INA Ng Laging Saklolo

INA Ng Laging Saklolo located at Taisan Basud Camarines Norte

MASSES:
Every Sunday:
7:00 AM / 9:00 AM / 5:00 PM Monday to Saturday: 6:30 AM
Wednesday: 5:00 PM

"Delight yourself in the Lord and He will give you the desires of your heart"
-- Psalms 37:4

24/05/2026

HAPPY 1993rd BIRTHDAY, CATHOLIC CHURCH! ❤️⛪

Sa loob ng 1993 taon, nananatiling matatag ang Simbahang Katolika sa pagpapalaganap ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal ng Diyos sa buong mundo.

Mula sa panahon ng mga Apostol hanggang sa kasalukuyan, patuloy tayong ginagabayan ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang Simbahan. Tunay ngang buhay at matibay ang pananampalatayang Katoliko! ✨

“Upon this rock I will build my Church.” – Matthew 16:18

Mabuhay ang Simbahang Katolika! ❤️🙏


Morning Prayer🙏🏼 ✝️In the Name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, AMEN.
23/05/2026

Morning Prayer🙏🏼
✝️In the Name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, AMEN.

23/05/2026

✨ Seven Gifts of the Holy Spirit

These gifts are special graces given to make us responsive to God’s will, live holy lives, and guide others.

🔥Wisdom
Ability to see things from God’s perspective; value spiritual things over worldly ones; know God’s love and plan.

🔥 Understanding
Deep insight into the truths of faith; grasp the meaning of God’s words and mysteries clearly.

🔥 Counsel
Right judgment to choose what is good, just, and pleasing to God; know what to do in difficult situations.

🔥 Fortitude (Courage)
Strength to remain firm in faith, overcome trials, and do what is right despite fear or difficulty.

🔥 Knowledge
Recognize God’s greatness, His creation, and our place in it; understand how all things lead to God.

🔥 Piety
Loving respect, devotion, and affection toward God; treat Him as Father and others as brothers/sisters.

🔥 Fear of the Lord
Awe, reverence, and love for God; dread separating from Him; desire never to offend Him.

✅They perfect our mind and heart to follow God easily and joyfully.

23/05/2026

Miracle Prayer for Pentecost Sunday. 🙏🕊️

May 24, 2026 SOLEMNITY OF PENTECOST SUNDAY    Pentecost Sunday is one of the most important feasts in the Catholic litur...
23/05/2026

May 24, 2026

SOLEMNITY OF PENTECOST SUNDAY
Pentecost Sunday is one of the most important feasts in the Catholic liturgical calendar and, frankly, one of the most misunderstood. It’s often called the “Birthday of the Church” because it marks the start of the Church’s mission, commemorating the descent of the Holy Spirit upon the Apostles and the Virgin Mary fifty days after the Resurrection of Jesus Christ.
The word Pentecost comes from the Greek pentekostē, meaning “fiftieth day.” For Christians, Pentecost marks something great: the giving of the Holy Spirit, the fulfillment of Christ’s promise to send an Advocate who would guide, strengthen, and sanctify His followers until the end of time.

LINGGO, MAYO 24, 2026Linggo ng Pentekostes (A)-- P**a                   UNANG PAGBASA                    Mga Gawa 2: 1-1...
23/05/2026

LINGGO, MAYO 24, 2026
Linggo ng Pentekostes (A)-- P**a

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 2: 1-11

Pagbasa mula sa Mga Gawa
ng Mga Apostol

Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo’y hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang wari’y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
May mga Judiong buhat sa iba’t-ibang bansa, na naninirahan noon sa Jerusalem, mga taong palasamba sa Diyos. Nang marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila. Sa kanilang pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba Galileo silang lahat? Bakit ang atin-ating katutubong wika ang naririnig natin sa kanila? Tayo’y mga taga-Partia, mga taga-Media, mga taga-Elam; mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at sa Capadocia sa Ponto, at sa Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa mga saklaw ng Libia na sakop ng Cirene, at mga nakikipanirahan mula sa Roma, maging mga Judio at mga naakit sa Judaismo. May mga taga-Creta at Arabia pa rito. Paano sila nakapagsasalita sa ating-ating wika tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 103

Espiritu mo’y suguin,
P**n, tana’y ‘yong baguhin.

