Nuestra Señora de la Merced Parish - Bahay Pare

Nuestra Señora de la Merced Parish - Bahay Pare Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Nuestra Señora de la Merced Parish - Bahay Pare, Catholic Church, Candaba.

This is the official page of the Parish of Nuestra Señora de la Merced in Bahay Pare, Candaba, Pampanga, where the revered image of Nuestra Señora de la Merced — Ang Emperatriz na Marilag sa Katagalugan ng Pampanga— is enshrined.

Ika- 25 ng Mayo. ( Lunes pagkatapos ng Pentekostes )KAPISTAHAN NI MARIA INA NG SIMBAHAN ( "MATER ECCLESIAE" ) Sa Mariolo...
24/05/2026

Ika- 25 ng Mayo. ( Lunes pagkatapos ng Pentekostes )

KAPISTAHAN NI MARIA INA NG SIMBAHAN ( "MATER ECCLESIAE" )

Sa Mariolohiya ng Simbahang Katolika, ang titulong "Ina ng Simbahan" ay opisyal na ibinigay sa mahal na Birheng Maria noong Ikalawang Konsilyo Vaticano ni Papa Pablo Ika-anim, itinala sa Katesismo ng Simbahang Katoliko, at opisyal na isinama sa litanya ng Loreto noong 1980 sa basbas ng ngayo'y Santo, Papa Juan Pablo ikalawa.

Ang gampanin ni Maria ay hindi maihihiwalay sa kanyang pakikiisa kay Kristo, na siyang ulo ng Simbahan, at tayo ang katawang mistiko nito. Ang banal na misteryo ng pagliligtas ay ipinamalas sa atin at ipinagpapatuloy sa Simbahan sa pamamagitan ng banal na Eukaristiya.

Sa bagong pagka ina ni Maria, niyayakap niya ang bawat isa sa Simbahan at niyayakap niya tayo sa pamamagitan ng Simbahan. Dapat nating matutunan na gaya ng Simbahan ay maging salamin natin si Maria na siyang ating modelo sa pagsunod kay Kristo. Kalakip ng maka-inang pagkalinga, hinubog niya ang mga unang kristiyano sa pamamagitan ng kanyang banal na halimbawa, makapangyarihang pamamatnubay, matamis na pag-aliw at sa kanyang matimyas na panalangin. Siya sa buong katotohanan ang Ina ng Simbahan, ang g**o at reyna ng mga apostol, ang Ina ng Diyos na nagkatawang tao. Panawagan sa bawat isa na dasalin ng may buong pagsinta ang rosario ni Maria upang gaya niya ay mabuhay tayo sa isang buhay panalangin.

Atin ding isama sa ating mga panalangin ang ating Santo Papa, mga Obispo, Pari, Madre at ang mga tinatawag para sa bokasyon. Naniniwala tayo na ang banal na ina ng diyos, ang bagong Eva, ang Ina ng Simbahan ay ipinagpapatuloy sa langit ang kanyang maka-inang gampanin sa lahat ng mananampalatayang Kristiano.
Mabuhay ang Simbahang sumisinta kay Maria.!

Ang kinikilalang kapistahan ni Maria bilang Ina ng Simbahan ay tuwing Lunes pagkatapos ng araw ng Pentecostes, na siya ring araw ng pagsilang ng Simbahan na itinakda ng Santo Papa Francisco.

Ang Imahen ay nasa pangangalaga ni G. Norman Silverio at ng kanyang Pamilya.

Ika-25 ng Mayo.KAPISTAHAN NI SANTA MARIA JACOBE.PANALANGIN KAY SANTA MARIA JACOBEO Mahal na Ina, Santa Maria Jacobe, pin...
24/05/2026

Ika-25 ng Mayo.

KAPISTAHAN NI SANTA MARIA JACOBE.

