Cantate Domino Choir-AVC

Cantate Domino Choir-AVC Cantare amantis est!

09/05/2026
09/05/2026
31/08/2025

๐ŸŽถโœจ ๐’๐š๐œ๐ซ๐ž๐ ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ข๐œ ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐’๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ โœจ๐ŸŽถ

๐ฟ๐‘–๐‘“๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘‰๐‘œ๐‘–๐‘๐‘’๐‘ , ๐ต๐‘ข๐‘–๐‘™๐‘‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐ถโ„Ž๐‘œ๐‘–๐‘Ÿ๐‘ , ๐ผ๐‘›๐‘ ๐‘๐‘–๐‘Ÿ๐‘–๐‘›๐‘” ๐ป๐‘œ๐‘๐‘’ ๐Ÿ™๐ŸŽต

Join us for an enriching formation on: โ€œ๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† ๐—ถ๐—ป ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ: ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—ฟ๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐—ต๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ดโ€ with ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ณ. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ ๐—”๐—ป๐˜๐—ต๐—ผ๐—ป๐˜† ๐—”. ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ, ๐—–๐—ต๐—ผ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐ŸŽผ

๐Ÿ“… September 20, 2025
๐Ÿ•— 8:00 AM โ€“ 3:00 PM (Registration starts at 7:30 AM)
๐Ÿ“ Basilica Pastoral Center & St. Bridget College, Batangas City

Together with:
๐ŸŽค Leslie Anne Abordo (Soprano)
๐ŸŽค Alrose Jane Salva (Alto)
๐ŸŽค Adriane Roy Calangian (Tenor)
๐ŸŽค Christian Yobhel Aquino (Bass)

โœจ Donโ€™t miss this chance to learn from world-class mentors and be inspired to lift your voices for the Lord!

๐Ÿ“ฉ For inquiries and registration, you may coordinate with your Vicariate Sacred Music Representative, email [email protected], or contact 09093341129.

LIMITED SLOTS ONLY! NO WALK-INS ALLOWED!

Mga Awiting Pansamba Para sa Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na BanalPambungad na Awit: Krus ng Ating Kaligtasan (Ferd...
27/08/2025

Mga Awiting Pansamba Para sa Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal
Pambungad na Awit: Krus ng Ating Kaligtasan (Ferdinand Bautista)
Awit sa Paghahandog: Ipag-adya mo O Panginoon (Ferdinand Bautista)
Awit sa Pakikinabang: Kapag Ako'y Naitaas (Carlos Babiano)

24/08/2025

LET ME BE THE BEARER OF YOUR LOVE

Words and Music: Rev. Fr. Niรฑo Andrade OSA
Inawit ng Cantate Domino Choir mula sa Apostoliko Bikaryato ng Calapan, para sa Ordenasyon nina Rev. Fr. Januel Baltazar, Rev. Fr. Mark Jay Bambao, at Rev. Fr. Juneel Christian Janda.

03/08/2025

MALIGAYANG BATI SA IYO
Salve Sancta Parens

(Pambungad na Awit para sa Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos at sa mga Pagmimisa bilang Paggunita sa Mahal na Birheng Maria sa Araw ng Sabado o sa mga Pagmimisang Siya'y Minimithing Patungkulan Kapag Karaniwang Panahon I)

Ang antiponang "Salve Sancta Parens" o "Maligayang Bati sa Iyo" ay katha ng Kristiyanong makata na nagngangalang Sedulius na nabuhay noong ika-limang siglo. Ito ay kinuha mula sa kanyang obrang pinamagatang "Carmen Paschale" na isang epiko ukol sa Matanda at Bagong Tipan. Dinarakila ni Sedulius ang Mahal na Birhen bilang Ina ni Kristo na kanyang tinutukoy bilang "Diyos na naging tao" at "Hari ng langit at mundo". Ito ay pagpapahayag ng pananampalataya ng Simbahan na pormal na ipinahayag at pinagtibay sa Konsilyo ng Efeso (431 AD) na si Maria ay tunay na Ina ng Diyos pagka't ang dinala niya sa kanyang sinapupunan at iniluwal ay ang Diyos na naging tao, si Hesukristong Diyos na totoo at tao namang totoo.

Ang Salmo 45 (44) ay matagal nang inuunawa ng Simbahan at ng mga Ama ng Simbahan bilang tagahiwatig ukol sa Mahal na Birheng Maria. Sa katunatan, ayon kay San Agustin, ang Salmong ito ay tumutukoy sa natatanging gampanin ni Maria bilang Ina ng Diyos at ang katayuan niya sa kasaysayan ng kaligtasan. Wika ng Salmo, "O kabiyak nitong hari (Reyna), ang payo ko'y ulinigin; ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin." Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ni Maria ng panibagong gampanin bilang Ina ng Simbahan buhat sa Krus at ng makalangit na katayuan bilang Reyna ng Langit at Lupa. Nagpapatuloy ang Salmo, "Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin; siya'y iyong panginoon, marapat na iyong sundin." Ito ay tumutukoy naman sa kariktan ng Mahal na Birhen sa harap ng Diyos dahilan sa kanyang pagiging makusaing sumunod sa kanyang kalooban na ipinamalas niya mula sa kanyang pagsang-ayon sa ibinalita ng Anghel, maging sa kanyang pagtindig sa paanan ng Krus at sa kabuuan ng kanyang buhay. Higit pa rito, inuunawa ng Simbahan si Maria bilang tagahiwatig ng Simbahan at ng kapalaran nito. Kung ano ang kapalaran ni Mariang kaluluwa't katawa'y nakikibahagi sa kadakilaan ng Diyos sa langit, gayon din ang sa mga bumubuo sa Simbahan. Ito ay pinahihiwatigan rin ng Salmo nang sinabi nitong: "Sa makulay niyang damit, sa hari ay pinapunta, haharap sa haring yaong mga abay ang kasama." Kung paano nabuhay si Maria, ang ulirang Kristiyano, ay siya rin namang inaasahan ng Diyos sa bawat binyagan upang gaya ni Maria, sa wakas ng panahon, tayo'y makibahagi sa kadakilaan ng Diyos taglay ang ating kaluluwa't katawan at kapiling ni Maria't sama-sama bilang Simbahan ay magiging ganap na kaisang-dibdib ng Korderong ulo ng katawang mistiko magpakailanman.

Sa katunayan, sa Panalangin sa Takipsilim kung Lunes sa Ikalawa at Ikaapat na Sanlinggo ng Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon, ito ang Panalangin Ukol sa Salmo na nakatalaga sa Salmong ito:

"Nang magkatawang-tao ka Panginoong Hesus, ipinagkaisang-dibdib ang Diyos at ang tao. Tulungan mo kaming maging tapat sa iyong salita at matapang na tahakin ang paglalakbay dito sa lupa hanggang kami ay iyong tawagin sa makalangit na pangkasalang piging kung saan kami'y pinangunahan ng Mahal na Birheng Maria na sa Simbahan mo'y tunay na uliran."

Inawit ng Koro mula sa National Shrine and Parish of Our Lady of Loreto bilang Paghahanda para sa Paggunita sa Pagtatalaga ng Palasyong Simbahan ng Mahal na Birheng Maria sa Roma (Ika-5 ng Agosto)

Address

Calapan
5200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cantate Domino Choir-AVC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share