Pinupuri ka P**ng Diyos nitong aking kaluluwa. O Panginoong Diyos, kay dakila mong talaga! Sa daigdig ikaw roon, kay rami ng iyong likha.
Sa daming nilikha mo’y nalaganapan ang lupa.

Espiritu mo’y suguin,
P**n, tana’y ‘yong baguhin.

Natatakot mangamata’y kung kitlin mo ang hininga. Mauuwi sa alabok, pagkat doon mula sila. Taglay mo ang Espiritu upang buhay ay ibalik,
bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.

Espiritu mo’y suguin,
P**n, tana’y ‘yong baguhin.

Sana ang ‘yong karangala’y manatili kailanman, sa lahat ng iyong likha ang madama’y kagalakan. Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan, habang aking inaawit ang papuri sa Maykapal.

Espiritu mo’y suguin,
P**n, tana’y ‘yong baguhin.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 12: 3b-7, 12-13

Pagbasa mula sa unang sulat ni
Apostol San Pablo sa mga
taga-Corinto

MGA KAPATID:
Hindi masasabi ninuman, “Panginoon si Hesus,” kung hindi siya pinapatnubayan ng Espiritu Santo.
Iba’t iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba’t iba ang mga gawain ngunit iisa lamang ang Diyos na sumasalahat ng taong gumagawa ng mga iyon. Ang bawat isa’y binigyan ng kaloob na naghahayag na sumasakanya ang Espiritu, para sa ikabubuti ng lahat.
Sapagkat si Kristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat binubuo ng iba’t ibang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT TUNGKOL SA MABUTING
BALITA

Halina, Espiritu,
sa sinag buhat sa ‘yo
kami’y liwanagan mo.

Ama ng maralita,
dulot mo’y pagpapala
upang kami’y magkusa.

Kaibiga’t patnubay,
sa amin mananahan
ang tamis ng ‘yong buhay.

Ginhawang ninanais,
lilim namin sa init,
kapiling bawat saglit.

Lubhang banal na ilaw,
kami’y iyong silayan
ngayon at araw-araw.

Kapag di ka nanahan
ay walang kaganapan
ang buhay nami’t dangal.

Marumi’y palinisin,
lanta’y panariwain,
sakit nami’y gamutin.

Kami’y gawing matapat,
sa pag-ibig mag-alab,
lagi sa tamang landas.

Tugunin aming luhog,
kami’y bigyang malugod
ng ‘yong pitong kaloob.

Gantimpala’y ibigay,
sa hantungan ng buhay
ligayang walang hanggan.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Espiritung aming Tanglaw,
kami’y iyong liwanagan
sa ningas ng pagmamahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20: 19-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Juan

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Hilingin natin sa Ama na isugo niya ang Espiritu Santo upang gabayan tayo sa ating kahinaan at upang magsilbing kaakibat at gabay natin sa ating buhay. Buong pagtititiwala nating sabihin:

Panginoon, isugo mo sa amin
ang iyong Espiritu Santo.

Ama, isugo mo ang iyong Espiritu sa buong Simbahan at ipagkaloob mo sa kanya ang iba't ibang biyaya at ang misyon na tanging sa iyo lamang nagmumula. Manalangin tayo:

Panginoon, isugo mo sa amin
ang iyong Espiritu Santo.

Ama, isugo mo ang iyong Espiritu sa mga pinuno ng aming bayan upang gamitin nila ang kaloob mong kapangyarihang maglingkod at maghatid ng kalayaan at kaunlaran sa bayan. Manalangin tayo:

Panginoon, isugo mo sa amin
ang iyong Espiritu Santo.

