Saint Raphael Luksuhin Ibaba

Saint Raphael Luksuhin Ibaba Raphael's name means"God heals." St.Raphael Chapel-Saint John Nepomucene Parish

This identity came about because of the biblical story that claims he "healed" the earth when it was defiled by the sins of the fallen angels in the apocryphal book of Enoch.

Announcement!MONTHLY MASS SCHEDULE  at Saint Raphael Luksuhin Ibaba Chapel!!Tuesday, 24th of June 20256:00pmSaint Raphae...
23/06/2025

Announcement!
MONTHLY MASS SCHEDULE at Saint Raphael Luksuhin Ibaba Chapel!!

Tuesday, 24th of June 2025
6:00pm

Saint Raphael, pray for us!
Saint John Nepomucene, pray for us!
Send O Lord, Holy Apostle into your Church!

Pabatid!Magkakaroon po tayo ng buwanang misa sa Enero 28 taong kasalukuyan. Inaanyayahan po ang lahat ng maninimba upang...
25/01/2025

Pabatid!

Magkakaroon po tayo ng buwanang misa sa Enero 28 taong kasalukuyan. Inaanyayahan po ang lahat ng maninimba upang dumulog sa Banal na Misa.

๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™๐™–๐™›๐™–๐™š๐™ก!๐‘๐‘Ž๐‘˜๐‘–๐‘–๐‘ ๐‘Ž ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘™๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘ก ๐‘›๐‘” ๐‘™๐‘–๐‘›๐‘”๐‘˜๐‘œ๐‘‘ ๐‘ ๐‘–๐‘š๐‘๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘› ๐‘›๐‘” ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘…๐‘Ž๐‘“๐‘Ž๐‘’๐‘™ ๐ด๐‘Ÿ๐‘˜๐‘Ž๐‘›๐‘”โ„Ž๐‘’๐‘™ ๐ถโ„Ž๐‘Ž๐‘๐‘’๐‘™ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘ƒ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘ฆ๐‘œ...
25/10/2024

๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™๐™–๐™›๐™–๐™š๐™ก!

๐‘๐‘Ž๐‘˜๐‘–๐‘–๐‘ ๐‘Ž ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘™๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘ก ๐‘›๐‘” ๐‘™๐‘–๐‘›๐‘”๐‘˜๐‘œ๐‘‘ ๐‘ ๐‘–๐‘š๐‘๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘› ๐‘›๐‘” ๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘…๐‘Ž๐‘“๐‘Ž๐‘’๐‘™ ๐ด๐‘Ÿ๐‘˜๐‘Ž๐‘›๐‘”โ„Ž๐‘’๐‘™ ๐ถโ„Ž๐‘Ž๐‘๐‘’๐‘™ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘ƒ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘Ž๐‘ก ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘”-๐‘Ÿ๐‘œ๐‘Ÿ๐‘œ๐‘ ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘ฆ๐‘œ ๐‘๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘๐‘Ž๐‘”๐‘‘๐‘–๐‘Ÿ๐‘–๐‘ค๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘๐‘–๐‘ ๐‘ก๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘› ๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘™ ๐‘›๐‘Ž ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘ก๐‘Ÿ๐‘œ๐‘› ๐‘›๐‘” ๐ฟ๐‘ข๐‘˜๐‘ ๐‘ขโ„Ž๐‘–๐‘› ๐ผ๐‘๐‘Ž๐‘๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘ข๐‘›๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐พ๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘Ž๐‘› ๐‘›๐‘” ๐น๐‘™๐‘œ๐‘Ÿ๐‘’๐‘  ๐ท๐‘’ ๐‘€๐‘Ž๐‘ฆ๐‘œ!

๐‘†๐‘Ž๐‘› ๐‘…๐‘Ž๐‘“๐‘Ž๐‘’๐‘™ ๐ด๐‘Ÿ๐‘˜๐‘Ž๐‘›๐‘”โ„Ž๐‘’๐‘™,
๐ผ๐‘๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘› ๐‘€๐‘œ ๐‘˜๐‘Ž๐‘š๐‘–!

๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž ๐™๐™–๐™ฉ๐™– ๐™‹๐™–๐™š๐™ฃ๐™œ!๐™‹๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™!!๐‘€๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘๐‘œ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘”๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘ ๐‘›๐‘Ž 3:00๐‘๐‘š ๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘š๐‘Ž๐‘”๐‘˜๐‘Ž๐‘˜๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘œ๐‘œ๐‘› ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘›๐‘” ๐‘†๐‘Ž๐‘š๐‘๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘› ๐‘›๐‘” ๐ฟ๐‘ข๐‘ ๐‘˜๐‘ขโ„Ž๐‘–๐‘› ๐ผ๐‘๐‘Ž...
25/10/2024

๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž ๐™๐™–๐™ฉ๐™– ๐™‹๐™–๐™š๐™ฃ๐™œ!
๐™‹๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™!!

