FMA Aspirantate Oratory

FMA Aspirantate Oratory Be Happy! Be Holy! This page is created for the online oratory of the FMA-FIL Aspirantate community.

It is intended to reach our young people and parents to continue journeying with them towards holiness of life through prayer, catechism lessons, recreational activities and various encounters.

๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ“: ๐’๐š๐ง ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐›๐š๐ฅ ๐Ž๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐†๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐๐ž ๐ƒ๐š๐ฒBaon ang tuwa at pananabik, ipinagdiwang ang Gratitude Day sa San Cristobal...
19/03/2026

๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ“: ๐’๐š๐ง ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐›๐š๐ฅ ๐Ž๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐†๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐๐ž ๐ƒ๐š๐ฒ
Baon ang tuwa at pananabik, ipinagdiwang ang Gratitude Day sa San Cristobal Oratory na may temang, โ€œ๐’๐š๐ง ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐›๐š๐ฅ ๐Ž๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ: ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ , ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ!โ€

Ipinaabot ng bawat isa ang taos-pusong pasasalamat kay Sr. Rachel, gayundin sa mga Sisters, Formands, volunteers, benefactors, youth leaders, at sa bawat oratorian na dumalo sa San Cristobal Oratory Center. Binigyang-pugay rin ang pinakaunang missionary expedition ng mga madreng Salesyano noong nakalipas na halos 150 taon. Ang matapang nilang pagtugon ng โ€œooโ€ ay ang naging daan upang makarating ang diwang Salesyano rito.

Naging siksik sa pasasalamat, saya, at biyaya ang pagdiriwang na pinatingkad ng mga panalangin, nakaka-inspire na mensahe, masasayang presentasyon, palaro, at salu-salo ng pagkain at mga regalo.

Talaga namang nag-enjoy ang lahat at umuwi ang bawat isa bitbit ang pusong puno ng tuwa at biyaya! ๐Ÿ’“

๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ: ๐‹๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ง ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ™Noong ika-1 ng Marso, nagtipon-tipon ang mga Oratorian mula sa Halang, San Cristobal, at S...
17/03/2026

๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ: ๐‹๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ง ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ™
Noong ika-1 ng Marso, nagtipon-tipon ang mga Oratorian mula sa Halang, San Cristobal, at Silangan Oratory Centers para sa kanilang Lenten Recollection. Ito ay naging isang makabuluhang araw ng panalangin, katahimikan, at pagninilay, na nagbigay ng panibagong lakas upang masamahan si Hesus ngayong panahon ng Kuwaresma.
Pagkatapos ng recollection, ang lahat ay nagsalu-salo sa inihandang pagkain. Umuwi rin silang may dalang tinapay mula sa kagandahang-loob ng ating mga benefactors. Dumating ang mga ito sa tamang pagkakataonโ€”isang paalala na ang Diyos ay laging naglalaan ng sapat.
Nawaโ€™y ang karanasang ito ay magbigay ng panibagong sigla sa ating paglalakbay ngayong Kuwaresma. Umakay nawa ito sa atin upang mas maunawaan natin ang malalim at personal na pagmamahal ng Diyos habang tayo ay naglalakbay patungo sa Pasko ng Pagkabuhay.

๐…๐ž๐›๐ซ๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ ๐Ÿ: ๐‡๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Ž๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ ๐๐จ๐ฌ๐œ๐จ๐ฅ๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ๐ฌ ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ŸฅณNoong ika-1 ng Pebrero, ipinagdiwang namin ang  ikalawang pa...
19/02/2026

๐…๐ž๐›๐ซ๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ ๐Ÿ: ๐‡๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Ž๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ ๐๐จ๐ฌ๐œ๐จ๐ฅ๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ๐ฌ ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿฅณ
Noong ika-1 ng Pebrero, ipinagdiwang namin ang ikalawang parte ng Boscolympics sa Halang Oratory Center! Nagsimula ang araw sa panalangin, sinundan ng mensaheng puno ng inspirasyon mula kay Sr. Yen, at pagkataposโ€”laro na!

Naging masaya at puno ng galak ang araw para sa lahatโ€”isang napakagandang paraan upang parangalan si San Juan Bosco at ipagdiwang ang pagsasama-sama bilang isang pamilya sa oratoryo.

๐…๐ž๐›๐ซ๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ ๐Ÿ: ๐’๐š๐ง ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐›๐š๐ฅ ๐Ž๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ“๐ญ๐ก ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐๐จ๐ฌ๐œ๐จ๐ฅ๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ๐ฌ ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฟ๐‘Ž๐‘๐‘–๐‘›๐‘™๐‘–๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘‡๐‘Ž๐‘œ๐‘› ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘Ÿ๐‘–'๐‘ก ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘”-๐ผ๐‘๐‘–๐‘”: ๐ผ...
19/02/2026

๐…๐ž๐›๐ซ๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ ๐Ÿ: ๐’๐š๐ง ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐›๐š๐ฅ ๐Ž๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ“๐ญ๐ก ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐๐จ๐ฌ๐œ๐จ๐ฅ๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ๐ฌ ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง
๐ฟ๐‘Ž๐‘๐‘–๐‘›๐‘™๐‘–๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘‡๐‘Ž๐‘œ๐‘› ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘Ÿ๐‘–'๐‘ก ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘”-๐ผ๐‘๐‘–๐‘”: ๐ผ๐‘ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘š๐‘–๐‘™๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐ท๐‘–๐‘ค๐‘Ž ๐‘›๐‘– ๐ท๐‘œ๐‘› ๐ต๐‘œ๐‘ ๐‘๐‘œโœจ

Maraming salamat sa lahat ng FMA Sisters, formands, mothers, at oratorians na nagsimula at nagtaguyod ng ating ๐‘ก๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘› para sa kabataan nang may saya at tiyaga!
Patuloy nating ipagkatiwala sa ating Inang si Maria ang ating oratoryo. Sa tulong ng panalangin ni Don Bosco, nawaโ€™y maipagpatuloy natin ang kanyang diwaโ€”ang masayang pagpapakabanal. ๐Ÿ™

๐‰๐š๐ง๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ“: ๐‡๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฑ ๐’๐š๐ง ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐›๐š๐ฅ ๐Ž๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐๐จ๐ฌ๐œ๐จ๐ฅ๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ๐ฌ ๐Ÿ๐Ÿ€๐ŸธSalamat sa Diyos sa pagbubuklod sa atin, at sa lahat ng mga t...
11/02/2026

๐‰๐š๐ง๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ“: ๐‡๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฑ ๐’๐š๐ง ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐›๐š๐ฅ ๐Ž๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐๐จ๐ฌ๐œ๐จ๐ฅ๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ๐ฌ ๐Ÿ๐Ÿ€๐Ÿธ

Salamat sa Diyos sa pagbubuklod sa atin, at sa lahat ng mga tumulong para maging posible ang event na ito na puno ng saya!

Nagsama-sama ang mga oratorians mula sa Halang at San Cristobal at nagbuhos ng kanilang lakas at sigla sa paglalaro ng volleyball, basketball, at badmintonโ€”isang patunay sa lakas at buhay ng ating mga kabataan.

Salamat kay Don Bosco na ating pinararangalan! Nawaโ€™y patuloy niyang ipanalangin mula sa langit ang kanyang mga minamahal na kabataan, upang sila ay laging ingatan at gabayan ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos.

Viva Don Bosco! ๐Ÿฅณ

27/01/2026

Address

Canlubang
4028

Telephone

+639284101012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FMA Aspirantate Oratory posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share