Cagayan De Oro-CAG

Cagayan De Oro-CAG -Kung wala ang Diyos sa ating puso,Napakasakit ng Buhay nating mga Tao.

Tablon & Agusan church gathering!๐Ÿฅณ๐Ÿฅณ๐ŸŒท
21/02/2026

Tablon & Agusan church gathering!๐Ÿฅณ๐Ÿฅณ๐ŸŒท

๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—•๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—”๐—•๐—”๐—•๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”โ“Pinagtatawanan pa yung LINDOL at ginagawang BIRO. Dito natin makikita na sobrang pinasama na ni...
11/10/2025

๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—•๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—”๐—•๐—”๐—•๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”โ“
Pinagtatawanan pa yung LINDOL at ginagawang BIRO. Dito natin makikita na sobrang pinasama na ni Satanas ang sangkatauhan. Pasimula pa lang po ang mga nangyayari, kaya alalahanin natin ang ating kaligtasan at hanapin ang pagpapakita ng Diyos dahil tanging DIYOS lang ang magliligtas sa atin, hindi kinikilala ng Diyos ang paniniwala sa Kanya na gamit lang ang bibig

๐ŸŒฑ๐Ÿ“–( Mateo 24:3) โ€œAno ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?โ€
๐ŸŒฑ๐Ÿ“–(Mateo 24:6โ€“8). โ€œAt mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagkaโ€™t kinakailangang itoโ€™y mangyari datapuwaโ€™t hindi pa ang wakas. Sapagkaโ€™t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa ibaโ€™t ibang dako. Datapuwaโ€™t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapanโ€

Sabi ng Diyos
โœ๏ธ ๐Ÿ“–" Lahat ng sakuna ay isa-isang babagsak; lahat ng bansa at lahat ng lugar ay makakaranas ng mga sakunaโ€”ang salot, gutom, baha, tagtuyot at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang basta nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw, bagkus ay lalawak ang mga iyon sa loob ng palawak nang palawak na mga lugar, at ang mga sakuna ay magiging patindi nang patindi. Sa loob ng panahong ito lahat ng anyo ng mga salot na insekto ay lilitaw nang sunud-sunod, at ang penomeno ng kanibalismo ay mangyayari sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan. "
โœ๏ธ๐Ÿ“–"Ang sakuna ay nagmumula sa Akin at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo makapagpapakita bilang mabuti sa Aking mga mata, kung gayon hindi ninyo matatakasan ang paghihirap ng sakuna."

Sabi ng Diyos;"Gising, mga lalaking kapatid! Gising, mga babaeng kapatid! Hindi maaantala ang Aking araw; ang oras ay bu...
10/10/2025

Sabi ng Diyos;
"Gising, mga lalaking kapatid! Gising, mga babaeng kapatid! Hindi maaantala ang Aking araw; ang oras ay buhay, at ang bawiin ang panahon ay pagliligtas sa buhay! Hindi na malayo ang oras! Kung hindi kayo makapasa sa pagsusulit sa pagpasok sa kolehiyo, maaari kang mag-aral para dito nang paulit-ulit. Gayumpaman, hindi na maaantala pa ang Aking araw. Tandaan! Tandaan! Ito ang mabubuting salita Ko ng panghihikayat. Nalantad na sa inyo ang katapusan ng mundo sa harap mismo ng inyong mga mata, at malapit nang dumating ang malalaking kalamidad. Ano ang mas mahalaga: ang buhay ninyo, o ang inyong pagtulog, ang inyong pagkain at inumin at kasuotan? Dumating na ang oras para timbangin ninyo ang mga bagay na ito! Huwag nang magduda pa! Masyado kayong natatakot na seryosohin ang mga bagay na ito, hindi ba?"

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume I

๐Ÿ“•๐Ÿ“•Almighty God says,Alam mo ba na ang panahon ay minamadali? Kaya sa maikling taning, ikaw ay dapat na umasa sa Akin at ...
01/10/2025

