Echo Mariae

Echo Mariae This is the Official Page of the Echo Mariae, Comission on Social Communication of Mother of Mercy Quasi-Parish (est.

September 28, 2025) Located at Loma de Gato, Marilao, Bulacan, 3019 Philippines

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿด | ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—š๐—ฅ๐—œ๐—  ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—ง. ๐—™๐—ฅ๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐“๐ข๐ ๐ง๐š๐ง | Isang mapagpalang araw ang ating...
19/09/2026

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿด | ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—š๐—ฅ๐—œ๐—  ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—ง. ๐—™๐—ฅ๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ

๐“๐ข๐ ๐ง๐š๐ง | Isang mapagpalang araw ang ating nasaksihan sa Inihahandang-Parokya ng Ina ng Awa sa pagdating ng Pilgrim Relic ni San Francisco ng Assisi.

Sa unang araw ng pagdalaw, sama-sama nating sinalubong ang banal na relikya sa pamamagitan ng isang motorcade mula Luwasan patungo sa Inihahandang-Parokya ng Ina ng Awa. Sa pagdating nito, agad namang sinundan ng Pagdiriwang ng Banal na Misa, na pinangunahan ng ating Paring Tagapagdiwang na si Rdo. P. Edwin Peter Dionisio, OFM, kasama ang ating Paring Tagapangasiwa na si Rdo. P. Edward C. Pecson.

Sa pagdalaw ng banal na relikya mula Setyembre 18 hanggang 20, 2026, binibigyan tayo ng bukod-tanging pagkakataon na sama-samang magnilay at parangalan ang isang banal na taong naging dakilang patotoo ng ganap na pag-ibig sa Diyos, kababaang-loob, panalangin, kapayapaan, at malasakit sa kapwa at sa buong sangnilikha.

Nawa'y ang halimbawa ni San Francisco ng Assisi ay maging paanyaya sa bawat isa sa atin na mamuhay nang may higit na kababaang-loob, pag-ibig, kapayapaan, at malasakitโ€”hindi lamang sa ating kapwa kundi maging sa buong sangnilikha ng Diyos.

San Francisco ng Assisi, ipanalangin mo kami!







(c): Echo Mariae โ€“ Mother of Mercy Quasi-Parish Commission on Social Communication

| ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง | ๐Ÿ๐Ÿ• ๐Œ๐€๐๐€๐๐€๐Œ๐๐€๐‹๐€๐“๐€๐˜๐€ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐ˆ๐‡๐€๐‡๐€๐๐ƒ๐€๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐Ž๐Š๐˜๐€ ๐๐† ๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐€๐–๐€, ๐’๐”๐Œ๐€๐ˆ๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐”๐๐€-๐”๐๐€๐‡๐€...
17/09/2026

| ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง | ๐Ÿ๐Ÿ• ๐Œ๐€๐๐€๐๐€๐Œ๐๐€๐‹๐€๐“๐€๐˜๐€ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐ˆ๐‡๐€๐‡๐€๐๐ƒ๐€๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐Ž๐Š๐˜๐€ ๐๐† ๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐€๐–๐€, ๐’๐”๐Œ๐€๐ˆ๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐”๐๐€-๐”๐๐€๐‡๐€๐๐† ๐๐‘๐„๐— ๐’๐„๐Œ๐ˆ๐๐€๐‘

๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ข, ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก โ€” Dalawampuโ€™t pitong mananampalataya mula sa Inihahandang Parokya ng Ina ng Awa ang lumahok sa kauna-unahang Parish Renewal Experience (PREX) Seminar na isinagawa noong Agosto 29-30, 2026 sa Escuela de Santo Padre Pio, Inc., bilang bahagi ng pagsisimula ng mas malalim na pagkakaisa at pakikibahagi sa buhay ng Simbahan.

Sa loob ng dalawang araw, itinampok sa PREX ang landas tungo sa pagpapalalim ng buhay-parokya at ang kahalagahan ng personal na pagtatalaga sa sarili bilang bahagi ng isang nagkakaisang pamayanang Kristiyano. Layunin din nitong tulungan ang mga kalahok na higit na maunawaan ang mga aral ng pananampalatayang Katoliko at magkaroon ng lakas ng loob na maibahagi ang Mabuting Balita sa iba.

Sinimulan ang talakayan sa pagkilala sa sarili bilang isang Katoliko at pag-unawa sa sariling misyon bilang mananampalataya. Bukod sa mga panayam at pagbabahagi, nagkaroon din ng group sharing kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na magnilay at magbahagi batay sa bawat paksang tinalakay.

Para kay Maria Theresa Acosta, naging malaking biyaya ang pagdalo sa PREX dahil mas lumalim ang kaniyang pananampalatayang Katoliko at higit niyang naunawaan ang halaga ng kaniyang paglilingkod sa Simbahan, komunidad, at pamilya. Aniya, pinaalala sa kaniya ng karanasan na ang paglilingkod nang tama, may kabutihan, at may kababaang-loob sa kapuwa, sa kabila ng ibaโ€™t ibang hamon, ay isang paraan ng pagiging mabuting tao at pagkilala sa kabutihan ng Diyos.

