YIFI Piñahan - Chapel of the Risen Lord

YIFI Piñahan - Chapel of the Risen Lord Youth of Iglesia Filipina Independiente

Maraming salamat po! FT. Graphy
24/05/2026

Maraming salamat po! FT. Graphy

MALIGAYANG KAARAWAN, ATE CRISINI!Sa bawat gawain sa ating Kapilya ng Muling Pagkabuhay, isa si Ate Crisini sa mga taong ...
19/05/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, ATE CRISINI!

Sa bawat gawain sa ating Kapilya ng Muling Pagkabuhay, isa si Ate Crisini sa mga taong laging naroroon, tahimik na naglilingkod, handang tumulong, at patuloy na gumagabay sa ating simbahan. Bilang Vice-Chairman ng ating kapilya, miyembro at namahala sa ating choir, isang mapagmahal na ina, at lider ng simbahan, naging malaking bahagi siya ng maraming gawain at tagumpay ng buhay ng kapilya natin na ito.

Marami ang nakakakilala sa kanya hindi lamang bilang isang lider, kundi bilang isang taong may pusong laging bukás para sa simbahan at sa kapwa. Sa bawat awit na kanyang inaalay, sa bawat oras na kanyang ibinibigay, at sa bawat sakripisyong tahimik niyang ginagawa, dama natin ang kanyang pagmamahal sa paglilingkod sa Panginoon.

“Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon; paliwanagin nawa Niya ang Kanyang mukha sa iyo at kahabagan ka.” — Bilang 6:24-25

Ngayong araw ng iyong kaarawan, Ate Crisini, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat at pagbati. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng lakas, mabuting kalusugan, kapayapaan, at masaganang biyaya para sa iyo at sa iyong pamilya. Dalangin naming manatili kang inspirasyon at haligi ng ating simbahan sa marami pang taon.

Maraming salamat po sa inyong tapat at mapagmahal na paglilingkod.

Maligayang Kaarawan po, Ate Crisini!

Mabuhay ang Kapilya ng Muling Pagkabuhay!

MALIGAYANG KAARAWAN, ATE AMIE!Isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan kay Ate Amie, isa sa mga haligi at matata...
17/05/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, ATE AMIE!

Isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan kay Ate Amie, isa sa mga haligi at matatag na sandigan ng ating Kapilya ng Muling Pagkabuhay. Ang inyong walang sawang paglilingkod, pagmamalasakit, at pagmamahal sa simbahan ay tunay na inspirasyon at biyaya sa ating lahat.

Sa bawat sakripisyo at oras na inyong iniaalay para sa simbahan at sa kapwa, nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng lakas, mabuting kalusugan, at kapayapaan ng puso. Ang inyong kabutihan at katapatan sa paglilingkod ay nagsisilbing ilaw at gabay sa marami.

“Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa, at magtatagumpay ang iyong mga plano.” - Kawikaan 16:3

Maraming salamat po sa inyong tapat at mapagmahal na paglilingkod sa ating kapilya at komunidad. Nawa’y maging makahulugan at puno ng biyaya ang inyong kaarawan kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay.

Maligayang Kaarawan po, Ate Amie!
Mabuhay ang Kapilya ng Muling Pagkabuhay!




TINGNAN!IKATLONG ARAW NG MISA NOVENARIO ALAY SA BIRHENG MARIANarito ang ilan sa mga kuhang larawan mula sa matagumpay na...
16/05/2026

TINGNAN!

IKATLONG ARAW NG MISA NOVENARIO ALAY SA BIRHENG MARIA

Narito ang ilan sa mga kuhang larawan mula sa matagumpay na pagsisimula ng ating Ikatlong Araw ng Misa Novenario para sa Flores de Maria 2026. Sama-sama nating inialay ang ating mga panalangin at debosyon sa Mahal na Birheng Maria bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng Flores de Maria.

Nawa’y patuloy tayong magkaisa sa pananampalataya at makiisa sa mga susunod pang araw ng nobenaryo tuwing alaskwatro ng hapon (4:00PM) tanda ng ating pagmamahal at debosyon sa ating Mahal na Ina.

————————

Manatiling nakasubaybay sa ating mga anunsyo sa mga opisyal na page:
FB Page: Kapilya ng Muling Pagkabuhay
FB Page: YIFI Piñahan - Chapel of the Risen Lord




TINGNAN!IKALAWANG ARAW NG MISA NOVENARIO ALAY SA BIRHENG MARIANarito ang ilan sa mga kuhang larawan mula sa matagumpay n...
15/05/2026

TINGNAN!

