Sto. Niño de Malolos Social Communications Ministry

Sto. Niño de Malolos Social Communications Ministry Spreading the devotion to the Sto. Niño de Malolos through social media.

Purihin ang maluwalhating pag-aakyat sa langit kay Maria!Matapos ang ilang araw na singkad na pag-ulan, ang araw na ito ...
15/08/2026

Purihin ang maluwalhating pag-aakyat sa langit kay Maria!

Matapos ang ilang araw na singkad na pag-ulan, ang araw na ito ay tila mas maaliwalas—ang liwanag ng araw ay muli nating nasilayan. Tila nga nakikisaya ang langit sa dakilang kapistahang ating ipinagdiriwang ngayon, ang Asunción ng Mahal na Ina!

Ang pag-aakyat sa langit sa Mahal na Birhen ay magdulot nawa sa atin ng pag-asa. Anumang hirap, karamdaman, o kasawian ang ating kinasasadlakan, ang Diyos ay hindi nagkakait ng Kanyang pagpapala at pag-ibig, at sa Kanyang panahon ay Kanya tayong hahanguin at pananagumpayin sa mga pagsubok na ito. Tandaan nating walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Panginoon! (Roma 8:35)

Ipinapahiwatig din sa atin ng kapistahang ito na ang kamatayan ay ang simula lamang ng ating paglalakbay pauwi sa Ama. Hindi nagtatapos ang ating kuwento sa ating pagyao sa lupa, bagkus ay panimula ito ng walang hanggang pag-iral at kaligayahan sa piling ng Maykapal. Inaalala natin at ipinagdarasal ang lahat ng ating kapatid na nasa bingit ng kamatayan – nawa’y ampatin ng Panginoon ang kanilang paghihirap at pawiin ang kanilang takot. Maging tuwa nawa nila ang pag-agapay ng Mahal na Birhen at ni San Jose hanggang sila’y makauwi sa Puso ni Hesus.

Masayang pagbati din ang ating ipinaaabot sa mga deboto ng Nuestra Señora de la Asunción sa buong bansa, lalong-lalo na sa ating mga kalalawigan sa Bulakan. Bulacan. Ang inyo nawang mga pagpaparangal sa Mahal na Birheng Iniakyat sa Langit ay maging daan sa pagbubuo ng mas payapa, mas mapanagutan, at mas banal na pamayanan.

Ave Maria Purisima, Regina in Caelum Assumpta!

ANG DIYOS AY PAG-IBIG ❤️🔥'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibigMagmahalan tayo't magtulunganAt kung tayo'y bigo, ay ...
08/08/2026

ANG DIYOS AY PAG-IBIG ❤️🔥

'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo, ay 'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal.

Sa bawat pintig ng puso ng mga Bulakenyo, naroon ang isang Hari na patuloy na nagtuturo sa atin ng tunay na kahulugan ng pag-ibig—pag-ibig na marunong maglingkod, magpatawad, umunawa, at magmahal nang walang hinihinging kapalit.

Ang larawan ng Batang Hesus ay isang paalaala ng larawan ng Diyos na nagpakababa upang maging malapit sa Kanyang mga anak. Ito rin ay tanda na ang tunay na kadakilaan ay hindi nasusukat sa kapangyarihan, kundi sa pag-ibig na tumutulong sa nangangailangan, dumaramay sa nagdurusa, nagpapatawad sa nagkasala, at nagbibigay ng sarili nang may kababaang-loob.

Sa ika-52 Kapistahan ng Mahal na Poong Sto. Niño de Malolos, ang Prinsipe ng Bulacan, ating bigyang-pansin ang diwa ng tunay na debosyon: hindi lamang sa pagdakila sa Batang Hesus, kundi sa pagsasabuhay ng Kanyang pag-ibig sa ating pamilya, pamayanan, at kapwa. Sapagkat ang pag-ibig sa Diyos ay nagiging buhay kapag ito ay naibabahagi sa kapwa. At sa bawat pusong marunong magmahal, naroon ang pintig ng pusong tunay na sumasamba sa Diyos.

Bilang Prinsipe ng Pag-ibig at pintig ng bawat pusong Bulakenyo, ang Mahal na Poong Sto. Niño de Malolos ay paalaala na sa mundong nangangailangan ng pag-asa at pagkakaisa, ang pusong marunong magmahal ay isang pusong tunay na naglilingkod.

“Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:16)

HERMANOS MAYORES 2027
Robert M. Bernabe
Ralph Lawrence M. Enriquez
Eric Michael B. Miranda
Aaron Joshua R. Reyes
Marvin G. Valencia

Mabuhay ang Prinsipe ng Bulacan!
Viva, Sto. Niño de Malolos!
Viva, La Fiesta FIlipina!

***
Poster and text from the Hermanos Mayores 2027

07/08/2026

LIVE | Buwanang Debosyon sa Mahal na Poong Sto. Niño de Malolos
Agosto 7, 2026

Disclaimer :
SNDMFI do not own the music featured in this video. All rights belong to its rightful owners. No copyright infringement intended.


Kapayapaan po!Hinihintay tayo ng Panginoon, ng Mahal na Poong Sto. Nino, sa ating buwanang pagtatagpo sa hapag ng Kanyan...
06/08/2026

Kapayapaan po!

Hinihintay tayo ng Panginoon, ng Mahal na Poong Sto. Nino, sa ating buwanang pagtatagpo sa hapag ng Kanyang katawan at dugo. Nawa po ay makasama namin kayong muli sa ating Templete sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa Unang Biyernes ng Buwan. Ito po ay sa Agosto 7, 2026, sa ganap na ika-6:00 ng gabi.

Ilakip natin sa ating mga dasal ang pananaig ng katotohanan at katarungan sa ating bansa, pagsasanggalang sa mga sakuna, aliw at kaginhawahan para sa ating mga kababayang may karamdaman, at ang pagbabagong-buhay ng mga naliligaw ng landas. Makatagpo nawa tayo ng pag-asa at kasiyahan, sa kabila ng mga pagsubok, sa ating matiyagang pagdedebosyon at pamamanata.

Mahal na Puso ni Hesus, maawa ka po sa amin.
Santa Maria, Reynang Iniakyat sa Langit, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
San Bartolome, Apostol, ipanalangin mo kami.
Santo Domingo de Guzman, ipanalangin mo kami.
San Agustin at Santa Monica, ipanalangin ninyo kami.
San Lorenzo Diacono, ipanalangin mo kami.
Santa Clara de Asis, ipanalangin mo kami.
Santa Rosa de Lima, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
Santa Elena, ipanalangin mo kami.

29/07/2026

Address

Sto. Nino
City Of Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño de Malolos Social Communications Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share