18/08/2026
HINDI KA INIWAN NG DIYOS
Huwag kang matakot. Ako ang Una at ang Huli.
— Pahayag 1:17
May isang kuwento tungkol sa isang tribo sa Africa na may kakaibang paraan ng paghahanda sa isang binata para sa pagiging ganap na lalaki.
Kapag dumating na siya sa tamang edad, kailangan niyang dumaan sa isang ritwal PARA TUMAPANG. Sa gabi, dinadala siya ng kanyang ama sa isang lugar na masukal at madilim—malayo sa kanilang tahanan. Doon, kailangan niyang manatili hanggang umaga.
Sa isip ng binata iniwan siya ng kanyang ama.
Pero lingid sa kanya hindi talaga umalis ang kanyang ama.
Nasa paligid lamang ito—tahimik na nagbabantay. Habang natutulog o nanginginig sa takot ang anak, ang ama ay gising, nakamasid sa paligid, handang protektahan siya mula sa anumang panganib.
In the same manner, ganun din ang Ama natin sa langit.
May mga panahon na pakiramdam natin ay INIWAN tayo ng Diyos. Parang hindi Niya tayo naririnig. Parang hinayaan Niya tayong harapin mag-isa ang mga pagsubok sa buhay.
Pero ang totoo kasama natin Siya. Napatunayan ko ito noong hinaharap ko ang journey ng anxiety 20 years ago.
Tandaan mo ito. Habang humaharap ka sa problema, Siya ay nagbabantay.
Habang umiiyak ka, Siya ay nagmamasid.
Hawak Niya ang iyong buhay.
Sinabi ni Jesus:
“Huwag kang matakot! Ako ang Una at ang Huli.”
— Pahayag 1:17
Kapatid, kung sa akala mo nasa isang “madilim na kagubatan” ka ngayon.
Tandaan mo: Ang Ama na hindi mo nakikita ay malapit kaysa sa inaakala mo.
Hindi ka nag-iisa sa dilim. May Ama kang nagbabantay! ❤️🙏
Jesus loves you, and so do I. ❤️
If you need someone to talk to, don’t hesitate to message me. I’m here to listen. 🙏
Follow Catanduanes For Jesus
Inspiring People, Walking in Grace..