IKALAWANG ARAW NG MISA NOVENARIO ALAY SA BIRHENG MARIA

Narito ang ilan sa mga kuhang larawan mula sa matagumpay na pagsisimula ng ating Ikalawang Araw ng Misa Novenario para sa Flores de Maria 2026. Sama-sama nating inialay ang ating mga panalangin at debosyon sa Mahal na Birheng Maria bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng Flores de Maria.

Nawa’y patuloy tayong magkaisa sa pananampalataya at makiisa sa mga susunod pang araw ng nobenaryo tuwing alaskwatro ng hapon (4:00PM) tanda ng ating pagmamahal at debosyon sa ating Mahal na Ina.

————————

Manatiling nakasubaybay sa ating mga anunsyo sa mga opisyal na page:
FB Page: Kapilya ng Muling Pagkabuhay
FB Page: YIFI Piñahan - Chapel of the Risen Lord




MALIGAYANG KAARAWAN, KUYA JAY AR CHAN!Isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan kay Kuya Jay Ar Chan, isa sa mga ...
15/05/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, KUYA JAY AR CHAN!

Isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan kay Kuya Jay Ar Chan, isa sa mga masugid na nagmamalasakit at nag-aalaga sa ating Kapilya ng Muling Pagkabuhay. Ang iyong sipag, dedikasyon, at tahimik na paglilingkod ay tunay na biyaya at inspirasyon sa ating simbahan.

“Sapagkat sa pamamagitan ko’y dadami ang iyong mga araw, at madaragdagan ang mga taon ng iyong buhay.” — Kawikaan 9:11

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, kalakasan, kapayapaan, at masaganang biyaya sa bawat araw ng iyong buhay. Dalangin namin na manatili kang gabay at inspirasyon sa marami pang taong iyong natutulungan sa pamamagitan ng iyong kabutihan at paglilingkod.

Maraming salamat sa iyong walang sawang pagmamahal at malasakit sa ating simbahan.




🌸 Flores de María 2026 🌸  Halina’t makiisa sa pagdiriwang ng pananampalataya at tradisyon alay sa Birheng Maria, ang huw...
01/05/2026

🌸 Flores de María 2026 🌸

Halina’t makiisa sa pagdiriwang ng pananampalataya at tradisyon alay sa Birheng Maria, ang huwaran ng kadalisayan, pag-ibig, at walang hanggang gabay ng mga mananampalataya.
Sa kanyang halimbawa, natututo tayong mag-alay ng sarili sa Diyos at magbahagi ng pag-asa sa kapwa.

📅 Mayo 23, 2026
📍 Kapilya ng Muling Pagkabuhay

🕒 3:00 n.h. – Santa Misa
🕓 4:30 n.h. – Prusisyon ng mga Sagala
🕕 6:00 n.h. – Pag-aalay ng mga Bulaklak

👑 Paghihirang sa susunod na Hermana de las Flores 2027
🎀 Mga gown ng kahit anong kulay ay pinapahintulutan, maliban sa puti.




🌸 Flores de María 2026 🌸

Halina’t makiisa sa pagdiriwang ng pananampalataya at tradisyon alay sa Birheng Maria, ang huwaran ng kadalisayan, pag-ibig, at walang hanggang gabay ng mga mananampalataya.
Sa kanyang halimbawa, natututo tayong mag-alay ng sarili sa Diyos at magbahagi ng pag-asa sa kapwa.

📅 Mayo 23, 2026
📍 Kapilya ng Muling Pagkabuhay

🕒 3:00 n.h. – Santa Misa
🕓 4:30 n.h. – Prusisyon ng mga Sagala
🕕 6:00 n.h. – Pag-aalay ng mga Bulaklak

👑 Paghihirang sa susunod na Hermana de las Flores 2027
🎀 Mga gown ng kahit anong kulay ay pinapahintulutan, maliban sa puti.




PAGBATI!Isang mainit at taos-pusong pagbati sa ating mga kabataan na matagumpay na nagtapos ng Junior High School ngayon...
24/04/2026

PAGBATI!

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa ating mga kabataan na matagumpay na nagtapos ng Junior High School ngayong taon!

Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay nagbunga ng isang mahalagang tagumpay. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy ninyong abutin ang inyong mga pangarap.

Habang kayo ay hahakbang sa panibagong yugto ng inyong paglalakbay, dalhin ninyo ang aral, pananampalataya, at lakas ng loob na inyong natutunan.

Mabuhay ang mga kabataan ng Kapilya ng Muling Pagkabuhay!





Address

IFI Chapel Of The Risen Lord, Mabolo, City Of Bacoor
Cavite

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when YIFI Piñahan - Chapel of the Risen Lord posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share