Nuestra Señora de la Caridad de Bantay in Calamba City ,Laguna

Nuestra Señora de la Caridad de Bantay  in Calamba City ,Laguna Nuestra Señora de la Caridad de Bantay in San Agustin Parish - Parian ,Calamba City, Laguna

30/08/2026
30/08/2026
🌹𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀 🌹𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗔𝗖𝗜𝗢𝗡 𝗬 𝗖𝗢𝗥𝗥𝗘𝗔🙏𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐚, 𝐭𝐮𝐫𝐮𝐚𝐧 𝐌𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐢...
29/08/2026

🌹𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀 🌹

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗔𝗖𝗜𝗢𝗡 𝗬 𝗖𝗢𝗥𝗥𝗘𝗔

🙏𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐚, 𝐭𝐮𝐫𝐮𝐚𝐧 𝐌𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬.

Sa pagpapatuloy ng ating banal na 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐲 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐞𝐚, muli tayong nagkakaisa sa panalangin, pananampalataya, at pag-asa.

Sa gitna ng mga pagsubok at pangamba, nawa’y matutuhan nating tularan ang Mahal na Birhen—isang Ina na buong puso at walang pag-aalinlangang 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.

🌹 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐲 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐞𝐚
samahan Mo kami sa aming paglalakbay.
Kapag kami ay nanghihina, bigyan Mo kami ng lakas.
Kapag kami ay naliligaw, akayin Mo kami kay Hesus.
Kapag ang aming puso ay nababalot ng takot,
ipaalala Mo sa amin na hindi kami nag-iisa.

Sa ikalawang araw na ito, buong puso nating ialay sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Ina ang ating mga pamilya, mga mahal sa buhay, mga kahilingan, at maging ang mga panalanging tahimik nating itinatago sa ating mga puso.

Nawa’y sa bawat araw ng nobena, lalo tayong mapalapit kay Hesus at maging tunay na saksi ng 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚, 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚

✨ 𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝘽𝙞𝙧𝙝𝙚𝙣 𝙣𝙜 𝘾𝙤𝙣𝙨𝙤𝙡𝙖𝙘𝙞𝙤𝙣 𝙮 𝘾𝙤𝙧𝙧𝙚𝙖, 𝙄𝙣𝙖 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙗𝙪𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖, 𝙞𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙈𝙤 𝙠𝙖𝙢𝙞!

VIVA LA VIRGEN DE LA CONSOLACION Y CORREA!
VIVA LA VIRGEN! 🌹💙
VIVA! VIVA! VIVA!

𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡 | 𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗚𝗨𝗦𝗧𝗜𝗡AUGUST 28, 2026🕊️5:00 PM | PONTIFICAL MASSSa diwa ng pananampalataya, pa...
29/08/2026

𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡 | 𝗗𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗚𝗨𝗦𝗧𝗜𝗡
AUGUST 28, 2026

🕊️5:00 PM | PONTIFICAL MASS

Sa diwa ng pananampalataya, pagkakaisa, at pasasalamat, ating balikan sa mga larawang ito ang maringal na pagdiriwang ng 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧, Obispo at Pantas ng Simbahan.

Buong pagpapakumbaba nating ipinagdiwang ang Banal na Eukaristiya bilang isang sambayanan, kaisa ng ating mga pari, mananampalataya, at mga deboto, upang parangalan si 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧—huwaran ng pagbabalik-loob, karunungan, kabanalan, at tapat na paglilingkod sa Diyos at sa Banal na Simbahan.

𝐏𝐔𝐍𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆

𝐋𝐔𝐁. 𝐊𝐆𝐆. 𝐌𝐀𝐑𝐂𝐄𝐋𝐈𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐓𝐎𝐍𝐈𝐎 𝐌. 𝐌𝐀𝐑𝐀𝐋𝐈𝐓, 𝐉𝐑., 𝐃.𝐃.𝐎𝐛𝐢𝐬𝐩𝐨, 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬𝐞𝐬𝐢𝐬 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐛𝐥𝐨

Ang mga larawang ito ay nagsisilbing alaala ng isang banal na pagdiriwang—mga sandali ng panalangin, pakikipagkaisa, at pag-ibig sa Panginoon sa ilalim ng makapangyarihang pamamagitan ni San Agustin.