๐‘€๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘๐‘œ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘”๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘ ๐‘›๐‘Ž 3:00๐‘๐‘š ๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘š๐‘Ž๐‘”๐‘˜๐‘Ž๐‘˜๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘œ๐‘œ๐‘› ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘ฆ๐‘œ๐‘› ๐‘›๐‘” ๐‘†๐‘Ž๐‘š๐‘๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘› ๐‘›๐‘” ๐ฟ๐‘ข๐‘ ๐‘˜๐‘ขโ„Ž๐‘–๐‘› ๐ผ๐‘๐‘Ž๐‘๐‘Ž. ๐ผ๐‘›๐‘Ž๐‘Ž๐‘›๐‘ฆ๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘› ๐‘๐‘œ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘™๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘ก ๐‘›๐‘Ž ๐‘š๐‘Ž๐‘˜๐‘–-๐‘ ๐‘Ž๐‘š๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›!

RUTA NG PRUSISYON!!!

- ๐™Ž๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ฉ ๐™๐™–๐™ฅ๐™๐™–๐™š๐™ก ๐˜พ๐™๐™–๐™ฅ๐™š๐™ก
- ๐™‹๐™–๐™ฅ๐™–๐™จ๐™ค๐™  ๐™จ๐™– ๐™๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™ค ๐™‹๐™–๐™ก๐™š๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™š
- ๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ช๐™ก๐™จ๐™ช๐™œ๐™ž๐™ฃ-๐™‡๐™ช๐™ ๐™จ๐™ช๐™๐™ž๐™ฃ
- ๐™‹๐™–๐™ž๐™ก๐™–๐™ฎ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™ช๐™ก๐™ค
- ๐™†๐™–๐™ ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฌ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜พ5๐™ง๐™™
- ๐™‡๐™–๐™ก๐™–๐™—๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™ž๐™œ๐™๐™ฌ๐™–๐™ฎ
- ๐™‹๐™–๐™ฅ๐™–๐™ž๐™ก๐™–๐™ฎ๐™– ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ช๐™ ๐™จ๐™ช๐™๐™ž๐™ฃ ๐™„๐™ก๐™–๐™ฎ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™„๐™—๐™–๐™—๐™–
- ๐™‹๐™–๐™ฅ๐™–๐™ž๐™—๐™–๐™—๐™– ๐™ฅ๐™–๐™—๐™–๐™ก๐™ž๐™  ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ข๐™—๐™–๐™๐™–๐™ฃ

๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—œ๐——๐—”๐——Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa iyo ang aming mga puso ng may pasasalamat sa ...
24/10/2024

๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—œ๐——๐—”๐——

Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa iyo ang aming mga puso ng may pasasalamat sa ganda ng iyong nilikha, kaisa na rin kami, sa iyong kabutihan, sa pagkakaloob ng aming mga pangangailangan, at sa iyong karunungan na gumagabay sa landas ng buhay.

Kinikilala namin ang aming pagkakasala sa iyo at buong sangnilikha. Hindi kami naging mabuting tagapangasiwa ng Kalikasan. Hindi kami tumupad sa iyong atas na pangalagaan ang mundo.

Ang kalikasan ay dumaranas ng hirap dahil sa aming kapabayaan, at ngayon ay nagbunga ang aming pang-aabuso at kawalan ng malasakit.

Umiinit na ang mundo. May mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad ang patuloy naming nararanasan.

Nagsusumamo kami sa Iyo, Amang Mapagmahal, at pagkalooban kami ng kapatawaran sa aming mga sala.

Hinihiling namin na kami, sampu ng aming mga mahal sa buhay, at ng aming mga pinaghirapan ay malayo sa anumang banta ng kalamidad, maging likas man o kagagawan ng tao.

Nawa'y gisingin mo ang lahat na lumago sa pagiging mabuting katiwala ng iyong nilikha, at maging mapagbigay sa mga nangangailangan.

Amen.

San Rafael Arkanghel,
Ipanalangin Mo po kami!

