12/04/2026
Sa panahon ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, nais naming maghatid ng simpleng tulong at pagmamahal sa ating mga PUV drivers sa pamamagitan ng Libreng Pagkain para sa PUV Drivers ngayong Abril 19, 2026.
Pagkatapos ng ating anibersaryo, hindi lamang doon nagtatapos ang ating misyon na โHUMAYOโ kundi, isa rin itong paraan upang ipagpatuloy ang nais nating makamit para sa ating simbahan at komunidad: ang maglingkod, magbahagi, at magpahayag ng pagmamahal sa gawa.
Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa panalangin, pamamahagi, pagvo-volunteer, at sponsorship. Sama-sama nating ipadama ang pagmamahal ng isang Kristyano na nagmamalasakit at handang tumulong para sa ikalalago ng simbahan at komunidad.
๐ Para sa mga nais mag-sponsor, maaari ninyong i-scan ang QR code sa poster o magpadala sa numerong ito: 09941269639 (Aaliyah A.)
๐ O kaya naman Bottled water, bigas, canned goods, at noodles. Dahil bawat tulong ay mahalaga!
๐ โKayaโt palakasin ninyo ang loob ng isaโt isa at magtulungan kayo, gaya ng ginagawa ninyo ngayon.โ
โ 1 Tesalonica 5:11
Presyo ibaba, si Cristo itaas! โจ