Nawa'y manatili sa ating mga puso ang aral ng ating Pintakasing Patron: na ang pusong tunay na naghahanap sa Diyos ay sa Kanya lamang makasusumpong ng tunay na kapayapaan.

𝓨𝓸𝓾 𝓱𝓪𝓿𝓮 𝓶𝓪𝓭𝓮 𝓾𝓼 𝓯𝓸𝓻 𝓨𝓸𝓾𝓻𝓼𝓮𝓵𝓯, 𝓞 𝓛𝓸𝓻𝓭,
𝓪𝓷𝓭 𝓸𝓾𝓻 𝓱𝓮𝓪𝓻𝓽𝓼 𝓪𝓻𝓮 𝓻𝓮𝓼𝓽𝓵𝓮𝓼𝓼 𝓾𝓷𝓽𝓲𝓵 𝓽𝓱𝓮𝔂 𝓻𝓮𝓼𝓽 𝓲𝓷 𝓨𝓸𝓾.”

🙏 San Agustin ng Hippo, Obispo at Pantas ng Simbahan, ipanalangin mo kami.

VIVA SAN AGUSTIN!
VIVA EL SANTO PADRE AGUSTIN!

📸MGA LARAWAN NG KAPISTAHAN
Dakilang Kapistahan ni San Agustin | August 28, 2026

29/08/2026

🌹 ᴜɴᴀɴɢ ᴀʀᴀᴡ ɴɢ ɴᴏʙᴇɴᴀ🌹𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗔𝗖𝗜𝗢𝗡 𝗬 𝗖𝗢𝗥𝗥𝗘𝗔🙏 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐤𝐚𝐲𝐢𝐧 𝐌𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐈𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐚𝐤...
28/08/2026

🌹 ᴜɴᴀɴɢ ᴀʀᴀᴡ ɴɢ ɴᴏʙᴇɴᴀ🌹

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗔𝗖𝗜𝗢𝗡 𝗬 𝗖𝗢𝗥𝗥𝗘𝗔

🙏 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐤𝐚𝐲𝐢𝐧 𝐌𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐈𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐚𝐤

Sa pagsisimula ng ating banal na 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐲 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐞𝐚 buong pagpapakumbaba tayong lumalapit sa kanyang mapagmahal na puso.

Sa bawat panalangin, kandila, awit, at pag-aalay, nawa’y madama natin ang kanyang pagiging 𝐈𝐧𝐚, 𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐨𝐥, 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚

🌹 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗔𝗖𝗜𝗢𝗡 𝗬 𝗖𝗢𝗥𝗥𝗘𝗔
ipanalangin Mo kami.
Dalhin Mo ang aming mga kahilingan sa paanan ng Iyong Anak na si Hesus.
Patatagin Mo ang aming pananampalataya,
aliwin Mo ang mga pusong nabibigatan,
pagalingin Mo ang mga nasasaktan,
at akayin Mo kami sa landas ng kabanalan.

Sa pagsisimula ng siyam na araw ng aming paghahanda, sama-sama nating ialay ang ating mga sarili, pamilya, pamayanan, at lahat ng ating mga hangarin sa mapagkalingang kamay ng Mahal na Ina.

✨ 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐲 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐞𝐚, 𝐑𝐞𝐲𝐧𝐚 𝐚𝐭 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐮𝐬𝐨, 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐌𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢!

𝙑𝙄𝙑𝘼 𝙇𝘼 𝙑𝙄𝙍𝙂𝙀𝙉 𝘿𝙀 𝙇𝘼 𝘾𝙊𝙉𝙎𝙊𝙇𝘼𝘾𝙄𝙊𝙉 𝙔 𝘾𝙊𝙍𝙍𝙀𝘼!
𝙑𝙄𝙑𝘼 𝙇𝘼 𝙑𝙄𝙍𝙂𝙀𝙉! 🌹💙
𝙑𝙄𝙑𝘼! 𝙑𝙄𝙑𝘼! 𝙑𝙄𝙑𝘼!

