Santa Maria Magdalena de Banlic

Santa Maria Magdalena de Banlic ๐“ž ๐“œ๐“ช๐“ฐ๐“ญ๐“ช๐“ต๐“ฎ๐“ท๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“œ๐“ช๐“น๐“ช๐“ฐ๐“ถ๐“ช๐“ฑ๐“ช๐“ต, ๐“˜๐“น๐“ช๐“ท๐“ช๐“ต๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ฒ๐“ท ๐“ด๐“ช๐“ถ๐“ฒ ๐“ผ๐“ช ๐“œ๐“ช๐”‚๐“ด๐“ช๐“น๐“ช๐“ต

Ang imahen ng Santa Maria Magdalena de Banlic ay nasa pangangalaga ng Pamilya Carriedo.

----

Ang Page na ito ay pinamamahalaan rin ng Pamilya Carriedo

24/05/2026
๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’ | ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ค๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ฌAng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Juan 20, 19-23)Kinagabihan ng Linggo ...
23/05/2026

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’ | ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ค๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ฌ

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (Juan 20, 19-23)

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. โ€œSumainyo ang kapayapaan!โ€ sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, โ€œSumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.โ€ Pagkatapos, silaโ€™y hiningahan niya at sinabi, โ€œTanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐ƒ๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง ๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ญ๐ฎ๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐’๐š๐›๐š๐๐จHalina't magdebosyon kay Maria tuwing araw ng Sabado, ...
22/05/2026

๐ƒ๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง ๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ญ๐ฎ๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐’๐š๐›๐š๐๐จ

Halina't magdebosyon kay Maria tuwing araw ng Sabado, ang ina ng g**o ni Santa Maria Magdalena.

Ipalaganap ang pagdarasal ng Santo Rosaryo sa bawat tahanan at makamtan ang mga pangako ni Maria, Birhen ng Santo Rosario, sa pagdarasal nito.

Nuestra Seรฑora del Santisimo Rosario, Ipanalangin mo kami!

๐ƒ๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐Œ๐š๐ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ง๐š ๐ญ๐ฎ๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌHalina't manalangin sa tulong ni Santa Maria Magdalena, ang "Ap...
20/05/2026

๐ƒ๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐Œ๐š๐ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ง๐š ๐ญ๐ฎ๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ

Halina't manalangin sa tulong ni Santa Maria Magdalena, ang "Apostolorum Apostola" o Apostol sa mga Apostol, na nanatiling tapat na tagasunod ni Hesukristo hanggang sa kamatayan sa krus.

Santa Maria Magdalena, ipanalangin mo kami.

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ• | ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ค๐ฒ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ง๐ ๐ข๐ญAng wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San ...
16/05/2026

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ• | ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ค๐ฒ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ง๐ ๐ข๐ญ

Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (Mateo 28, 16-20)

Noong panahong iyon, ang Labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siyaโ€™y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, โ€œIbinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa Lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: akoโ€™y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐ˆ๐ฌ๐ข๐๐ซ๐จ, ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐šPanalangin:Makapangyarihang Diyos, Amang Kataas-taasan, pinasasalamatan ka ...
14/05/2026

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐ˆ๐ฌ๐ข๐๐ซ๐จ, ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š

Panalangin:

Makapangyarihang Diyos, Amang Kataas-taasan, pinasasalamatan ka namin sa pagbibigay mo ng uliran at mapag-ampong si San Isidrong Magsasaka. Pinagkalooban mo siya ng mahal na biyaya at kapangyarihan katulad ni Moises, na kahit sa kapatagan ay nakapagpapabukal sya ng tubig. Bigyan mo rin sya ng katapatan at kasipagan na hindi ang lupa lamang ang pinagsumakitan niyang linangin at pag-anihan, kundi pati kaluluwa niya'y pinagsikapang maging malinis at dalisay.

Hinihingi naming sa iyo, maawaing Diyos na alang-alang sa mapaghimalang Santo na si San Isidro Labrador, ipagkaloob mo sa amin ang biyaya upang matularan namin ang kanyang mga halimbawa sa paggawa ng kabutihan at kabanalan. Pagpalain mo ang aming mga Magsasaka at gantimpalaan sila at kaming lahat ng masaganang ani ng iyong pagpapala.

Hinihiling namin ito sa Ngalan ni Hesus, Amen.

San Isidro Labrador, ipanalangin mo kami.

Ang imahen ng San Isidro Labrador ay nasa pangangalaga ng Pamilya Garcia

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’ | ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ข๐š๐ฌ, ๐€๐ฉ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ๐ฅPanalangin:O maluwalhating San Matias, ang plano ng Diyos ay nahulog sa iyo upang magawa an...
14/05/2026

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’ | ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ข๐š๐ฌ, ๐€๐ฉ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ๐ฅ

Panalangin:

O maluwalhating San Matias, ang plano ng Diyos ay nahulog sa iyo upang magawa ang lugar ni Judas na nagkakanulo sa kanyang G**o. Napili ka ng dobleng tanda ng katuwiran ng iyong buhay at sa tawag ng Banal na Espiritu. Makuha ang biyaya upang maisagawa ang iyong sariling katuwiran ng buhay at tinawag ng parehong Espiritu sa walang pasubaling paglilingkod ng Simbahan at, pagkatapos ng isang buhay na sigasig at mabubuting gawa, tulungan kaming ipakilala sa tinubuang-bayan ng langit upang umawit ng mga papuri magpakailanman ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Amen.

San Matias Apostol, ipanalangin mo kami.

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘ | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง ๐ง๐  ๐…๐š๐ญ๐ข๐ฆ๐šAng Mahal na Birhen ng Fatima ay ang titulong ibinigay sa Mahal na Birhe...
12/05/2026

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘ | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง ๐ง๐  ๐…๐š๐ญ๐ข๐ฆ๐š

Ang Mahal na Birhen ng Fatima ay ang titulong ibinigay sa Mahal na Birheng Maria kaugnay ng kanyang mga pagpapakita sa tatlong anak na pastol sa Fatima, Portugal. Sinabi ang Birehen ng Fatima sa mga batang pastol na magdasal ng rosaryo araw-araw para sa pagtatapos ng digmaan (World War I). Ang Mahal na Ina ay patuloy na nagpakita minsan sa isang buwan sa loob ng 6 na buwan sa tatlong anak, sina Lucia, Jacinta at Francisco. Noong Oktubre ng 1930, inaprubahan ng Obispo ng Leiria-Fรกtima ang mga pangitain bilang โ€œkarapat-dapat paniwalaan.โ€

Mahal na Birhen ng Fatima, ipanalangin mo kami.

Address

Villa Palao Subdivision Brgy. Banlic
Calamba

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Maria Magdalena de Banlic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share