IKASIYAM ARAW NG PAGSISIYAM KAY SAN RAFAEL ARKANGHELSa ngalan ng Ama + at ng Anak + at ng Espiritu Santo. Amen.PAGSISISI...
23/10/2024

IKASIYAM ARAW NG PAGSISIYAM KAY SAN RAFAEL ARKANGHEL

Sa ngalan ng Ama + at ng Anak + at ng Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Panginoon naming Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, na gumawa at sumakop sa amin. Sapagkat ikaw ang Diyos namin na iniibig namin nang masakit na masakit sa tanang loob namin ang pagkakasala sa iyo. Nagtitika kaming matibay na matibay na hindi na muling magkakasala sa iyo at ipinapangako namin na sa tulong ng mahal mong grasya na babaguhin na namin ang aming asal. Inaasahan namin sa iyo ang gawang walang hanggan, ang kapatawaran ng mga kasalanan namin at inihahain namin sa iyo na parang kawas ang aming buhay, ang madla naming gawang magaling, ang kamahal-mahalan mong dugo, ang maantak na Pasion at pagkamatay mo sa krus. Nagkasala kami, Panginoon. Maawa ka sa amin. Siya nawa.

PANALANGIN SA ARAW ARAW
Maluwalhating Arkanghel San Rafael, dakilang prinsipe ng pangkat ng mga anghel sa langit. Ikaw ang ilaw na lubhang maliwanag. Isa ka sa pitong matataas na parating humaharap sa luklukan ng Diyos, na iisa at tatlo sa pagka-persona. Iniaamo namin sa iyo, nang buong kapakumbabaan, na ikaw nawa ang maging pintakasi namin, upang sa gayon, ay kamtan namin ang aming ninanasa at hinihingi sa pagsisiyam na ito, kung yaon ay mauukol sa lalong kaluwalhatian ng Diyos, at kung hindi Arkanghel na Mahal, ay hingin mong ipagkaloob sa amin, ang lalong maging dapat sa karangalan niya at sa kagalingan ng kaluluwa namin. Siya nawa.

PANALANGIN SA IKASIYAM NA ARAW
ng mga Serapin, na sumisinta sa Iyo ng lubhang maningas na pagsinta: iniaalay ko sa Iyo ang mga karapatan nitong mga maningas na Espiritu at ng Arkanghel San Rafael, na sa apoy ng kanyang tapat na pagsinta ay pinapag-alab ang mga puso ng dalawang Tobias gayon din ng mga kasambahay nila. Pinaglagablab rin niya ang puso ng mga maawaing si San Juan de Dios na lagi nang umiibig sa Iyo, kayaโ€™t sa oras ng kanyang pagpanaw sa buhay na ito, siya ay dinalaw ni San Rafael, kasama ni San Juan Ebanghelista, at silang dalawa ang nagsama sa kabanal-banalang Ina na siyang nagpahid sa mukha ng Banal nang ito ay naliligo sa pawis na malamig, pawis na hindi singaw ng sakit na taglay kundi bunga ng maningas na sinta niya sa Iyo. Ipagkaloob Mo sa akin ang kamahal-mahalang biyayang manatili sa biyaya Mo, at pakundangan sa mga sakit ng Mahal na Birhen Maria, at sa mabisang saklolo ni San Rafael at ni San Juan Ebanghelista ay kamtan ko sa oras ng kamatayan ang tunay na pagsisisi sa mga pagkakasala ko. Mag-alab nawa ang aking puso sa tapat na pagsinta sa Iyo at sa kaluwalhatian Mong walang hanggan. Ipagkaloob Mo rin nawa sa akin ang biyayang hinihingi ko sa pagsisiyam na ito kung nauukol sa lalong malaking kapurihan at kaluwalhatian Mo. Siya nawa.

PANAWAGAN
Kasama Kang tunay, Lubos
O bunying sugo ng Diyos
Ng Poong San Juan de Dios
Sa maysakit pagkukupkop
Pinagpala mong tanan
Tahanang mga hihigan
At sa salantang may damdam
Ang awa mo ay lubos naman
Gawa mong halimbawa
Sa amin ipakita mong pawa
Matuto kaming maawa
Sa maysakit at salanta.