PANALANGIN KAY SANTA MARIA JACOBE

O Mahal na Ina, Santa Maria Jacobe, pintakasi na saksi ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo, at buhay na pananampalataya, tagapag-aruga at tagapag-alalay sa mga anak niyang apostol at mabuting asawa, ina ng mga Apostol at taga-gabay sa kanyang mga anak, akayin niyo po kami upang ang tunay at totoong daan ng landas ay masaksihan namin patungo sa buhay na pananampalataya. Nasaksihan mo din ang paghihirap at sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo ng Siya’y ipako sa Krus, kami ay iyong akayin, tulungan mo kami at nang aming pagsisihan ang aming mga kasalanan. Nasaksihan mo din ang paghihirap at hapis ng Mahal na Birheng Maria, ang kanyang kalungkutan at pighati, kami'y iyong damayan, Mahal na Ina, na minsan kami ay nakararanas ng pahihirap at hapis sa aming buhay. Tulungan mong panibaguhin ang aming buhay at muling magbalik-loob sa ating Panginoong Hesukristo. Maranasan ang pagiging saksi ng muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo at totoong buhay na pananampalataya. Amen.

Santa Maria Jacobe, ipanalangin mo kami!

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya Turla-Malang ng Brgy. Bahay Pare.

24/05/2026

VYD 2026 | Closing Rites
Vicariate of the Holy Redeemer
24 Mayo 2026

Nuestra Señora de la Merced Parish
Bahay Pare, Candaba, Pampanga

Ika- 24 ng Mayo.KAPISTAHAN NI SANTA JUANA DE CUZA.Si Santa Juana ay asawa ni Cuza na katiwala ni Herodes Antipas, ang te...
24/05/2026

Ika- 24 ng Mayo.

KAPISTAHAN NI SANTA JUANA DE CUZA.

Si Santa Juana ay asawa ni Cuza na katiwala ni Herodes Antipas, ang tetrarka ng Galilea. Kabilang siya sa mga babaeng pinagaling ni Hesus kasama sina Maria Magdalena at Susanna. Naging mga tagasunod sila ni Hesus at ihinandog ang kanyang kabuhayan pangtustos sa pangangailangan ni Hesus at ang kanyang mga alagad. Noong Linggo ng muling pagkabuhay isa sya sa tatlong babaeng nagtungo sa libingan ni Hesus upang kumpletuhin ang ritwal ng paglilibing ng mga Hudio para sa labi ni Hesus. Natuklasan nila at ibinalita sa mga alagad ang tungkol sa libingang walang laman. Tanging sa ebanghelyo ayon kay San Lucas lamang siya nabanggit. Sa pangkat ng mga babaeng binanggit, siya lamang ang tinukoy na may asawa at kabilang sa mataas na antas ng lipunan. Batay sa katotohanng ito ukol sa kanya maaring isiping iniwan niya ang kanyang asawa at mataas na kalagayan sa lipunan upang maging tagasunod ni Hesus. Ang pagsunod kay Hesus ay may kaakibat na hamon. Ito'y nangangahulugan ng pagtalikod niya sa isang buhay na matiwasay at marangya. Pagsuong ito sa isang buhay na walang katiyakan at madalas na nasa balag ng alanganin. Katulad ng sinabi ni Jesus, ito'y waring pagpasok sa makipot na pintuan at pagtahak sa makitid na daan. (Mateo 7: 13-14)

Santa Juana de Cuza, Ipanalangin mo po Kami.

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng pamilya ni Gng. (+) Mely Reyes ng Brgy. Bahay Pare.

23/05/2026

Banal na Misa | Linggo ng Pentekostes
22 Mayo 2026

Parokya ng Nuestra Señora de la Merced
Bahay Pare, Candaba, Pampanga

Ika-24 ng Mayo.KAPISTAHAN NI MARIA, AUXILIADORA DE LOS CRISTIANOS. ( Mary, Help of Christians ).Ang debosyon kay Maria b...
23/05/2026

Ika-24 ng Mayo.

KAPISTAHAN NI MARIA, AUXILIADORA DE LOS CRISTIANOS. ( Mary, Help of Christians ).

Ang debosyon kay Maria bilang Mapag-ampon sa mga Kristiyano ay isa sa mga pinakamatandang titulo ng Mahal na Birhen sa Simbahang Katolika. Kinikilala siya ng mga Kristiyano bilang tagapagtanggol at tagapamagitan lalo na sa panahon ng digmaan, pag-uusig, at matinding pagsubok sa pananampalataya. Naging tanyag ang debosyong ito noong 1571 matapos ang Labanan sa Lepanto kung saan nagtagumpay ang mga Kristiyano laban sa mga mananakop matapos manalangin ng Santo Rosaryo at humingi ng tulong sa Mahal na Birhen.