28/08/2026

✠ PONTIFICAL MASS ✠

SOLEMN FEAST OF SAINT AUGUSTINE OF HIPPO

AUGUST 28, 2026

🕊️ SAINT AUGUSTINE OF HIPPO
Bishop and Doctor of the Church
“Our hearts are restless until they rest in You.”

Sa maringal na pagdiriwang ng Kapistahan ni San Agustin ng Hippo, tayo ay buong pananampalatayang nagkakaisa sa Banal na Eukaristiya upang parangalan ang dakilang Obispo at Pantas ng Simbahan—isang huwaran ng pagbabalik-loob, karunungan, kabanalan, at ganap na pag-ibig sa Diyos.

PRESIDER AND HOMILIST

Most Rev. David William V. Antonio, D.D.

Concelebrating with
Most Rev. Marlo M. Peralta, D.D.
Archbishop Emeritus of Nueva Segovia
together with the Clergy of the Archdiocese

Sa banal na pagdiriwang na ito, hilingin natin sa Panginoon, sa pamamagitan ng panalangin ni San Agustin, na pagkalooban tayo ng pusong laging naghahanap sa Diyos, isip na bukás sa Kanyang katotohanan, at buhay na buong pagpapakumbabang iniaalay sa Kanyang paglilingkod.

Nawa'y ang halimbawa ni San Agustin ay patuloy na magpaalala sa atin na ang tunay na kapayapaan at kaganapan ay matatagpuan lamang sa Diyos.

✠ **SAN AGUSTIN NG HIPPO** ✠

Obispo at Pantas ng Simbahan

Huwaran ng pagbabalik-loob.
Tagapagtanggol ng pananampalataya.
G**o ng katotohanan.
Lingkod ng Simbahan.

Ipanalangin mo kami.

🕯️ VIVA SAN AGUSTIN!
🕯️ VIVA EL SANTO PADRE AGUSTIN!

✠ COR UNUM ET ANIMA UNA IN DEUM ✠

One Heart and One Soul in God

San Agustin, akayin mo kami tungo sa Diyos

28/08/2026

🙏

5:00 PM | PONTIFICAL MASS

Agosto 28, 2026

Punong Tagapagdiwang:
LUB. KGG. MARCELINO ANTONIO M. MARALIT, JR., D.D.
Obispo, Diyosesis ng San Pablo

Halina’t makiisa sa banal na pagdiriwang ng Banal na Misa at sama-samang ipagdiwang ang kapistahan sa diwa ng pananampalataya, pagkakaisa, at debosyon.

Viva San Agustin!
Viva La Virgen de la Consolacion y Correa!🙏💙

𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 | 𝑵𝒖𝒆𝒔𝒕𝒓𝒂 𝑺𝒆ñ𝒐𝒓𝒂 𝒅𝒆 𝒍𝒂 𝑨𝒔𝒖𝒏𝒄𝒊ó𝒏 𝒅𝒆 𝑩𝒂𝒏𝒕𝒂𝒚Through the pouring rain, the faithful remained steadfast in p...
25/08/2026

𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 | 𝑵𝒖𝒆𝒔𝒕𝒓𝒂 𝑺𝒆ñ𝒐𝒓𝒂 𝒅𝒆 𝒍𝒂 𝑨𝒔𝒖𝒏𝒄𝒊ó𝒏 𝒅𝒆 𝑩𝒂𝒏𝒕𝒂𝒚

Through the pouring rain, the faithful remained steadfast in prayer and devotion.

From the Eucharistic Celebration to the Solemn Procession, we gathered as one community to honor our Blessed Mother, carrying with us hearts full of faith, love, and thanksgiving.

The rain may have soaked our clothes, but it could never diminish our devotion.

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐥𝐚 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐞𝐧! 𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐥𝐚 𝐀𝐬𝐮𝐧𝐜𝐢ó𝐧 𝐝𝐞 𝐁𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲

22/08/2026

Address

Calamba

Telephone

+639684439955

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora de la Caridad de Bantay in Calamba City ,Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share