Sagrada Familia Chapel 1st Ave.

Sagrada Familia Chapel 1st Ave. This is the main page of Sagrada Familia Chapel 1st ave Caloocan city

19/05/2026
Larawan ng Banal na Pamilya
19/05/2026

Larawan ng Banal na Pamilya

Ganap na ngang nasa Gloria ang Katawang Maligaya!Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Poong Hesus.
16/05/2026

Ganap na ngang nasa Gloria ang Katawang Maligaya!

Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Poong Hesus.

12/05/2026

πƒπ€πŠπˆπ‹π€ππ† πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 ππ€ππ‚π‘π€π‚πˆπŽ

Sa tulong at biyaya ng Diyos, masaya nating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ni San Pancracio, ang ating mahal na pintakasi. Bilang isang nagkakaisang pamayanang Kristiyano, sama-sama nating itinataas ang ating pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, debosyon, at masayang pakikiisa sa mga gawain ng ating parokya.

Nawa’y ang halimbawa ni San Pancracioβ€”isang batang martir na matatag sa pananampalatayaβ€”ay magsilbing inspirasyon sa atin upang manatiling tapat kay Kristo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

𝐏𝐚𝐧𝐚π₯𝐚𝐧𝐠𝐒𝐧 𝐀𝐚𝐲 π’πšπ§ 𝐏𝐚𝐧𝐜𝐫𝐚𝐜𝐒𝐨

O maluwalhating San Pancracio, batang martir at tapat na saksi ni Kristo, nanatili kang matatag sa pananampalataya sa gitna ng pagdurusa at pag-uusig.

Ipanalangin mo kami upang magkaroon kami ng matibay na pananampalataya, pusong tapat sa Diyos, at lakas ng loob na sundan si Kristo araw-araw.

Ingatan mo ang aming parokya, gabayan ang mga kabataan, palakasin ang mga nanghihina, at pag-alabin ang aming pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

San Pancracio, martir ni Kristo, ipanalangin mo kami. Amen.

π•π’π―πš π’πšπ§ 𝐏𝐚𝐧𝐜𝐫𝐚𝐜𝐒𝐨! π•π’π―πš π’πšπ§π­π¨π§π  𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧!

Maligayang Kapistahan Jesus, Maria at Jose!
11/05/2026

Maligayang Kapistahan Jesus, Maria at Jose!

Happy Feast Day Sagrada Familia
09/05/2026

Happy Feast Day Sagrada Familia

Ika-anim na Araw ng Pagsisiyam sa Karangalan ng Banal na Pamilya nina Jesus, Maria at Jose.Panalangin sa Ika-anim na ara...
06/05/2026

Ika-anim na Araw ng Pagsisiyam sa Karangalan ng Banal na Pamilya nina Jesus, Maria at Jose.

Panalangin sa Ika-anim na araw:

O Jesus na mababang loob na nagbigay Ka ng mabuting halimbawa ng kasipagan sa tahanan
sa Nazaret: liwanagan Mo ang aming pag-iisip upang maunawaan din namin ang kahalagahan at kabutihang dulot ng mga gawaing pambahayat upang magkaroon kami ng pag-ibig sa paggawa anuman ang uri nito, lalo na't nauukol sa kagalingan ng kapwa.

Sa pamamagitan ng lyong pag tulong sa lyong mga magulang, ipinakita Mo ring may kaakibat na kabanalan ang anumang ga. waing ikinasisiya ng kalooban Ipag-adya Mo kami, butihing Jesus, sa lahat ng uri ng katamaran o kawalang-ginagawa sapagkat ang mga ito'y pinagmumulan ng bisyo at iba pang kasamaan.

Turuan mo naman kami, O Mahal na Inang Birhen at masinop na Amang San Jose, na magunita namin ang inyong masaya't banal na pagsasama at pamumuhay pantahanan upang ang anumang aming gagawin ay mag-karoon ng kaugnayan sa mga aral ng aming relihyon at sa mga bagay na pangkaligtasan.

Bayaan ninyong sambitin naming lagi ang inyong pangalan at isipin ang inyong banal na angkan upang ang bawat salitang lumabas sa aming mga bibig ay maging banal. Tulungan ninyo kami na ang lahat ng aming panalangin at debosyon ay makaagapay sa aming trabaho sa tahanan at sa iba pang lugar at nang sa gayo'y mamulaklak ng saganang biyaya ang pagdalangin namin sa inyo. Siya nawa.

Ikalimang Araw ng Pagsisiyam sa Karangalan ng Banal na Pamilya nina Jesus, Maria, at Jose.Panalangin sa Ikalimang araw:O...
05/05/2026

Ikalimang Araw ng Pagsisiyam sa Karangalan ng Banal na Pamilya nina Jesus, Maria, at Jose.

Panalangin sa Ikalimang araw:

O maibiging Jesus na sa pagkaligtas Mo sa isang madugong kamay nang Ikaw ay itakas ni Jose at Maria sa Ehipto, ay itinuro Mo sa amin ang pagsunod
sa hangarin ng Maykapal; gawin Mo na kami'y maragdagan sa kabanalang gawa sa pamamagitan
ng tapat na pag-ibig sa lyo at sa aming kapwa.

Ipagkaloob Mo na ang aming mga puso ay matigib ng pag-ibig sa isa't isa sa aming angkan katulad ng ipinakitang halimbawa ng Banal na Pamilya sa Nazaret. Matutuhan din sana namin ang
nagtiis nang buong kasiyahan sapagkat itoy bahagi ng lyong kalooban; sana'y mabatid namin na ang luha sa buhay na ito av may kapalit na ngiti't kagalakan sa kabila.

O Mariang kabanal-banalan at Joseng matiisin, sa inyong tangkilik kami'y napaiilalim, at hinihiling namin na sa pagkupkop ninyo sa amin ay kakamtin na-min ang aming layunin sa pagsisiyam na ito. Tulungan ninyo kami na harapin ang anumang panganib nang buong pagtitiwala sa inyong biyaya, at ipinangako namin na babatahin namin ang lahat ng kahirapan sapagkat ito ang mabisang paraan upang makamtan namin ang buhay na walang katapusan sa langit.

Tulungan ninyo kami na mamalagi sa pag-ibig at biyaya ng Diyos na ang Kanyang kasiyahan ay makapiling ng Kanyang mga kinapal. Kasama ninyo sa dalangin at pagkakandili, nawa'y makamit ng aming angkan ang kaligayahang tinaglay ng Banal na Pamilya, sa aming pagsapit Sa kabilang buhay.
Siya nawa.

Address

A. Del Mundo St. 1st Avenue Grace Park Caloocan City
Caloocan
1405

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sagrada Familia Chapel 1st Ave. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share