17/03/2026
INGATAN ANG PUSO!
Minsan ang pinakamapanganib na pride ay hindi sa labas ng church—kundi sa loob mismo ng puso ng isang Kristyano na matagal nang naglilingkod.
Maraming ministry, maraming nagagawa para sa Diyos, maraming alam sa Bible… pero hindi napapansin na unti-unti nang pumapasok ang yabang sa puso.
Kapag nagsimula ka nang mag-isip na “mas mabuti ako kaysa sa iba,” o nasasaktan ka kapag hindi ka napapansin o napupuri, maaaring may pride na na tumutubo sa puso mo.
Tandaan mo: hindi ikaw ang bida sa ministry—si JESUS.
Ang talent, opportunity, at lakas na meron ka ay hindi mo pinaghirapan mag-isa; lahat yan ay biyaya ng Diyos. Kapag hindi natin ito binantayan, puwedeng patuloy tayong naglilingkod sa labas pero sa loob ay puno na ng pride ang puso. At ang masakit na katotohanan: ayaw ng Diyos sa pusong mayabang.
Sabi sa James 4:6, “God opposes the proud but gives grace to the humble.”
Kaya habang may pagkakataon pa, suriin mo ang sarili mo. Magpakumbaba ka, magsisi kung kailangan, at ibalik ang lahat ng kaluwalhatian sa Panginoon. Dahil sa huli, hindi mahalaga kung gaano karami ang nagawa mo sa ministry—ang mahalaga ay kung gaano nagpakumbaba ang puso mo sa harap ng Diyos.