25/05/2026
Sunday Preaching (May 24, 2026)
Title: When Jesus comes Late, but Right on Time
Text: John 11:1-14, 39-44
Ang John 11 ay kwento ng pagkamatay at pagkabuhay ni Lazaro, ngunit higit pa ito sa milagro. Higit pa ito sa isang miracle story.
Ito ay kwento ng delay, sakit, luha, at kapangyarihan ng Diyos. Dahil, nung dumating ang Panginoon tapos na.
So, si Lazaro ay kaibigan ni Hesus, at sina Martha at Mary ay malapit din sa Kaniya.
Nang magkasakit si Lazaro ay agad silang nagpadala ng mensahe sa ating Panginoon na nagsasabing “Lord, the one you love is sick”
Mapapansin po natin, na hindi nila sinabi ang dapat gawin ni Hesus. Hindi sila nag-demand, hindi sila nagbigay ng instruction. Ipinagkatiwala lang nila ang sitwasyon sa Kaniya.
Anuman ang sitwasyon na meron tayo, matuto tayo na ipagkatiwala ito sa Panginoon.
Pero, ang nakakagulat. Hindi pumunta agad si Hesus. At, nag-stay pa Siya ng dalawang araw. Parang walang urgency, parang walang paki-alam.
Sinabi ni Hesus “This sickness will not end in death, it is for God’s Glory.” Alam ng Panginoon ang Kaniyang ginagawa. Kaya, kapag tayo ay may sakit, challenge your self for the Glory of God.
Minsan ang akala nating delay ay bahagi pala ng mas malaking plano ng Diyos. God delay is not God’s denial. Minsan, ang pakiramdam natin kapag hindi agad sinagot ng Diyos ang panalangin natin ay hindi Niya tayo naririnig. Ngunit, malinaw sa kwentong ito, mahal ni Hesus si Lazaro, mahal ni Hesus si Martha at Si Maria. At, dahil mahal Niya sila, hinayaan Niya ang Delay.
Kaya, ‘pag may delay ka sa buhay mo; Mahal ka ng Diyos. Ang Diyos natin ay puno ng surprise.
At, sa verse 21 ang sabi ni Martha “Lord, if you had been here, my brother would not have died.” Ang timing ng Diyos ay hindi katulad ng timing natin.
Ang delay ay hindi kawalan ng pagmamahal, minsan ang delay ay paghahanda para malaking rebelasyon.
Jesus is the Resurrection and the Life.
Ang ibig sabihin ng buhay ay hindi lang himala, ito ay persona ng Panginoon. Si Hesus mismo.
John 1:4, In him was life; and the life was the light of men. John 14:6, Jesus saith unto him, I am the way, the truth, and the life: no man cometh unto the Father, but by me.
Kapag si Hesus ang pumasok sa patay na sitwasyon may pag-asa pa. Maaring patay na ang Pangarap mo, patay na ang Relasyon, patay na ang Vision, pero kapag kasama mo si Hesus, hindi pa tapos ang kwento.
Kung may pinapagawa sa’yo si Lord ngayon, sumunod ka at magkakaroon ka ng breakthrough.
Kapag feeling mo late si Lord, ‘wag kang susuko. Lahat nang bagay ay ginawa Niyang maganda at mabuti sa Kaniyang panahon.
Maaring hindi mo maintindihan ngayon, ngunit may ginagawa ang Diyos behind the scene.
Declare who Jesus in your situation. ‘Wag mong i-deklara ang problema mo, I-deklara mo kung sino si Hesus sa buhay mo.
Kung may takot ka, He is your peace. Kung may pangangailangan ka, He is your provider. Kung may patay na area sa buhay mo, He is your resurrection.
Alisin natin anumang pumipigil sa atin upang tumakbo. Hindi gagalaw ang himala kapag hindi tayo sumusunod. Kaya, kung ano ang sinabi ng Diyos sa’yo, gawin mo.
Hindi pa tapos ang Diyos.
When Jesus seems late, He is preparing something.
God bless Tay Ptr. Eduardo Ventura Jr.
To God be all the Glory!🙌🏻🙏🏻