Ama, isugo mo ang iyong Espiritu sa mga misyonero para sa ikalalaganap ng Mabuting Balita upang ang kaligtasan ay maipahayag sa buong sanlibutan at nang ang lahat ng tao ay makakilala sa iyo at kay Hesukristo. Manalangin tayo:

Panginoon, isugo mo sa amin
ang iyong Espiritu Santo.

Ama, isugo mo ang iyong Espiritu upang pasiglahin ang mga may sakit at mga nasa bingit ng kamatayan. Ipagkaloob mo ang buhay na walang hanggan sa lahat ng mga yumao na. Manalangin tayo:

Panginoon, isugo mo sa amin
ang iyong Espiritu Santo.

Ama, pakinggan mo ang iyong sambayanang natitipon sa panalangin. Isugo mo sa amin ang iyong Espiritu Santo at panibaguhin mo kami katulad ng pagbabagong idinulot mo sa mga alagad noong unang Pentekostes sa ngalan ni Kristong aming Panginoon.
AMEN🙏🏼.

23/05/2026

May 24, 2026 | Pentecost Sunday. 🙏

Evening Prayer🙏 ✝️In the Name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, AMEN.
23/05/2026

Evening Prayer🙏
✝️In the Name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, AMEN.

23/05/2026

Pamparokyang Katekesis sa Dakilang Kapistahan ng Pentekostes

23/05/2026

May 24, 2026 | Pentecost Sunday. 🕊️

23/05/2026

The Sacrament of Penance and Reconciliation

According to the Catechism of the Catholic Church

What is this Sacrament?

Also called Confession or Penance, it is the sacrament where we confess our sins to a priest, receive God’s forgiveness, and are reconciled with God and the Church (CCC 1424) . It is a journey of conversion, repentance, and healing, where we encounter God’s infinite mercy .

Why is it necessary?

Sin wounds our relationship with God, our own dignity, and the communion of the Church. This sacrament restores the grace we have lost and heals the soul (CCC 1487-1488). Christ gave this power to the apostles and their successors when He said: “Whose sins you forgive are forgiven them, and whose sins you retain are retained” (John 20:23).

Essential Parts of the Sacrament

1. Contrition – Sorrow for sins, rooted in love for God (perfect contrition) or fear of punishment (imperfect contrition), with the firm resolve to sin no more and avoid occasions of sin (CCC 1451-1453).
2. Confession – Telling all mortal sins we remember to a priest, honestly and fully. This is essential because it helps us take responsibility, be freed from guilt, and open ourselves to God’s healing (CCC 1455-1456) .
3. Satisfaction / Penance – Doing acts of reparation (prayer, good works, self-denial) given by the priest to make amends for sin and grow in virtue. It also helps repair harm done to others (CCC 1459-1460) .
4. Absolution – The priest, acting in the person of Christ, pronounces the words of forgiveness, by which God grants pardon and peace (CCC 1424, 1461) .

Who can receive it?

All the faithful who have reached the age of discretion are bound to confess serious sins at least once a year, or whenever they are conscious of mortal sin, before receiving Holy Communion (CCC 1457) .

The Fruit of the Sacrament

It brings peace of conscience, spiritual comfort, the restoration of grace, and reconciliation with the Church. It also strengthens us to live as children of God and bear witness to His mercy (CCC 1468-1470).

Address

Purok/2 Taisan Basud Camarines Norte
Camarines Norte

Opening Hours

Tuesday 7am - 11am
1pm - 4pm
Wednesday 7am - 11am
1pm - 4pm
Thursday 7am - 11am
1pm - 4pm
Friday 7am - 11am
1pm - 4pm
Saturday 7am - 11am
1pm - 4pm
Sunday 7am - 12pm

Telephone

+639165347869

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when INA Ng Laging Saklolo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to INA Ng Laging Saklolo:

Share