Naging mahalagang katuwang naman sa pagsasagawa ng seminar ang mga PREX Graduates, PREX Family, at PREX Secretariat ng National Shrine and Parish of the Divine Mercy. Bukod sa pagtustos sa pagkain para sa dalawang araw, nagsilbi rin silang mga tagapagpadaloy at tagapagbahagi ng sariling karanasan noong sila naman ang sumailalim sa PREX.

Samantala, kinilala rin ang suporta ni Rdo. P. Edward C. Pecson, Paring Tagapangasiwa, sa pagsisimula ng programa sa inihahandang parokya.

Higit sa pagtatapos ng isang seminar, inaasahang magsisilbing panimulang hakbang ang PREX tungo sa mga pusong mas bukas sa paglilingkod at mga mananampalatayang mas handang makibahagi sa misyon ng Simbahan. Sa pagpapatuloy ng nasimulan, nakatakda ang susunod na PREX sa Nobyembre 28-29, 2026.

Balita mula kay Anna Lian Fucanan, Ang Sandigan News
Larawan mula sa Echo Mariae - Mother of Mercy Quasi-Parish Commission on Social Communication



=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿฏ | ๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—”๐—ช๐—”๐“๐ข๐ ๐ง๐š๐ง | Pormal nang sinimulan noong ika-13 ng Setye...
17/09/2026

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿฏ | ๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—”๐—ช๐—”
๐“๐ข๐ ๐ง๐š๐ง | Pormal nang sinimulan noong ika-13 ng Setyembre ang unang linggo ng Dalaw Patron ng Mahal na Birhen Maria, Ang Ina ng Awa, bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan.
Matapos ang pagtitipon mula sa Inihahandang-Parokya ng Ina ng Awa, sama-samang nagtungo ang mga deboto at lingkod patungo sa SPPC Marilao Grand Villas upang ihatid at dalhin ang Mahal na Birhen sa tahanan ng sambayanan.
Ang pagdalaw na ito ay isang pagkakataon upang sama-samang manalangin, magpasalamat, at higit pang palalimin ang ating debosyon sa ating Ina habang tayo ay naghahanda para sa kanyang maringal na kapistahan.
Nawa'y sa bawat tahanang kanyang mapuntahan ay mag-iwan ang Ina ng Awa ng pag-asa, kapayapaan, at pagmamahal, at maging daan upang higit tayong mapalapit sa kanyang Anak na si Hesukristo.
Inaanyayahan ang lahat na patuloy na makiisa sa mga susunod na linggo ng Dalaw Patron habang sama-sama nating ipinaghahanda ang dakilang pagdiriwang ng ating Mahal na Ina.
๐—ฉ๐—œ๐—ฉ๐—” ๐—Ÿ๐—” ๐—ฉ๐—œ๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ก!
Ina ng Awa, ipanalangin mo kami!

(c): Echo Mariae โ€“ Mother of Mercy Quasi-Parish Commission on Social Communication

14/09/2026

๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’, ๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’ ๐‘ท๐’‚๐’‘๐’‚ ๐‘ณ๐’†๐’ ๐‘ฟ๐‘ฐ๐‘ฝ! ๐Ÿค๐Ÿ™

Mula sa mga mananampalataya ng Inihahandang Parokya ng Ina ng Awa, kami po ay taos-pusong bumabati sa inyo ng isang Maligayang Kaarawan!

Sa inyong espesyal na araw, dalangin namin ang inyong patuloy na mabuting kalusugan, kalakasan, karunungan, at gabay ng Panginoon sa inyong paglilingkod sa buong Simbahan.

Nawaโ€™y patuloy kayong maging instrumento ng pagmamahal, pagkakaisa, at pag-asa, at maging pagpapala sa lahat ng inyong pinaglilingkuran.

Maligayang Kaarawan po, Santo Papa Leo XIV! ๐ŸŽ‚๐Ÿ™
Nawaโ€™y lagi kayong pagpalain, ingatan, at patatagin ng Poong Maykapal sa inyong banal na misyon.

Ad multos annos, Santo Papa!

๐ŸŽ‰ ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–-๐™Ž๐™ค๐™˜๐˜พ๐™ค๐™ข ๐™‘๐™ž๐™ฃ๐™˜๐™š๐™ฃ๐™ฉ! ๐ŸŽ‚Isang mainit na pagbati mula sa buong Commission on Social Communication sa i...
12/09/2026

๐ŸŽ‰ ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–-๐™Ž๐™ค๐™˜๐˜พ๐™ค๐™ข ๐™‘๐™ž๐™ฃ๐™˜๐™š๐™ฃ๐™ฉ! ๐ŸŽ‚

Isang mainit na pagbati mula sa buong Commission on Social Communication sa iyong espesyal na araw ngayong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿ๐Ÿ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐˜๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ!

Nawaโ€™y pagpalain ka ng Diyos ng kalusugan, kagalakan, at inspirasyon sa lahat ng iyong ginagawa. Maraming salamat sa iyong dedikasyon at paglilingkod sa ating ministeryo.

