30/11/2025
Kahapon ay ginanap ang taunang KABISIG na at sa taong ito, ay matagumpay na pinagsanib sa Vocational Festival. Isang natatanging pagtitipon na naglalayong hubugin, patatagin, at pag-alabin ang puso ng bawat lingkod-kabataan ng Diyosesis ng Imus.
Sa pagsisimula ng programa, masiglang nakiisa ang mga kabataan sa animation na inihanda ng pangunahing youth leaders mula sa ibaโt ibang parokya at vicariate.
Kasunod nito ay ang makabuluhang pagninilay na pinangunahan ni Rev. Fr. Rommel Legata, Priest Animator ng Ministri ng Bokasyon. Sa kaniyang mensahe, muling pinaalalahanan ang bawat isa na tayo ay nagtataglay ng isang natatangi, likas, at di-mawawalang dignidadโisang regalong mula sa Panginoong Hesukristo.
Binibigyang-halaga lamang natin ang tunay na kahulugan ng dignidad kung natututo tayong pahalagahan hindi lang ang ating sarili, kundi pati ang bawat taong nakakasalamuha natin araw-araw.
Tinanong din sa pagninilay: โKung may pagkakataon kang makipag-usap kay Kristo gamit ang iyong cellphone, ano kaya ang Kanyang magiging sagot?โ Isang paanyaya ito upang suriin kung paano natin pinangangalagaan at pinauunlad ang ating dignidad sa pakikitungo sa kapwa.
Sinundan ito ng Conversations in the Spirit, kung saan bumuo ng maliliit na grupo ang mga kabataan upang manahimik, magnilay, at magbahagi.
Sa hapon naman ay masayang nagsama-sama ang mga kabataang Kabitenyo sa Sisters of Mary School โ Girlstown, Inc. Gymnasium, kung saan taimtim na ipinagdiwang ang Banal na Misa na pinangunahan ng Lubhang Kagalang-galang na Obispo Reynaldo G. Evangelista. Ang bawat bahagi ng Misaโmula sa Liturhiya ng Salita hanggang sa Pagpapalaโay naging paalala na ang pagbubukas ng bagong taon sa kalendaryo ng ating Simbahan ay isang mahalagang tanda ng ating paghahanda sa pagdating ng Tagapagligtas. Isang panawagang maging handa, maging mulat, at buong pusong tanggapin si Hesus sa ating mga puso.