20/11/2024
Saan mapupunta ang malilikom na pondo sa Run for a Cause?🤔
Konting history muna..
Last 2022, nagkaroon mg Zumba for a Cause nag UMYAF ng MNED, ang naging beneficiary nito ay ang Sandelain Mission Area. Ito ay mission area na nasa area ng Palayan, pero mas malapit sa ating distrito kaya naman MNED ang pumupunta sa lugar na ito. May maliit na itong church, bagamat tagpi tagpi, pwede ng pagdausan ng pagsamba twing linggo. Maraming bata, maging sa 30 ang regular na dumadalo sa pagsamba. Majority sa kanila tumatawid pa ng bundok para makapasok sa eskwela. Ang hanap buhay ng matatanda doon ay pagtatanim, karaniwan kamote at iba panggulay. Salamat sa mga alagang hayop may pang ulam din sila maliban sa mga gulay.
Sa nakaraang taon, nakapagpakain tayo doon ng kulang sa 100 katao. Nagbahagi ng school supplies sa mahigit 30 mga bata. Nakapagbigay rin ng mga simpleng regalo, mga damit, mga gamit sa tahanan at ilang mga makakain.
Di man ganoon kalaki ang naibigay natin, ang ngiti nila ay nagpapahayag ng pasasalamat sa maliit ngunit makabuluhang dugtong sa kanilang buhay.
Higit sa lahat, yung makapagbahagi tayo ng salita ng Diyos, mapatatag at matulungan silang magsuko ng buhay nila sa Diyos ay higit pa sa sapat na accomplishment natin sa ating pagpunta doon.
Ngayong 2024..
Nais naming bumalik ulit sa mga mission areas, magpakain, magbigay ng konting tulong at magbahagi ng salita ng Diyos. Magsusulit muli sa Lord, hanggang may panahon, hanggang may pagkakataon.
Tara, sama sama ulit tayong humayo!🙂
Sa tulong mo, mas maraming matutulungan at maaabot ang misyon na ito.🙂