Noong 1814, pinalawak ni Pope Pius VII ang pagdiriwang ng kapistahan ni Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano matapos siyang himalang makalaya mula sa pagkakabilanggo noong panahon ni Napoleon. Bilang pasasalamat sa tulong ng Mahal na Birhen, itinakda niya ang kapistahan tuwing Mayo 24 kung saan ay mula noon ay lalo pang lumaganap ang debosyong ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo bilang simbolo ng pag-asa at proteksyon ng Mahal na Birhen para sa mga Kristiyano.

Malaki rin ang naging papel ni San Juan Bosco sa pagpapalaganap ng titulong ito ng Mahal na Ina. Itinuring niya ang Mahal na Birheng Maria bilang gabay at tagapangalaga ng kanyang misyon para sa kabataan. Dahil dito, maraming simbahan, paaralan, at institusyon ng mga Salesiano ang ipinangalan at itinalaga sa titulong ito ni Maria bilang Mapag-ampon sa mga Kristiyano. Hanggang ngayon, patuloy siyang dinarasal at pinaparangalan ng mga mananampalataya bilang mapagmahal na Ina na laging handang tumulong sa oras ng pangangailangan.

Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya Malawit ng Brgy. Pulong Palazan.

Ika-24 ng Mayo. ( Linggo ng Pentekostes )KAPISTAHAN NG NUESTRA SEÑORA DE LA ROSA MYSTICA.O Rosang bulaklak na di mapuspu...
23/05/2026

Ika-24 ng Mayo. ( Linggo ng Pentekostes )

KAPISTAHAN NG NUESTRA SEÑORA DE LA ROSA MYSTICA.

O Rosang bulaklak na di mapuspus ng bait ng tao ang halaga, ipanalangin mo po kami!

Ang imahen ay nasa pangangalaga ni G. at Gng. Manuel at Letty De Leon at ng kanilang Pamilya.

23/05/2026

VYD 2026 | Mañanita
Vicariate of the Holy Redeemer
23 Mayo 2026

Nuestra Señora de la Merced Parish
Bahay Pare, Candaba, Pampanga

𝗡𝗨𝗘𝗦𝗧𝗥𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗻𝗮, 𝗔𝗻𝗼 𝗧𝗔𝗥𝗔?🙏🏻💙Halina at ating samahan, indakan at parangalan ang ating Mahal na Ina, 𝗡𝗨𝗘𝗦𝗧𝗥𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗢𝗥𝗔...
23/05/2026

𝗡𝗨𝗘𝗦𝗧𝗥𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗻𝗮, 𝗔𝗻𝗼 𝗧𝗔𝗥𝗔?🙏🏻💙

Halina at ating samahan, indakan at parangalan ang ating Mahal na Ina, 𝗡𝗨𝗘𝗦𝗧𝗥𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗢𝗥𝗔 𝗗𝗘 𝗟𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗖𝗘𝗗 kasama ang patron ng ating Bikaryato, 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢 𝗖𝗥𝗜𝗦𝗧𝗢 𝗥𝗘𝗗𝗘𝗡𝗧𝗢𝗥 sa isang natatanging Maringal na Prusisyon mamaya, Mayo 23, 2026, Sabado, sa ganap na ika-5:00 ng Hapon na magsisimula sa 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝟯 𝗙𝗮𝗰𝗼𝗺𝗮 at iikot sa mga hayag na lansangan ng Brgy. Bahay Pare.

Sama-sama nating damhin ang makulay at masayang pagdedebosyon na iniaalay ng 'host parish' ng ating 𝗩𝗶𝗰𝗮𝗿𝗶𝗮𝘁𝗲 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗗𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa ating Emperatriz na Marilag sa Katagalugan ng Pampanga, Nuestra Señora de la Merced, na lalo pang magtutulak sa atin upang mapalapit tayo sa ating Patron, ang Santo Cristo Redentor.

Kung kaya naman, ano pa ang inyong hinihintay, 𝙏𝙖𝙧𝙖 𝙣𝙖 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙞𝙞𝙨𝙖, 𝙉𝙪𝙚𝙨𝙩𝙧𝙖 𝙋𝙧𝙤𝙘𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 𝙣𝙖! Viva Nuestra! 𝙑𝙔𝘿 𝙨𝙖 𝙉𝙪𝙚𝙨𝙩𝙧𝙖, 𝙈𝘼𝙎𝘼𝙔𝘼!