PANALANGING PANGWAKAS SA ARAW ARAW

O dakilang prinsipe sa kalangitan, kalinis-linisang Arkanghel San Rafael, kami ay nagpupuri sa Panginoong Diyos na lumalang sa iyo. Naliligayahan ang aming kaluluwa, sapagkat ikaw ay espiritu sa langit. Isa sa pitong lalong malapit sa kamahalan ng Diyos. Ikaw ang saklolo ng mga naglalakad, aliw ng mga maawain, makapangyarihan sa mga inaalihan ng demonyo. Ikaw ang katibayan ng malilinis na loob, bunying sugo ng Diyos, sakdalan ng mga mag-asawa, pintakasi ng mga di magka-anak, at manggagamot ng mga maysakit sa mata. Kami ay nagpapasalamat sa Diyos na nagkaloob sa iyo ng malaking kapangyarihan, at maligayang inihahain namin sa iyo ang munting alay ng pagsisiyam na ito. Yayamang sa mahal na mga kamay mo ay marami ang gumiginhawa, kami ay humihingi sa iyo ng isang limos. At bagamat karapat-dapat na kami ay pagkaitan mo ng tulong ay umaasa pa rin kami na igagawad mo ang hinihingi namin. Nagmamakaawa kami sa iyo, alang alang sa Mahal na Pasion at pagkamatay ng ating Panginoong Hesukristo. Pakundangan rin naman sa mga karapatan ng kabanal-banalang ina niyang si Birheng Maria, gayon din sa pamamagitan ng mga anghel at banal sa langit. At sa mga karapatan noong mga nawili sa una, nawiwili hanggang ngayon, at mawiwili hanggang sa katapusan ng panahon sa pamimintakasi sa iyo na makakamit namin hinihingi naming biyaya sa pagsisiyam na ito kung yaon ay nauukol sa kaluwalhatian ng Diyos at sa ikabubuti ng aming kaluluwa. Purihin nawa ang Diyos at pasalamatan magpakailanman. Siya nawa.

PANALANGIN SA ARAW ARAW KAY SANTA MARIA
O kalinis-linisang Maria, kamahal-mahalang Birhen at Ina ng Diyos na makapangyayari sa lahat. Nagpapatirapa ngayon sa mahal Mong paanan itong dakilang makasalanan na pinarusahan na sana ng Diyos Ama kung hindi mo napamagitan sapagkat ikaw ang Ina ng mga makasalanan. Ipinagmamakaawa namin sa iyo nang buong pag-asa, ayon sa nakikita naming pagkamaawain mo, na huwag mong lingunin ang aming mga kasalanan, kundi ang mga karapatan ng alipin mong tapat, ang maluwalhating Arkanghel San Rafael, at hingin mo sa iyong Mahal na Anak na kami ay pagkalooban ng kanyang biyaya upang siya ay mapaglingkuran namin at huwag pagkasalahan. Matutuhan nawa naming pagsisihan ang mga nagawa naming sala at bukod sa biyayang hinihingi namin sa pagsisiyam na ito ay ipagkaloob mo rin naman ang pagkabantog ng Banal na Pananampalatayang Katoliko, ang kagalingan ng kanyang kabanalan, Papa Francisco, at ng mga obispo ng Diyosesis na ito. Loobin mo rin nawang magkaisa-isa ang lahat ng haring binyagan, ang kapayapaan at kaginhawaan nitong sangkapuluan at ang kapahingahan ng mga kaluluwa sa purgatoryo. O Maria, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain sa mga hirap at mga panganib at huwag mo kaming lisanin hanggang sa kami ay makita mo sa langit. Upang doon ay purihin namin ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo at ikaw rin naman na katamis-tamisang Ina namin, makarating saan man, siya nawa.

ANTIPONA
Maluwalhating Prinsipe, Rafael Arkanghel, alalahanin mo kami ngayon at kailanman, at parati mo kaming idalangin sa Anak ng Diyos.

V. Ang anghel ay nakatayong malapit sa dambana sa simbahan
R. Ang nasa kamay niyang insensaryo ay dalisay na ginto.

PANALANGIN
Diyos na inibig mong ang alipin mong si Tobias ay samahan sa mga lakad niya ng magandang palad na si San Rafael Arkanghel, isinasamo namin sa Iyo, na kaming mga alipin mo ay saklolohan ng maingat na pagtingin niya at parating kalingain ng kanyang tulong. Pakundangan sa Panginoon naming Hesukristo, Diyos na sumasaiyo, nabubuhay at naghaharing kasama ng Espiritu Santo, magpakailanman. Siya nawa.

+ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.

๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž ๐™๐™–๐™ฉ๐™– ๐™‹๐™–๐™š๐™ฃ๐™œ!๐™Š๐™†๐™๐™๐˜ฝ๐™๐™€ 24, 2024๐ต๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘™ ๐‘›๐‘Ž ๐‘€๐‘–๐‘ ๐‘Ž: 9:00AM๐™ฉ๐™–๐™œ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ: ๐™๐™š๐™— ๐™‹๐™™. ๐™ƒ๐™š๐™ฃ๐™ง๐™ž๐™˜๐™ค ๐™. ๐™๐™–๐™œ๐™–๐™ก๐™ค๐™œ๐พ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘˜๐‘œ๐‘™ ๐‘›๐‘” ๐‘†๐‘Ž๐‘š๐‘๐‘Ž๐‘ฆ...
22/10/2024

๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž ๐™๐™–๐™ฉ๐™– ๐™‹๐™–๐™š๐™ฃ๐™œ!

