22/08/2026
Immaculate Conception Parish Catanauan
MASS ANNOUNCEMENTS
August 22-23, 2026
1. (Every 4th /Last Sunday) BIGAS SUPPORT: Patuloy po sanang magkaloob ng “pledge” ang mga BIGAS SUPPORT members ng ating seminaryo.
2. Sa Martes at Huwebes po, August 25 and August 27, ay sa umaga lang po ang Misa at 6am. Sa Miyerkules naman po, August 26, ay sa hapon lang po ang Misa at 515pm. Muli po, sa Martes at Huwebes po, August 25 and August 27, ay s aumaga lang po ang Misa at 6am. Sa Miyerkules naman po, August 26, ay sa hapon lang po ang Misa at 515pm. Wala pong 6am Misa sa Miyerkules, August 26, and wala pong 515pm Misa sa Martes at Huwebes, August 25 and August 27. Muli, wala pong 6am Misa sa Miyerkules, August 26, and wala pong 515pm Misa sa Martes at Huwebes, August 25 and August 27.
3. Siinimulan na pong ayusin ang drainage sa grounds sa harap ng Simbahan, bilang paghahanda sa pagpapa-semento ng nasabing grounds. Nag-hard pruning po ng mga puno, sapagkat natatakpan na po ang view ng Simbahan, and para pagandahin po ang tubo ng mga sanga ng mga nasabing puno. Paumanhin po kung nawala muna ang dating shade na dulot ng mga dating sanga at dahon, pero hindi po pinatay ang mga puno…buhay po ang mga ito, and magkakasanga rin at magkakadahon pong muli ang mga ito.
Sa mga nais pong magkaloob ng tulong-pinansyal o materyales tulad ng semento, bakal, o buhangin para sa pagpaa-semento ng grounds sa harap ng ating Simbahan, maaari pong lumapit sa kina Bro. Carlos Pastorpide, Bro. Galileo Cueto, o kay Sis. Liza Morales sa Opisina ng ating Parokya.
4. Nagpulong po ang mga Hermanos at Hermanas ng Fiesta ng Parokya 2026 noong August 9, at dahil na-deficit po last year ng around P100 thousand dahil hindi rin po lahat ay nag-ambag ng at least ay P3,500, napagkasunduan po na minimum of P5,000 na po ang ambagan ng bawat Hermano o Hermana (mula sa dating mabagan na P3,500 minimum), na maaaring ibigay buwan-buwan…..P1,000 kada buwan, simula Agosto, hanggang Disyembre 5. (limang buwan mula ngayong Agosto mismo). At maaari pong sumali at makisangkot sa hermanahan ng Piyesta ng Parokya 2026 ang mga willing and able na mga kabilang sa ating parokya….pasasalamat na rin po ito sa Diyos, sa pamamagitan ng pagpaparangal sa Mahal na Birheng Inmaculada Concepcion na ating Patrona at ina ni Hesus, sa mga biyayang ipinagkakatiwala sa atin taun-taon. Maaari pong magbigay ng ambag kay Sis. Nena Forneste na ingat-yaman ng Hermahan 2026, o kay Sis. Liza Morales sa Opisina ng ating Parokya. Maaari na pong magbigay ng unang P1,000 na installment na ambag, hanggang sa katapusan ng buwan, August 31.
5. Sa isang Linggo po. August 30, ay Huling Linggo ng Buwan…Balik-Handog Sunday. Maraming salamat po sa mga nagba-Balik-Handog na, na buwanang pagkakaloob sa Diyos, mula sa mga biyayang ipinagkakatiwala ng Diyos sa atin. Pangarap po ng Diyos, sa ating Diyosesis, na ang bawat Katoliko ay magi ring mabubuting katiwala, sa pamamagitan din ng pagba-Balik-Handog. At mapangunahan sana ito ng lahat ng mga kabilang sa mga samahang pangsimbahan. Anumang halaga, malaki man o maliit, ay daan din patungong langit. Maaaring lumapit kina Bro. Gregg Cabarubia, o Sis. Liza Morales sa Parish Office, para sa pagba-Balik-Handog
N.B. Makiki-share po nito, para sa kabatiran, ng kundiman ng lahat, ay, ng nakararami. Salamat po.