10/05/2026
• Mother’s Day
“ANG PUSO NG ISANG INA: Salamin ng Puso ng Diyos”
Isaias 66:13
Kawikaan 31:25-31
Juan 15:13
• Magandang Balita Biblia Isaias 66:13
Aaliwin kita sa Jerusalem, tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak.
• Magandang Balita Biblia Juan 15:13
Ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila.
Ang pag-ibig ng isang ina, hindi perpekto pero powerful. Dahil ito ang pinakamalapit na larawan ng pag-ibig ng Diyos na nararanasan natin dito sa lupa.
“Bakit May Mother’s Day?”
• Isang bata, umiiyak kasi nadapa. Pag lapit ng nanay, yakap lang — tumahan. Walang gamot, walang lecture. Yakap lang ng nanay, sapat na.
I. ANG PUSO NG INA AY PUSO NG.
1. PUSO NG PAG-ALIW – Isaias 66:13
“Kung paanong inaaliw ng ina ang kanyang anak, gayon ko rin aaliwin kayo...”
Ang Diyos mismo ang nag-compare ng pag-ibig Niya sa pag-ibig ng ina.
Hindi “parang tatay” ang ginamit Niya dito. “Parang ina.” Bakit? Kasi ang ina:
- Nakikinig kahit walang salita – Alam ni nanay pag may problema ka kahit “okay lang” sagot mo.
- Niyayakap kahit marumi ka – Pagkatapos mo magkasala, bumagsak, madapa — sino unang lalapit? Si nanay.
2. PUSO NG KATATAGAN – Kawikaan 31:25
- “.Siya ay nababalutan ng lakas at karangalan; hindi siya natatakot sa darating na panahon.”
A. Si nanay, hindi laging malakas — pero laging _nagpapakalakas.
- Puyat sa baby pero gigising pa rin para magluto.
- Walang pera pero “anak, meron pa tayo” ang sasabihin.
- Nasasaktan pero “okay lang ako” para hindi ka mag-alala.
B. Saan nanggagaling ang lakas ni nanay?
- “Ang babaing may takot sa PANGINOON ay dapat purihin.”
: Hindi kay mister, hindi sa sweldo, hindi sa sarili niya.
Kay Lord naka-anchor ang lakas niya. Awit 16:8
3. PUSO NG SAKRIPISYO – Juan 15:13
- “Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.”
A. Lahat ng nanay, bayani.
9 months na dinala ka sa tiyan. Nanganak na parang “mamatay-matay” Tapos 18+ years na _“buhay niya, binigay niya sa’yo.”
- Tulog niya, binigay.
- Pangarap niya, isinantabi.
- Huling subo, sa’yo pa rin.
B. Pero ang tunay na sakripisyo, hindi lang sa gawa. Nasa puso.
Si Maria na ina ni Jesus. Lucas 2:35 – “Ang isang tabak ay tatagos sa iyong puso.”
Alam niyang masasaktan ang anak niya. Pero tumayo pa rin siya sa paanan ng krus. Juan 19:25
Sa mga anak; Exodo 20:12 – “Igalang mo ang iyong ama at ina.”
Hindi lang pag “po” at “opo.” - Igalang mo ang sakripisyo niya Paano?
1. Salita – Sabihin mo: “Ma, salamat. Nakikita ko ang sakripisyo mo.”
2. Sama – Bigyan mo siya ng oras. Hindi lang pera.
3. Samba – Isama mo siya kay Lord. Yan ang pinakamagandang regalo.
Sa mga nanay: Hindi nasasayang ang sakripisyo mo. “Ang mga luha mo, inilalagay ng Diyos sa sisidlan Niya.” Awit 56:8.
May reward ka sa langit. Mateo 25:21