๐™Š๐™†๐™๐™๐˜ฝ๐™๐™€ 24, 2024
๐ต๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘™ ๐‘›๐‘Ž ๐‘€๐‘–๐‘ ๐‘Ž: 9:00AM
๐™ฉ๐™–๐™œ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ: ๐™๐™š๐™— ๐™‹๐™™. ๐™ƒ๐™š๐™ฃ๐™ง๐™ž๐™˜๐™ค ๐™. ๐™๐™–๐™œ๐™–๐™ก๐™ค๐™œ
๐พ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘˜๐‘œ๐‘™ ๐‘›๐‘” ๐‘†๐‘Ž๐‘š๐‘๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘›: 10:30AM

๐™๐™ช๐™ฉ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ง๐™–๐™ ๐™ค๐™ก:

- ๐™Ž๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ฉ ๐™๐™–๐™ฅ๐™๐™–๐™š๐™ก ๐˜พ๐™๐™–๐™ฅ๐™š๐™ก
- ๐™‹๐™–๐™ฅ๐™–๐™จ๐™ค๐™  ๐™จ๐™– ๐™๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™ค ๐™‹๐™–๐™ก๐™š๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™š
- ๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ช๐™ก๐™จ๐™ช๐™œ๐™ž๐™ฃ-๐™‡๐™ช๐™ ๐™จ๐™ช๐™๐™ž๐™ฃ
- ๐™‹๐™–๐™ž๐™ก๐™–๐™ฎ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™ช๐™ก๐™ค
- ๐™†๐™–๐™ ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฌ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜พ5๐™ง๐™™
- ๐™‡๐™–๐™ก๐™–๐™—๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™ž๐™œ๐™๐™ฌ๐™–๐™ฎ
- ๐™‹๐™–๐™ฅ๐™–๐™ž๐™ก๐™–๐™ฎ๐™– ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ช๐™ ๐™จ๐™ช๐™๐™ž๐™ฃ ๐™„๐™ก๐™–๐™ฎ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™„๐™—๐™–๐™—๐™–
- ๐™‹๐™–๐™ฅ๐™–๐™ž๐™—๐™–๐™—๐™– ๐™ฅ๐™–๐™—๐™–๐™ก๐™ž๐™  ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ข๐™—๐™–๐™๐™–๐™ฃ

IKAWALONG ARAW NG PAGSISIYAM KAY SAN RAFAEL ARKANGHELSa ngalan ng Ama + at ng Anak + at ng Espiritu Santo. Amen.PAGSISIS...
21/10/2024

IKAWALONG ARAW NG PAGSISIYAM KAY SAN RAFAEL ARKANGHEL

Sa ngalan ng Ama + at ng Anak + at ng Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Panginoon naming Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, na gumawa at sumakop sa amin. Sapagkat ikaw ang Diyos namin na iniibig namin nang masakit na masakit sa tanang loob namin ang pagkakasala sa iyo. Nagtitika kaming matibay na matibay na hindi na muling magkakasala sa iyo at ipinapangako namin na sa tulong ng mahal mong grasya na babaguhin na namin ang aming asal. Inaasahan namin sa iyo ang gawang walang hanggan, ang kapatawaran ng mga kasalanan namin at inihahain namin sa iyo na parang kawas ang aming buhay, ang madla naming gawang magaling, ang kamahal-mahalan mong dugo, ang maantak na Pasion at pagkamatay mo sa krus. Nagkasala kami, Panginoon. Maawa ka sa amin. Siya nawa.

PANALANGIN SA ARAW ARAW
Maluwalhating Arkanghel San Rafael, dakilang prinsipe ng pangkat ng mga anghel sa langit. Ikaw ang ilaw na lubhang maliwanag. Isa ka sa pitong matataas na parating humaharap sa luklukan ng Diyos, na iisa at tatlo sa pagka-persona. Iniaamo namin sa iyo, nang buong kapakumbabaan, na ikaw nawa ang maging pintakasi namin, upang sa gayon, ay kamtan namin ang aming ninanasa at hinihingi sa pagsisiyam na ito, kung yaon ay mauukol sa lalong kaluwalhatian ng Diyos, at kung hindi Arkanghel na Mahal, ay hingin mong ipagkaloob sa amin, ang lalong maging dapat sa karangalan niya at sa kagalingan ng kaluluwa namin. Siya nawa.