๐Ÿ“•๐Ÿ“•Almighty God says,
Alam mo ba na ang panahon ay minamadali? Kaya sa maikling taning, ikaw ay dapat na umasa sa Akin at iwaksi ang lahat ng bagay mula sa iyo na hindi kaayon ng Aking disposisyon: kamangmangan, kabagalan sa pagtugon, malabong mga kaisipan, kalambutan ng puso, isang lupaypay na kalooban, pagiging katawa-tawa, lubhang pagod na mga damdamin, kalituhan, at kakulangan ng pagkakilala. Ang mga ito ay kailangang maiwaksi sa lalong madaling panahon. Ako ang Makapangyarihang Diyos! Hanggaโ€™t ninanais mong makipagtulungan sa Akin, Aking gagamutin ang lahat ng masakit sa iyo. Ako ang Diyos na tumitingin nang malalim sa mga puso ng mga tao; nalalaman Ko ang lahat ng iyong mga karamdaman at kung saan naroroon ang iyong mga depekto. Ang mga ito ang mga bagay na humahadlang sa iyo mula sa pagkakaroon ng pag-unlad sa iyong buhay, at ang mga ito ay kailangang maiwaksi sa lalong madaling panahon. Kung hindi, ang Aking kalooban ay hindi maisasakatuparan sa iyo. Manalig sa Akin upang maiwaksi ang lahat ng bagay na pag-aari mo na Aking tinatanglawan, laging mabuhay na kasama Ko, maging malapit sa Akin, at gawin ang iyong mga kilos at pag-uugali na katulad ng sa Akin. Makipagbahagian pa sa Akin nang mas madalas tungkol sa mga hindi mo nauunawan, at gagabayan kita nang ikaw ay makasulong. Kung hindi ka tiyak, huwag kumilos nang nagmamadali, kundi maghintay sa Aking panahon. Patuloy na magtimpi at huwag hayaan ang iyong mga nag-aalab na damdamin na uminit at lumamig; kailangan mong magkaroon ng isang puso na laging humahawak sa Akin nang may paggalang. Anuman ang gawin mo sa Aking harapan o sa Aking likuran ay kailangang laging naaayon sa Aking kalooban. Huwag kang maging maluwag sa kahit na sino alang-alang sa Akin, maging siya man ay iyong asawa o kapamilya; ito ay hindi katanggap-tanggap, gaano man sila kabuti. Kailangang gumawa ka ng hakbang batay sa katotohanan. Kung mahal mo Ako, pagkakalooban kita ng mga dakilang pagpapala. Walang sinumang lumalaban ang kukunsintihin Ko. Ibigin mo ang Aking iniibig, at kamuhian ang Aking kinamumuhian. Huwag mong pansinin ang sinumang tao, anumang pangyayari, o anumang bagay. Tumingin ka gamit ang iyong espiritu at tingnan nang maigi ang mga tao na Aking ginagamit; makipag-ugnayan ka nang mas malimit sa espirituwal na mga tao. Huwag maging mangmangโ€”kailangan mong makita ang pagkakaiba. Ang trigo ay laging magiging trigo, at ang mapanirang damo ay hindi kailanman lalago para maging trigoโ€”kailangan mong makilala ang ibaโ€™t ibang uri ng mga tao. Kailangan mong maging lalong maingat sa iyong pananalita at panatilihin ang iyong mga paa sa landas ng Aking hangarin. Maingat na isaalang-alang ang lahat ng mga salitang ito. Kailangan mong iwaksi kaagad ang iyong pagkamapanghimagsik at maging marapat sa Aking paggamit, upang iyong mabigyang-kasiyahan ang Aking puso.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume I

๐Ÿ“š๐Ÿ“š๐Ÿ“šAlmighty God says:" Sa mundo, ang mga lindol ang pasimula ng sakuna. Una, Aking ginagawa ang mundo, iyan ay ang lupa,...
01/10/2025

๐Ÿ“š๐Ÿ“š๐Ÿ“š
Almighty God says:" Sa mundo, ang mga lindol ang pasimula ng sakuna. Una, Aking ginagawa ang mundo, iyan ay ang lupa, na mabago. Iyan ay sinusundan ng mga salot at mga taggutom. Ito ang Aking plano, ang mga ito ay Aking mga hakbang, at Aking pagagalawin ang lahat upang maglingkod sa Akin, para tapusin ang Aking planong pamamahala. Sa gayon ang buong mundo ng sansinukob ay wawasakin, kahit wala ang Aking tuwirang pakikialam."

At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan. At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.(Zacarias 13:8-9)

Sapagkat sa panahong iyon ay magkakaroon ng matinding paghihirap na hindi pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanlibutan hanggang ngayon, at hindi na mangyayari kailanman. (Mateo 24:21).

Ang mga huling araw ay dumating na, at ang mga bansa sa buong mundo ay nasa kaguluhan. Mayroong kaguluhang pulitikal, may mga taggutom, mga salot, mga pagbaha, at ang mga pagkatuyot na lumilitaw sa lahat ng dako. Mayroong malaking sakuna sa mundo ng tao; ang Langit ay nagpadala rin ng sakuna. Ito ang mga palatandaan sa mga huling araw. Nguniโ€™t sa mga tao, para itong isang mundo ng saya at kaningningan, isa na nagiging mas higit pa. Ang mga puso ng mga tao ay naaakit dito, at maraming tao ang nakukulong at hindi magawang pakawalan ang kanilang mga sarili mula rito; napakalaking bilang ang malilinlang nilang mga nakikibahagi sa panlilinlang at salamangka. Kapag hindi ka nagsikap para sa pagsulong, at walang mga mithiin, at hindi kumapit sa totoong daan, ikaw ay matatangay nitong makasalanang alon.

