلٌ فِيَّ قَضَاؤْكَ، أَسْأَلُكَ بِكُلِّ اسْمٍ هُوَ لَكَ سَمَّيْتَ بِهِ نَفْسَكَ أَوْ أَنْزَلْتَهُ فِي كِتَابِك أَوْ عَلَّمْتَ بِهِ أَحَدًا مِنْ خَلْقِكَ أَوْ اسْتَأْثَرْتَ بِهِ فِي عِلْمِ الْغَيْبِ عِنْدِكَ أَنْ تَجْعَلَ الْقُرْآنَ رَبِيْعَ قَلْبِي وَنُوْرَ صَدْرِي وَجَلَاءَ حُزْنِي وَذَهَابَ هَمِّي.
“ALLĀHUMMA INNĪ ‘ABDUKA, WABNU ‘ABDIKA, WABNU AMATIKA, NĀṢIYATĪ BIYADIK, MĀḌIN FIYYA ḤUKMUK, ‘ADLUN FIYYA QAḌĀ`UK, AS`ALUKA BIKULLI ISMIN HUWA LAK, SAMMAYTA BIHI NAFSAK, AW ANZALTAHU FĪ KITĀBIK, AW ‘ALLAMTAHU BIHI AHADAN MIN KHALKIK, AW ISTA`THARTA BIHI FĪ ‘ILMIL GHAYB ‘INDIK, AN TAJ’ALA AL-QUR`ĀN RABĪ’A QALBĪ, WA NŪRA ṢADRĪ, WA JALĀ`A ḤUZNĪ, WA DHAHĀBA HAMMĪ.”
“O Allāh, tunay na ako ay Iyong alipin, ang aking tatay ay Iyong alipin, ang aking nanay ay Iyong alipin, ang aking noo ay sa Iyong mga kamay, naitakda Mo na ang aking tadhana, at ang Iyong desisyon sa akin ay makatarungan, ako ay humuhiling sa lahat ng Iyong pangalan; na itinawag Mo sa Iyong sarili, o sa (mga pangalan at katangian na) ibinaba (isinulat) Mo sa Iyong libro, o sa (mga pangalan at katangian na) itinuro Mo sa isa sa Iyong mga nilikha, o sa ini-reserba Mo sa Iyong Sariling Kaalaman, (ako ay humihiling sa Iyo na) gawin Mong ang Qur`ān ang siyang maging kasiyahan ng aking puso, ang siyang maging liwanag ng aking kalooban, ang siyang maging gamot sa aking kalungkutan, at ang siyang maging pambura ng aking mga pag-aalala.”
🤲 DU’Ā PAGKATAPOS MAG-SALĀM SA ṢALĀT AL-WITR
(Ito ay babasahin pagkatapos agad mag-Salām at bago mag-Istighfār)
سُبْحاَنَ الْمَلِكِ الْقُدُّوْس، سُبْحاَنَ الْمَلِكِ الْقُدُّوْس، سُبْحاَنَ الْمَلِكِ الْقُدُّوْس
“SUBḤĀNAL-MALIKIL-QUDDŪS, SUBḤĀNAL-MALIKIL-QUDDŪS, SUBḤĀNAL-MALIKIL-QUDDŪS.”
(Sa pangatlong beses, ay basahin ito ng pahaba o malakas…)
“Luwalhati sa (Iyo, O Allāh ang) Hari, Ang Matiwasay. Luwalhati sa (Iyo, O Allāh ang) Hari, Ang Matiwasay. Luwalhati sa (Iyo, O Allāh ang) Hari, Ang Matiwasay.”
-------
https://drive.google.com/file/d/1HDFvDhqWYoB_U-Vj7KsSGf_MV81hhpS3/view?usp=sharing
Sa mga gustong idownload at i-Print ang mga Du'a na ito ay maaring i-Open ang Link sa itaas. O di kaya ay i-Scan ang QR Code.