PANALANGIN SA IKAWALONG ARAW
Diyos at Panginoon ng mga Kerubin na binigyan Mo ng lubhang ganap at wagas na karunungan: iniaalay ko sa Iyo ang mga karapatan ng marurunong na Espiritung ito, gayon din ng kay Arkanghel San Rafael, na sa mataas na karunungan at pamamahala niya ay niyayari ang mga bagay na pinagkakaabalahan ni Tobias. Minagaling Mo ring sa pamamagitan niya ay pinagpala Mo ang pag aasawa ni Sara sa bagong taong ito. Siya rin naman ang dumalo at sumaklolo kay San Juan de Dios, na hindi natakot mamatay nuong nasusunog ang kanyang pagamutan sa Granada. Matapang siyang sumugba sa mga lagablab at nailigtas niya ang lahat ng may-sakit at ang mga damit nila. Inisip ng mga tao na siya ay natupok na at naging abo nang makitang damit man niya ay hindi naano ng apoy, at ito ay dahil sa kasama niya noon si San Rafael na siyang pumatay sa apoy upang huwag madaig ng apoy lupa ang kaniyang maningas na sinta sa Iyo at sa mga kapuwa niya tao. Isinasamo ko sa Iyo na ipagkaloob Mo sa akin ang biyayang banal na pagkakatakot sa Kamahalan Mo, at sa saklolo nitong makapangyarihang San Rafael ay mapawi nawa sa kaluluwa ko ang apoy ng kahalayan at humalik ang apoy ng maningas na pagsinta sa kagalingan Mong walang hanggan. Kamtan ko naman sana ang tanging hinihingi ko sa pagsisiyam na ito kung yaon ay nauukol sa lalong dakilang kapurihan at kaluwalhatian Mo. Siya nawa.

PANAWAGAN
Kasama Kang tunay, Lubos
O bunying sugo ng Diyos
Ng Poong San Juan de Dios
Sa maysakit pagkukupkop
Pinagpala mong tanan
Tahanang mga hihigan
At sa salantang may damdam
Ang awa mo ay lubos naman
Gawa mong halimbawa
Sa amin ipakita mong pawa
Matuto kaming maawa
Sa maysakit at salanta.

PANALANGING PANGWAKAS SA ARAW ARAW

O dakilang prinsipe sa kalangitan, kalinis-linisang Arkanghel San Rafael, kami ay nagpupuri sa Panginoong Diyos na lumalang sa iyo. Naliligayahan ang aming kaluluwa, sapagkat ikaw ay espiritu sa langit. Isa sa pitong lalong malapit sa kamahalan ng Diyos. Ikaw ang saklolo ng mga naglalakad, aliw ng mga maawain, makapangyarihan sa mga inaalihan ng demonyo. Ikaw ang katibayan ng malilinis na loob, bunying sugo ng Diyos, sakdalan ng mga mag-asawa, pintakasi ng mga di magka-anak, at manggagamot ng mga maysakit sa mata. Kami ay nagpapasalamat sa Diyos na nagkaloob sa iyo ng malaking kapangyarihan, at maligayang inihahain namin sa iyo ang munting alay ng pagsisiyam na ito. Yayamang sa mahal na mga kamay mo ay marami ang gumiginhawa, kami ay humihingi sa iyo ng isang limos. At bagamat karapat-dapat na kami ay pagkaitan mo ng tulong ay umaasa pa rin kami na igagawad mo ang hinihingi namin. Nagmamakaawa kami sa iyo, alang alang sa Mahal na Pasion at pagkamatay ng ating Panginoong Hesukristo. Pakundangan rin naman sa mga karapatan ng kabanal-banalang ina niyang si Birheng Maria, gayon din sa pamamagitan ng mga anghel at banal sa langit. At sa mga karapatan noong mga nawili sa una, nawiwili hanggang ngayon, at mawiwili hanggang sa katapusan ng panahon sa pamimintakasi sa iyo na makakamit namin hinihingi naming biyaya sa pagsisiyam na ito kung yaon ay nauukol sa kaluwalhatian ng Diyos at sa ikabubuti ng aming kaluluwa. Purihin nawa ang Diyos at pasalamatan magpakailanman. Siya nawa.