Enjoy your day, ka-SocCom! ๐Ÿ’™๐Ÿ™

| ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง | โ€˜๐ƒ๐Ž๐Š๐“๐Ž๐‘ ๐๐† ๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐€๐–๐€,โ€™ ๐๐€๐†๐‡๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ข, ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก โ€”  Inilunsad ...
10/09/2026

| ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง | โ€˜๐ƒ๐Ž๐Š๐“๐Ž๐‘ ๐๐† ๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐€๐–๐€,โ€™ ๐๐€๐†๐‡๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐

๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ข, ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก โ€” Inilunsad noong Agosto 16, 2026 sa Inihahandang-Parokya ng Ina ng Awa ang โ€œDoktor ng Ina ng Awa,โ€ isang inisyatibang naglalayong maghatid ng libreng serbisyong medikal at dental sa pamayanan ng Simbahan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng sama-samang paglilingkod ng mga health professional, volunteer, at kasapi ng Commission on Social Action (CSA), na naglalayong mailapit ang pangunahing pangangalagang pangkalusugan sa mga nangangailangan.

Sa unang medical at dental mission ng programa, sama-samang naglaan ng oras, kaalaman, at kakayahan ang mga health professional at kasapi ng CSA upang matugunan ang pangunahing pangangailangang pangkalusugan ng mga benepisyaryo. Naging unang hakbang ito tungo sa layunin ng programa na mailapit ang libreng medical at dental care sa mga kapatid sa pamayanan, lalo na sa mga higit na nangangailangan. Para sa programa, ang pagtulong ay hindi lamang nakikita sa pagbibigay ng pangangailangan, kundi sa aktuwal na pakikiisa sa mga taong nangangailangan ng suporta.

Bitbit ng programa ang mga natutuhan mula sa unang pagsasagawa upang higit pang mapabuti ang mga susunod na misyon. Kabilang sa mga nais pagtuunan ng pansin ang pagpapahusay sa registration, patient flow, at koordinasyon upang mas maging maayos ang pagtanggap at pag-asikaso sa mga benepisyaryo. Nilalayon ding palawakin ang mga serbisyong iniaalok sa pamamagitan ng health education, basic screening, at iba pang serbisyong maaaring makatulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng komunidad. Kasabay nito, hangad ng parokya na mapalawak pa ang hanay ng mga taong makikiisa sa misyon. Nais nitong makahikayat ng mas maraming doktor, dental professionals, volunteers, at iba pang katuwang na handang maglaan ng kanilang panahon, kaalaman, at kakayahan para sa kapuwa. Sa mas malawak na pakikiisa, mas marami pang nangangailangan ang maaaring maabot ng programa.

Inaasahang maging tuloy-tuloy ang paglilingkod sa pamayanan. Higit sa libreng check-up at dental services, hangad nitong maging patuloy na daluyan ng pagmamahal, malasakit, at awa ng Diyos; isang paglilingkod na hindi lamang tumutugon sa pangangailangang pangkalusugan, kundi nagbibigay-daan upang ang malasakit ay maging konkretong karanasan ng bawat taong naaabot nito.

Balita mula kay Anna Lian Fucanan, Ang Sandigan News
Larawan mula sa Echo Mariae - Mother of Mercy Quasi-Parish



=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

09/09/2026
๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐, ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€! ๐ŸŒน๐Ÿ’™โ€œPatuloy nawa tayong mamalagi sa pagkandili ng ating Mahal na Birheng Mar...
08/09/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐, ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€! ๐ŸŒน๐Ÿ’™

โ€œPatuloy nawa tayong mamalagi sa pagkandili ng ating Mahal na Birheng Maria, Ina ng Awa, at sa Kanyang Maka-Inang Pagmamahal.โ€

Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa mamayang 5:30 PM, bilang pasasalamat at pagpupugay sa ating Mahal na Birheng Maria.

Mahal na Birheng Maria, Ina ng Awa,
Ipanalangin mo kami!

๐ŸŽ‰ ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–-๐™Ž๐™ค๐™˜๐˜พ๐™ค๐™ข ๐™†๐™–๐™จ๐™จ๐™š๐™ฎ! ๐ŸŽ‚Isang mainit na pagbati mula sa buong Commission on Social Communication sa iy...
08/09/2026

๐ŸŽ‰ ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–-๐™Ž๐™ค๐™˜๐˜พ๐™ค๐™ข ๐™†๐™–๐™จ๐™จ๐™š๐™ฎ! ๐ŸŽ‚

Isang mainit na pagbati mula sa buong Commission on Social Communication sa iyong espesyal na araw ngayong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐ŸŽ๐Ÿ– ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐˜๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ!

Nawaโ€™y pagpalain ka ng Diyos ng kalusugan, kagalakan, at inspirasyon sa lahat ng iyong ginagawa. Maraming salamat sa iyong dedikasyon at paglilingkod sa ating ministeryo.

Enjoy your day, ka-SocCom! ๐Ÿ’™๐Ÿ™

Address

Loma De Gato, Marilao
Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Echo Mariae posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share