24/05/2026
π
πππππ ππ ππππ
Ang Flores de Mayo ay hindi lamang isang tradisyon, bagkus ito ay isang debosyong naglalayong palalimin ang pananampalataya at pagmamahal kay Hesukristo sa pamamagitan ng Kanyang Ina, ang Mahal na Birheng Maria.
Ang pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birhen ay sumisimbolo ng pagmamahal, pananampalataya, at pagtatalaga ng sarili sa Ina ng Diyos na siyang espiritwal na ina ng Sambayanan ng Diyos. Isa rin itong paalala ng mahalagang papel ni Maria sa kasaysayan ng kaligtasan at ng kanyang makapangyarihang pamamagitan sa ating buhay. Sa pamamagitan ng kanyang halimbawa ng kababaang-loob, pananampalataya, at pagsunod sa Diyos, hinihikayat tayong higit na mapalapit kay Kristo.
Higit pa sa pagiging isang kultural na pagdiriwang, ang Flores de Mayo ay isang espiritwal na debosyon na nagpapatibay ng pananampalataya, panalangin, at pagkakaisa ng Simbahan at ng pamayanan.
Taos-puso rin naming binabati at pinasasalamatan ang mga kabataan mula sa ibaβt ibang organisasyon ng MFO sa bawat barangay na patuloy na nagsasabuhay ng tradisyong ito. Kayo ang buhay na patunay na ang Flores de Mayo ay mananatiling makabuluhan at hindi kailanman mawawala dahil sa inyong oras, dedikasyon, at pagmamahal sa paglilingkod.
Sa murang edad, pinipili ninyong makilala at mahalin si Maria sa pamamagitan ng pagiging mga mag-aalay at aktibong pakikibahagi sa debosyong ito. Nawaβy patuloy kayong lumago na taglay ang mga birtud ni Maria β kababaang-loob, kabutihan, pananampalataya, at pagsunod sa Diyos β at maging daan ito upang lalo kayong mapalapit sa paglilingkod sa Simbahan at sa Panginoon.
Maria, Virgen de las Flores, ipanalangin mo kami. πΈ