PANALANGIN SA ARAW ARAW KAY SANTA MARIA
O kalinis-linisang Maria, kamahal-mahalang Birhen at Ina ng Diyos na makapangyayari sa lahat. Nagpapatirapa ngayon sa mahal Mong paanan itong dakilang makasalanan na pinarusahan na sana ng Diyos Ama kung hindi mo napamagitan sapagkat ikaw ang Ina ng mga makasalanan. Ipinagmamakaawa namin sa iyo nang buong pag-asa, ayon sa nakikita naming pagkamaawain mo, na huwag mong lingunin ang aming mga kasalanan, kundi ang mga karapatan ng alipin mong tapat, ang maluwalhating Arkanghel San Rafael, at hingin mo sa iyong Mahal na Anak na kami ay pagkalooban ng kanyang biyaya upang siya ay mapaglingkuran namin at huwag pagkasalahan. Matutuhan nawa naming pagsisihan ang mga nagawa naming sala at bukod sa biyayang hinihingi namin sa pagsisiyam na ito ay ipagkaloob mo rin naman ang pagkabantog ng Banal na Pananampalatayang Katoliko, ang kagalingan ng kanyang kabanalan, Papa Francisco, at ng mga obispo ng Diyosesis na ito. Loobin mo rin nawang magkaisa-isa ang lahat ng haring binyagan, ang kapayapaan at kaginhawaan nitong sangkapuluan at ang kapahingahan ng mga kaluluwa sa purgatoryo. O Maria, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain sa mga hirap at mga panganib at huwag mo kaming lisanin hanggang sa kami ay makita mo sa langit. Upang doon ay purihin namin ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo at ikaw rin naman na katamis-tamisang Ina namin, makarating saan man, siya nawa.

ANTIPONA
Maluwalhating Prinsipe, Rafael Arkanghel, alalahanin mo kami ngayon at kailanman, at parati mo kaming idalangin sa Anak ng Diyos.

V. Ang anghel ay nakatayong malapit sa dambana sa simbahan
R. Ang nasa kamay niyang insensaryo ay dalisay na ginto.

PANALANGIN
Diyos na inibig mong ang alipin mong si Tobias ay samahan sa mga lakad niya ng magandang palad na si San Rafael Arkanghel, isinasamo namin sa Iyo, na kaming mga alipin mo ay saklolohan ng maingat na pagtingin niya at parating kalingain ng kanyang tulong. Pakundangan sa Panginoon naming Hesukristo, Diyos na sumasaiyo, nabubuhay at naghaharing kasama ng Espiritu Santo, magpakailanman. Siya nawa.

IKAPITONG ARAW NG PAGSISIYAM KAY SAN RAFAEL ARKANGHELTayo'y magnilay sandali at manalangin sa ating butihing pintakasi, ...
20/10/2024

IKAPITONG ARAW NG PAGSISIYAM KAY SAN RAFAEL ARKANGHEL

Tayo'y magnilay sandali at manalangin sa ating butihing pintakasi, tagapagpagaling ng mga maysakit.

+ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.

PANALANGIN SA IKAPITONG ARAW
Diyos at Panginoon ng mga Trono, na pinananahanan Mo at parang mga luklukan ng Iyong kaluwalhatian: iniaalay ko sa Iyo ang mga karapatan ng lubhang matataas na Espiritung ito, gayon din ng Arkanghel San Rafael, na nagpakilala sa bagong-taong si Tobias matapos na ito ay maihatid sa bahay ng kanyang mga magulang. Gayon din ang ginawa niya kay San Juan de Dios at kanyang tiniyak na siya ay natatalagang umabuloy at tumulong sa kanya sa anomang gagawin. Kayaโ€™t noong minsang hugasan ng maawaing Banal ang mga paa ni Hesukristo na minsan ay nag-anyong maysakit na mahirap sa gitna ng isang lansangan, si San Rafael ay naroroon agad at siyang naging katulong ni San Juan de Dios sa pag-aabot ng pamahid o gamut. Isinasamo ko sa Iyo na ipagkaloob Mo sa akin ang biyayang kagandahang-loob ng Espiritu Santo at sa tulong ng pamamagitan ni San Rafael ay mahugasan ko ang aking kaluluwa ng mga luha ng pagsisisi. Kamtan ko rin nawa ang tanging ninanasa ko sa pagsisiyam na ito kung yaon ay nauukol sa lalong malaking kapurihan at kaluwalhatian Mo. Siya nawa.

