04/10/2026
🌱 KIDS SUNDAY SCHOOL RECAP
FRUIT OF THE SPIRIT: KAHINAHUNAN | GENTLENESS 🤍
Ngayong Sunday, natutunan natin na ang kahinahunan ay hindi kahinaan. Ito ay ang pagpili na magsalita nang mahinahon, maging mabait, at gumawa ng tama kahit tayo ay galit o nasasaktan. 🙏
📖 Memory Verse:
“Ang mabait at mahinahong salita ay nakakapawi ng galit.”
— Kawikaan 15:1 ❤️
🌿 Lesson for our Kids:
🗣️ Magsalita nang mahinahon.
🤍 Huwag sumigaw kapag galit.
🙏 Matutong huminto, huminga, at manalangin.
❤️ Ipakita ang gentleness ni Jesus sa iba.
🎯 Kids Challenge:
This week, practice GENTLENESS at home, at school, at kasama ang friends. Kapag may nakakagalit, piliin ang mahinahong salita kaysa galit na salita.
Gentle words can bring peace! 🌱🤍