22/05/2026

𝐕𝐘𝐃 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒: DAY 1

Masaya at mabiyayang natapos ang unang araw ng Vicariate Youth Day! 🎉

Balikan natin ang ilang mahahalagang pangyayari ngayong araw at sabay nating abangan ang exciting activities bukas para sa Day 2 ng VYD!

Ika-22 ng Mayo.KAPISTAHAN NI SANTA RITA DE CASCIA.(Mula sa St. Rita:  A New Historical Profile.  Ito ay mula sa sinulat ...
21/05/2026

Ika-22 ng Mayo.

KAPISTAHAN NI SANTA RITA DE CASCIA.

(Mula sa St. Rita: A New Historical Profile. Ito ay mula sa sinulat ni Fr. Damaso Trapp, isang Agostinong pari, noong 1968 at 1970. Ito ay bilang tugon sa diwa ng Ikalawang Konsilyo Vaticano na muling isaysay ang buhay ng mga banal na batay sa kasaysayan.)

Si Sta. Rita ay isinilang sa Roccaporena taong 1371 na may buong pangalan na Margherita Lotti. Ang kanyang mga magulang ay sina Antonio and Amata Ferri Lotti. Taong 1380 nang magkaroon si Sta. Rita ng isang “pangitain” kung saan ay nakita niya sina San Juan Bautista, San Agustin at San Nicolas Tolentino. Sa batang edad, ay naramdaman niya ang tawag sa buhay pagmamadre.

Sa desisyon ng kanyang mga magulang, sa edad na 14 taon gulang, si Sta. Rita ay naging asawa ni Paolo Mancini. Nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Giangiacomo Antontio at Paolo Maria. Kalauna'y pinaslang dahil malamang sa pulitika ang asawa ni Sta. Rita na si Paulo Mancini matapos nila magsama ng 15 taon.

Kalauna'y nagkasakit din ang kanyang mga anak na naging sanhi ng kanilang kamatayan. Nang nag-iisa na siya sa buhay ay bumalik muli sa kanya ang bokasyon na maging madre. Sa edad na 35 na taong gulang, siya ay pumasok sa Monasteryo ni Sta. Maria Magdalena, mga madre na sumusunod sa alituntunin at batas ng Orden ni San Agustin.

Bilang tanda ng kanyang pakikiisa sa Pagpapakasakit ng ating Panginoon, ipinagkaloob sa kanya ang biyaya na danasin ang sugat na nilikha ng koronang tinik. Sa loob ng 15 taon hanggang sapitin niya ang kanyang kamatayan, dinala niya ang sugat na ito sa kanyang noo.

Sa huling apat na taon ng kanyang buhay, si Sta. Rita ay naratay na lang sa banig ng karamdaman. Ang tangi niyang nakakain ay ang Banal na Komunyon. Ang mga huling salita niya sa mga kapwa niyang mongha ay ang mga sumusunod, “Patuloy ninyong mahalin si Jesus. Patuloy kayong sumunod sa Simbahan. Patuloy kayong mabuhay sa kapayapaan at kapatiran.”

Si Sta. Rita ay namatay noong ika – 22 ng Mayo 1447. Ang kanyang katawan ay hindi nabubulok hanggang ngayon. Taong 1628 nang hirangin siyang banal ng Simbahang Katolika Romano sa panahon ni Sto. Papa Urban VIII habang taong 1900 naman sa panahon ni Sto. Papa Leo XIII nang si Sta. Rita ay ginawang santa ng Simbahang Katolika Romano.

Tulad ni San Judas Tadeo, si Sta. Rita ay naging patrona rin ng imposible. Marami sa mga kahilingan ng mga tao sa pamamagitan ng panalangin ni Sta. Rita ay nagkakaroon ng katugunan at pag-asa kahit ito ay para bagang imposible.

Ang imahen ni Santa Rita de Cascia ay nasa pangangalaga ng Pamilya Balatbat ng Brgy. Bahay Pare.

Address

Candaba

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora de la Merced Parish - Bahay Pare posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Nuestra Señora de la Merced Parish - Bahay Pare:

Share