08/05/2026
Was lost but found
Gaano kana katagal mula nung tinanggap mo si Kristo sa buhay mo?
Months? Years? Decades?
Naalala mo ba kung paano ka Niya tinawag?
Naalala mo pa ba kung paano ka Niya nahanap?
Tulad ng sa kwento ni Hesus, Ikaw yung pang 100 na tupa na nawala. (Luke 15:1-7)
Isang madungis na tupa, nawawala, nalilito, at naliligaw.
Iniwan Niya ang hindi naman na kailangang magbago para hanapin ka na kailangang magbago.
Laking tuwa Niya nang makakilala ka noon.
At alam kong ganun ka din.
Dahil alam mong nagkaroon ka ng halaga.
Nagkaroon ng purpose ang buhay mo.
Nakulayan yung buhay mo.
May mga bagay na naintindihan mo na.
Pero… May mga dumarating sa puntong, unti-unti na naman tayong nilalayo ng mundo sa Kaniya.
May mga bagay kang hindi mo na pinapansin ang Diyos gawa ng wrong desires mo.
Hindi lang naman ang mga nawawala sa church ang nagiging backslider. Tayo rin pa lang nasa loob ng church ay maaari.
Minsan, kahit nasa church ang presensiya mo, wala na tayong presensiya sa Diyos.
Mas maingay ang mundong naririnig mo kaysa sa tinig at boses ni Lord.
Sa mga bagay na pinapakain sa’yo tulad ng social media, lust, bisyo, addictions, pride, job and worries.
At yung isang prodigal son sa kwento ni Hesus? (Luke 15:18-24)
Minsan tayo pala yun.
Na-judge natin minsan yung pasaway na anak sa nagawa niya. Pero hindi natin pinapansin, lumayo narin tayo sa Diyos.
Pero mas doble at lubos ang tuwa ng ama nung bumalik ang kaniyang anak. Dahil minsan nang nawala, namatay ang kaniyang anak pero nabuhay muli.
Kapatid.
Hindi pa huli ang lahat.
Ang Diyos na iyong Ama rin, ay palaging nakaabang, nag-aantay sa'yo.