PANALANGIN NG NOBENA SA ARAW-ARAW
O Maluwalhating Arkanghel San Rafael, dakilang prinsipe ng makalangit na korte, ikaw ay bantog para sa iyong mga regalo ng karunungan at biyaya. Ikaw ay isang gabay ng mga taong naglalakbay sa lupa o dagat o hangin, aliw ng mga nagdurusa, at kanlungan ng mga makasalanan. Nakikiusap ako sa iyo, tulungan mo ako sa lahat ng aking pangangailangan at sa lahat ng pagdurusa sa buhay na ito, tulad ng dating pagtulong mo sa batang si Tobias sa kanyang paglalakbay. Dahil ikaw ang gamot ng Diyos buong kababaang-loob kong ipinagdarasal na pagalingin mo ang maraming mga karamdaman ng aking kaluluwa at mga sakit na nagdurusa sa aking katawan. Lalo na humihiling ako sa iyo ng pabor (tahimik na ipanalanging ang inyong kahilingan), at ang dakilang biyaya ng kadalisayan upang ihanda ako na maging templo ng Banal na Espiritu. Amen.
SAN RAFAEL ARKANGHEL, ipanalangin mo kami.

IKAANIM NA ARAW NG PAGSISIYAM KAY SAN RAFAEL ARKANGHELTayo'y magnilay sandali at manalangin sa ating butihing pintakasi,...
19/10/2024

IKAANIM NA ARAW NG PAGSISIYAM KAY SAN RAFAEL ARKANGHEL

Tayo'y magnilay sandali at manalangin sa ating butihing pintakasi, tagapagpagaling ng mga maysakit.

+ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.

PANALANGIN SA IKAANIM NA ARAW
Diyos at Panginoon ng mga Dominasion, na namumuno sa mabababang Espiritu, mga alagad na inuutusan Mo sa Iyong pamamahala: iniaalay ko sa Iyo ng pagkamasunurin ng mararangal na Espiritung ito at ang mga karapatan ng Arkanghel San Rafael, na bagamaโ€™t kabilang sa maliligaya sa lalong mataas na kalipunan ng mga anghel ay nagpakababa at pinaparito Mo sa lupa upang masamahan si Tobias sa kanyang paglalakad hanggang sa makauwi sa bahay ng kanyang mga magulang. Siya rin naman ang dumalo kay San Juan de Dios, na nangahoy sa bundok, nang ito ay abutin ng dilim sa kagubatan noon pa nang bisperas ng Pasko ng kapanganakan ng ating Panginoon. Sa ngitngit ng dilim ay hindi niya nakita ang daang patungo sa pagamutan, subaliโ€™t sa gitna ng pusikit na dilim na yaon ay nagpakita sa kanya si San Rafael na may kasamang isang Anghel at silang dalawa ang tumanglaw at nagturo sa maawaing Banal ng landas hanggang sa makarating sa kanyang pagamutan. Isinasamo ko sa Iyo na ipagkaloob Mo sa akin ang biyayang katibayan ng Espiritu Santo at ang mahal na Arkanghel nawang ito rin ang siyang makaliwanag at umakay sa akin sa landas ng kabanalan nang makamtan ko ang langit ng kapahingahang walang hanggan. Matamo ko rin sana ang tanging biyayang ninanasa ko sa pagsisiyam na ito, kung yaon ay mas ukol sa lalong dakila Mong kapurihan at kaluwalhatian. Siya nawa.

PANALANGIN NG NOBENA SA ARAW-ARAW
O Maluwalhating Arkanghel San Rafael, dakilang prinsipe ng makalangit na korte, ikaw ay bantog para sa iyong mga regalo ng karunungan at biyaya. Ikaw ay isang gabay ng mga taong naglalakbay sa lupa o dagat o hangin, aliw ng mga nagdurusa, at kanlungan ng mga makasalanan. Nakikiusap ako sa iyo, tulungan mo ako sa lahat ng aking pangangailangan at sa lahat ng pagdurusa sa buhay na ito, tulad ng dating pagtulong mo sa batang si Tobias sa kanyang paglalakbay. Dahil ikaw ang gamot ng Diyos buong kababaang-loob kong ipinagdarasal na pagalingin mo ang maraming mga karamdaman ng aking kaluluwa at mga sakit na nagdurusa sa aking katawan. Lalo na humihiling ako sa iyo ng pabor (tahimik na ipanalanging ang inyong kahilingan), at ang dakilang biyaya ng kadalisayan upang ihanda ako na maging templo ng Banal na Espiritu. Amen.

SAN RAFAEL ARKANGHEL, ipanalangin mo kami.

Address

Luksuhin, Ibaba, Alfonso
Cavite
4123

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Raphael Luksuhin Ibaba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Saint Raphael Luksuhin Ibaba:

Share