Ang The Door Church ay isang pamilyang mananampalataya na nakabatay sa Biblia, puspos ng Espiritu, Kami ay kabilang sa CHRISTIAN FELLOWSHIP MINISTRY, kasama ang POTTERS HOUSE at VICTORY CHAPEL. Isang malaking pribilehiyo para sa amin na kayo ay aming tanggapin sa aming simbahan at paglingkuran ang inyong mga espirituwal na pangangailangan. Ang mga regular na gawain ay nagsisimula sa papuri at pags
amba na maghahanda ng inyong puso para sa pangangaral ng Salita ng Diyos. Pagkatapos ng mga kahilingan sa panalangin at ng panimulang panalangin para sa gawain, kami ay kumukuha ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Sinusundan ito ng pangangaral ng Salita ng Diyos batay sa Biblia, at pagkatapos ay ang altar call. Ang layunin ng pagsamba sa The Door Church ay makapagbigay ng isang kaaya-ayang kapaligiran kung saan ang mga kalalakihan at kababaihan ay maaaring maranasan mismo ang mapagpala at mapagmahal na presensya ng Panginoong Hesukristo. Nais naming hayaan ang Banal na Espiritu na lumikha ng pagiging bukas sa mga puso ng mga tao upang kanilang matanggap ang pangangaral ng Salita ng Diyos. Inaanyayahan namin kayo na dumalo sa simula ng bawat gawain para sa isang nakapagpapalakas na panahon ng papuri at pagsamba. Kami ay nasasabik na kayo ay aming tanggapin sa The Door Church at inaasahan naming kayo ay makilala nang personal. Sa DIOS ANG PINAKAMATAAS NA PAPURI!