"๐Ÿ™‡โ€โ™€๏ธ๐Ÿ™‡โ€โ™€๏ธAlmighty God says: โ€œHuwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay pa...
30/09/2025

"๐Ÿ™‡โ€โ™€๏ธ๐Ÿ™‡โ€โ™€๏ธAlmighty God says: โ€œHuwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. Ang mga pagsubok ay pagpapala mula sa Akin, at ilan sa inyo ang malimit na lumalapit sa Aking harapan at nakaluhod na nagmamakaawa para sa Aking mga pagpapala? Mga hangal na bata! Lagi ninyong iniisip na ang ilang mapapalad na salita ay maibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi ninyo kinikilala ang kapaitan bilang isa sa Aking mga pagpapala. Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo. Huwag kayong mag-atubiling kumain at uminom at tamasahin ang Aking mga salita. Kapag dumaraan ang kadiliman, naiipon ang liwanag. Pinakamadilim bago magbukang-liwayway; pagkatapos nito ay unti-unting nagliliwanag ang kalangitan, at sumisikat ang araw. Huwag kayong matakot o mahiya. Ngayon, Aking inaalalayan ang Aking mga anak at ginagamit ang Aking kapangyarihan para sa kanila.โ€
"

CDO gathering (Laguindingan, opol and Bulua)Church.Thanks be to Almighty God!โค๏ธ๐Ÿ˜
29/09/2025

CDO gathering (Laguindingan, opol and Bulua)Church.

Thanks be to Almighty God!โค๏ธ๐Ÿ˜

See you tomorrow Laguindingan,opol and Bulua church ๐Ÿคฉ๐Ÿ˜๐ŸŽฌLet everyone be enlightened ๐Ÿ˜๐Ÿ˜
27/09/2025

See you tomorrow Laguindingan,opol and Bulua church ๐Ÿคฉ๐Ÿ˜๐ŸŽฌ

Let everyone be enlightened ๐Ÿ˜๐Ÿ˜

hollla๐Ÿคฉ๐Ÿคฉ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜we are really excited to announce that we had a coming CDO Big Gathering on September 28 โ€“ Exciting Programs A...
25/09/2025

hollla๐Ÿคฉ๐Ÿคฉ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜we are really excited to announce that we had a coming CDO Big Gathering on September 28 โ€“ Exciting Programs Await, Stay Tuned, Go Go Go!๐Ÿฅฐ๐Ÿคฉ๐Ÿคฉ๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธ๐Ÿƒโ€โ™€๏ธ๐Ÿƒ

Updates will be posted here!

Kapag nasa Impyerno na ang isang Tao, magmamakaawa siya sa Diyos . Tapos saka lang siya Naniniwala na Totoo ang Impyerno...
20/09/2025

Kapag nasa Impyerno na ang isang Tao, magmamakaawa siya sa Diyos .

Tapos saka lang siya Naniniwala na Totoo ang Impyerno. at hihingi siya ng isa pang Pagkakataon.
ngunit nung nabubuhay pa siya maraming pagkakataon binigay ang Diyos. pero sinayang niya lahat.
Huli na para magsisi sa Impyerno wala ng kawala ang tao sa Impyerno.

๐Ÿ“–1 Corinto 6:9-10
9 Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga masasamang tao ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos? Huwag kayong padaya! Ang mga mapakiapid, mga sumasamba sa diyus-diyosan, mga mangangalunya, mga binabae, mga nakikiapid sa kapwa lalaki, 10 mga magnanakaw, masasakim, mga maglalasing, mga mapagmura, o ang mga manggagantso ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.

๐Ÿ“˜๐Ÿ“—๐Ÿ“™Almighty God says,

Kung sa isang araw kung may pagkahinala ka tungkol sa Diyos dahil sa isa sa mga kasinungalingan ni Satanas, pagkatapos ay sa wakas, ipapadala ka sa impiyerno. Sa impyerno, ikaw ay susunugin magpakailanman. Ang mga insekto ay laging kumakain sa iyo. Sa sandaling iyon, sasabihin mo, "Diyos, iligtas mo ako. Diyos, iligtas mo ako! "Sasabihin ng Diyos," Naniniwala ka ba sa Akin? Hindi ka naniwala sa Akin noon. Bakit kita dapat iligtas? Ang mga salita Ko ay sinalita na. Ang mga hindi naniniwala sa Akin ay lilipulin sa impiyerno. Ang lahat ng hindi naniniwala sa Akin ay dapat mapahamak. Ano ang kwalipikado sa iyo na sumigaw sa Akin upang iligtas ka kung hindi ka naniniwala sa Akin? Sinabi ko ba sa iyo na hindi ka maniwala? "Bakit hindi ka naniniwala? Hindi ka ba naniniwala dahil sa isa sa mga kasinungalingan ni Satanas? Pumunta tumingin para sa Satanas. Bakit mo pinakinggan ang mga salita ni Satanas? Naniniwala ka ba kung ano ang sinasabi nito? Bakit hindi ka naniniwala sa Diyos? Ikaw ang dahilan ng iyong sariling makitid na pag-iisip.

Address

Cagayan De Oro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cagayan De Oro-CAG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Cagayan De Oro-CAG:

Share